Wattpad Original
There are 3 more free parts

Chapter Four

34.3K 1K 158
                                    

Chapter Four

Frustrated

Ngayon ang announcement kung sino ang pasok sa naging audition doon sa club na sinalihan ko. Ngayon ko lang din naman kasi napagpasyahan na sumali rito. Everyone just kept on pushing me, especially Diana. Hindi lang natutuloy dahil mas pinangungunahan ako ng takot.

Not until I told myself that I should give it a try. Especially now that I was in my last year in college.

Ramdam na ramdam ko ang kabog ng dibdib ko habang naglalakad ako patungo roon sa meeting place. Tahimik akong naghahanap ng upuan. When I saw a familiar face, I immediately sat beside her.

"Hey! It's a good thing that you also auditioned," sabi ko habang nauupo ako sa tabi niya. Sumilay naman ang ngiti sa kanyang labi.

"Anastasia! I can't believe you also auditioned for this! Sigurado akong makukuha ka!" ani Claudia. I shyly tore my eyes away from her.

"Hindi siguro..." mahina kong sinabi.

Wala pa ang announcement pero pinanghihinaan na agad ako ng loob. Paano pa kaya kung ipaalam na nila sa amin ang naging resulta? Baka mas lalo lang akong ma-disappoint.

Hindi rin naman nagtagal ay dumating na iyong adviser ng club na ito para i-announce kung sino ang mga nakapasok sa audition.

Hawak ko ang telepono ko sa kaliwang kamay para kung sakaling makapasok man ako o hindi ay mabilis kong mate-text si Dylan o 'di kaya si Diana.

I let out a deep sigh. I sat up straight to try and calm my nerves down. Claudia, who's quietly sitting beside me, also looked tense. Halos lahat naman yata ng nandito ay kinakabahan din gaya namin.

"I will now announce the name of the students who got in," panimula noong adviser.

Napahugot akong muli ng malalim na hininga. Sobrang kinakabahan ako dahil baka hindi ako nakapasa sa audition. But I knew I gave my best. I saw how pleased the panels were with my piece so I guess...they liked it?

Nang banggitin nila ang pangalan ng unang nakapasa ay agad kaming nakarinig ng sigaw mula sa likod.

"Yes!"

Everybody turned their heads towards him. He shouted in joy. Napangiti naman ako habang pinanonood siyang mag-celebrate. Siguro ay ganyan din ako kung sakaling nakapasa ako sa audition. Pili lang kasi talaga ang mga estudyanteng nabibigyan ng pagkakataon na makapasok sa club na ito.

Kumbaga yung may mga talent lang talaga sa pagkanta. E, ako? I sing because I like it. I don't do it to impress people.

Natuwa naman iyong adviser at pinagpatuloy ang pag-a-announce ng mga nakapasok. Habang tumatagal at dumarami iyong natatanggap ay mas lalo kong naramdaman ang kaba dahil hanggang ngayon, hindi pa rin nababanggit ang pangalan ko.

What if I don't get in?

I was unconsciously biting my nails because of nervousness when I felt my phone vibrate in my hand. Tiningnan ko kung sino iyong nag-text sa akin.

Aiden:

Relax. I know you'll get in.

Nagulat ako sa naging mensahe niya. At paano niya nalaman na tensyonado ako ngayon? At isa pa, sino ang nagsabi sa kanya na nag-audition ako?

Goodness! This guy is really creepy.

Nang mabasa ko iyong text ay nilibot ko agad ang tingin sa buong paligid. Maybe he's somewhere near that's why he knew what I was doing right now. Tumingin muna ako sa likod pero wala siya roon. Kahit sa gilid ay wala rin siya. Where the hell was this guy?

A Beautiful Disaster (Donovan Series #1) (Published under LIB)Where stories live. Discover now