Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Chapter Three

38.5K 1.1K 175
                                    

Chapter Three

Impossible

"So, kilala mo na ba?" tanong agad ni Dylan sa akin nang pumasok siya sa kwarto ko.

Tamad ko siyang binalingan ng tingin. Paulit-ulit niyang tinatanong sa akin kung kilala ko na ba kung sino iyong nagte-text sa akin. Tumabi siya sa akin sa kama.

"Yeah."

"Then, who?" I glared at him because he sounded so excited.

I hope he gets disappointed once he knew who that person is! Walang kapatid ang gustong madawit kay Aiden. I heard he's...bad news. Iyon ang sinasabi ng madami sa school kaya iyon din ang paniniwalaan ko!

"Aiden," sagot ko. Matagal bago siya nagsalita, tila ba pinoproseso niya pa ang impormasyong sinabi ko.

Nagulat naman ako nang bigla siyang napatayo sa kama ko. Namimilog pa ang mga mata habang ang kanyang kamao ay napatakip sa kanyang bibig.

"Aiden? As in the Aiden Martinez?" I nodded sadly.

"Ana!" may halong galak at gulat ang kanyang boses. Lumingon ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "Of all people! Aiden Martinez is hitting on you. Wow!"

Nagpalinga-linga siya sa kwarto ko, hindi makapaniwala sa impormasyong nalaman. Kulang na lang magtatalon siya sa tuwa. He should be mad because it's Aiden Martinez who's hitting on his sister!

But my brother was the total opposite. Sa halip na magalit at tulungan akong palayuin si Aiden sa akin ay heto siya at natutuwa pa!

Inirapan ko siya. "Yeah, of all people, ako pa yung napag-trip-an niya!"

"Ate Ana, hindi lang basta trip 'yon! He likes you!" Tinulak-tulak niya ako na para bang ginigising niya ako sa katotohanan.

"Anong like ka riyan?! Ang dami na rin nilang ginanitong babae! At hindi lang basta trip 'yon!"

Hinilot niya ang kanyang sentido. "You really need to go out sometimes! You're really missing out a lot."

Ngumuso ako sa kanya at hinintay na ipagpatuloy ang kanyang kuwento.

"Chris is probably the one who breaks a girl's heart. But Aiden...he's totally a different guy."

Umangat ang gilid ng labi ko. Why was that suddenly so hard to believe, huh? And he can't fool me with that! They're friends for a reason! Parehas silang mahilig sa babae.

Ika nga nila...birds of the same feather, flock together.

"Pinaniniwalaan mo siguro yung mga sabi-sabi sa school. Pero alam mo ang totoo? Ang mga babae mismo ang lumalapit kay Aiden. Hindi siya. They're willing to give themselves to him. And do you know what's the most surprising thing? Aiden knows how to respect girls! I've seen it, trust me."

Hindi ako makapaniwala sa sinasabi nitong kapatid ko. I knew that he's outgoing and he probably gathered a lot of information at the parties he's been to. Pero itong sinasabi niya sa akin ngayon, ito na yata ang pinaka imposible.

"That's like the most impossible thing I've ever heard." Umiling ako sa kanya at binalik muli ang tingin sa librong binabasa ko.

"It's true! I was invited to one of their parties though." He hissed. My eyes widened. "Don't tell Mom!"

I let him continue his nonsense story.

"And there's this girl that's been trying to kiss him, almost touching him! Pero umiiwas siya! Hindi mo alam kung gaano rin ako nagulat nang makita ko 'yon! Dahil tingin ko rin sa kanya nung una ay katulad ng kumakalat sa school. But geez, he proved me otherwise that night!"

A Beautiful Disaster (Donovan Series #1) (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon