Mistake 1

20 1 0
                                    

Alanna's POV
(Five years ago...)

...A beautiful morning for a beautiful girl like me.

Ang conceited mo naman.

Shut up.

Naglalakad ako ngayon dito sa mall. Naghahanap ng pwedeng masira.

Naghahanap ng masisirang relationship.

FYI, hindi ako bitter. Hobby ko lang talagang manira ng relationship. Marami akong hobby at malalaman niyo din yun.

Hindi pa pala ako nagpapakilala, ano ba yan. By the way, the name is Alanna Jane Palma 17 turning 18 in a couple of months. Yan lang muna ang dapat niyong malaman sa ngayon.

Makikilala niyo rin ako. Soon.

At dahil wala akong nakitang nagd-date ay pumasok na lang muna ako sa isang coffee shop. Swerte naman dahil may isang booth na vacant at malapit din ito sa window.

Umupo muna ako at nagpahinga, nakakapagod kayang maghanap at manira ng relationship. Hehe.

Mag-oorder na sana ako pero may narinig akong nagsalita,

"Eek! Babes, oh my g. Ang bait mo naman thank you sa teady bear at sa chocolate. Sweet mo Love you."

"You're welcome babes. Love ya." At sa likod ko lang na booth yun. Kung siniswerte nga naman...

Walang forever. Hindi ako bitter, hindi talaga.

Masira nga ang isang 'toh.

"What the heck?!" Kinuha ko lang naman ang frappe at tinapon sa babae. Haha, I'm so evil but sexy.

"Leira babes, okay ka lang?" Rinig kong tanong ng lalaki sa mukhang pwet na tinubuan ng mukha na babae na ang name pala ay Leira.

"How dare you?! I thought you love me?! Bakit may pa babes ka pang nalalaman? Sabi mo sa akin noon tayo lang, forever together diba?" I sobbed. Ang galing ko talagang umarte.

"Sino ka ba? Babes who's this girl?! Sabi ko na nga ba, niloloko mo lang ako!" Sabi ni Leira linta.

"You've promised, you said you love me. Only me." Sabi ko at sinampal yung lalaki. Wow~ ang kapal ng mukha niya, nasakitan ang kamay ko nun ah.

"Teka miss, pero hindi kita kilala. Anong pinagsasabi mo jan?" Tapos tumingin siya kay Leira, "at babes, ikaw lang mahal ko. Maniwala ka." Pathetic.

"Hindi! Ayoko na! Matagal na akong nagdududa, at tama ang hinala ko. May iba ka!" Tumayo siya,"we're over Renz, bye."

Tumakbo palabas ang babae na umiiyak. Hindi ko namalayan na lahat pala ng tao dito ay nakatingin sa amin.

"Sino ka ba?! Masaya ka na?" Medyo nagulat ako nang magsalita si Renz daw.

Ngumiti ako ng nakakaloko at, "I'm no one and yes, my work here is done."

Pagkatapos nun ay lumabas na rin ako. Phew! Yun ang pinakamadali pero nakakapagod din.

To make a relationship successful, you need to trust each other. Yun ang kulang sa kanila eh at sa iba pang mag boyfriend and girlfriend. That is some kind of a challenge, yun pa nga lang di na nila nakaya kasi wala silang tiwala sa isa't-isa, paano pa kaya sa susunod.

I'm not regretting anything that I have done. Infact, they should thank me. Pina-aga ko lang ang proseso, magbre-break din naman kasi sila, eventually.

Sabi ko na walang forever.

~~~~~*~~~~~~

After nun, pumunta muna ako kanila Camille.

The Biggest MistakeWhere stories live. Discover now