Mistake 3

5 1 0
                                    

Bakit ang dilim?

Tanong ko sa aking sarili. Wala akong makita ni isa, kahit saan ako lumingon ay kadiliman lang ang nakikita ko.

Nananaginip ba ako?

Maya-maya ay may nakita akong ilaw sa di kalayuan. Syempre lumapit ako doon. Nang ilang hakbang nalang, nakita kong bigla nagkaroon ng iba't-ibang kulay ng ilaw sa paligid.

At paglingon ko sa aking kaliwa ay nakita ko ang isang babae. Nakasuot siya ng isang lacy dark violet ball gown, at naka mask din siya.

Napalingon siya sa gawi ko at dahan dahang lumapit sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Parang familiar ang mukha.

Grabe ang pagkagulat ko ng nilagpasan niya ako.

Huh?

Kaya tinignan ko kung saan siya papunta. Nakita ko na papalapit din sa kanya ang isang naka white tuxedo na lalaki. Matangkad. Matipuno. Maputi. At naka-maskara din.

Nagsimula na silang sumayaw. Maya-maya nakita kong may binulong ang lalaki sa taenga ng babae, at dahan dahang tinanggal ng lalaki ang kanyang maskara.

Pero bago ko pa man makita ang kanyang mukha ay biglang nag iba ang aking nasaharap.

Nasa labas ako ng isang bahay. Napakalaki at enggrande nito. Malakas ang ulan, gabi at sa isang postlight lang nanggagaling ang ilaw.

Maya-maya nakita kung may isang babae lumabas. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil sa malakas na ulan. Pero dinig na dinig ko ang malakas na pag-iyak niya. At ang weird kasi parang nararamdaman ko kung gaano kasakit, kahit di ko naman alam kung anong masakit.

Hanggang sa nakalabas na siya sa gate na basang basa at umiiyak, pero ramdam ko pa rin ang sakit.

Napalingon ako sa may pintuan dahil feel ko ay may nakatingin sa akin. At tama nga ako.

Those deep and dark brown eyes...

"F#ck."

Bigla akong napabangon.

"Holy sh#t." Ang weird naman na panaginip nun.

Feel ko talaga totoo.

Tapos ramdam ko pa. Tapos yung mga matang yun, they seems familiar. But I just can't point out where I've seen them.

Napatingin na lang ako sa orasan ko...

7:00

Haay. Masyado pa palang maaga matutulog muna ako.

.
.
.
.
.
.

"What?! Holy sh#t 7:00 na?! I'm super late!"

Nakalimutan kong ngayon pala ang first day ko sa bagong school, at ayon sa schedule ko ay 7:30 ang start.

Haay. Panira kasi ang panaginip na yun. Tsk!

Ayun na nga, dahil sa pagmamadali ko eh di ko na naayos pa yung higaan ko. Meron naman akong yaya eh, hehe.

So ayun na nga, ginawa ko na ang daily routine ko. Nag-toothbrush, naligo, at nagbihis.

Pagkatapos nun ay dali dali akong bumaba.

"Nay Indang!~ Pakiligpit na lang po ng mga gamit ko sa kwarto! Malelate na po kasi ako. Thank you po!~" sigaw ko habang palabas na ako ng bahay.

Matagal ng yaya ng aming pamilya si nanay Indang, para na nga siya naming kamag-anak eh. Si mama ang nagsabi na siya na lang daw ang magiging kasama ko dito sa bahay para may sumubaybay daw sa akin.

The Biggest MistakeWhere stories live. Discover now