Mistake 4

7 1 0
                                    


Alanna's POV

Bakit?

Bakit niya sinayang ang kanyang lahi?

Hindi ako mapakali habang tinitignan ko siya.

Hindi ko matanggap.

Sa gwapo niyang yan...

Tapos naging bakla siya?

Bakit ba sa panahon ngayon, kung hindi taken, malayo, mas bata o mas matanda, posibilidad naman na isa itong bakla?

Sabi nila don't judge a book by its cover daw.

Tignan mo itong napala ko.

Okay na sana eh, okay na.

Pero nang nagsalita siya, tapos body actions niya?

Ghad! Para akong nabuhusan ng napakalamig na tubig.

Hindi ko makaya na ganun lang.

Sayang lahi nito!

"Hahahaha Hahahahahahaha!!!"

Saka lang ako natigil sa pag-iisip nung narinig ko ang malakas at parang baliw na pagtawa ni Ella.

"Ally! Hooh! Grabe ang priceless ng mukha mo! Ahahahaha!" Tapos pinagpatuloy niya lang ang tawa niya.

Tumingin naman ako sa lalaking ito, or should I say bakla.

Tinaasan niya ako ng kilay at,
"Bakit may angal ka?!"

Ghad! Confirmed!

Isa siyang Gay!

Bakla!

Bayot!

Kabayo!

Hindi tuwid!

Binabae!

"Oh, Ally. Bakit ganyan ang mukha mo para kang nalugi? Hindi ka makapaniwala noh?" Nakakalokang tanong niya.

"Hindi ko lang kasi akalain na... Bakla pala siya. Alam mo sana hindi ka nalang sana nagsalita. Naku, tsk! Sayang!" Ang mali kasi eh.

Inirapan lang naman niya ako.

"Ally, siya nga pala si Brent Denver Buenafe. Bestfriend ko, since birth na yang ganyan. Pero si tito, yung daddy niya, naniniwala na magbabago din daw yan at magiging tunay na lalaki pag nakilala niya na daw yung babaeng makakapagpabago sa kanya. Haha laptrip nga eh. Pano ba naman yan, eh lalaki nga ang gusto. Hahhha!"

Baliw talaga ang isang ito.

"Bakit niyo pala ako hinahanap?" Please wag ka ng magsalita, maawa ka... Huhu.

"Yung USB mo kasi naiwan mo. Ibabalik niya lang sayo. Baka mahalaga daw kasi laman niyan. Haha baka yung mga porn vids mo ahahahaha!" Wala na, natuluyan nang nabaliw si Ella.

"Hoy! Baliw, shattap ka nga jan! Nasan na yun Ally? Ay, sorry pala kasi baka akalain mo mataray ako, pero hindi ah." Mukha naman siyang sincere, "at hindi porn laman nun, g#ga. Mga important files yun ng company."

"Aah. Eto yung USB" iniabot ko sa kanya at kinuha naman niya, " nice meeting you. Hehe."

"Thank you. If you want we can be friends, ells would agree with that, right?"

At tumango naman si Ella.

"Syempre naman. At isa pa diba transferee ka dito? So ngayon may bago ka nang friends! Yehey!" Ang energetic ng babaeng ito.

"Haha. Okay, that'll be great."





And after nang pangyayari na yun ay lumabas na kami.

The Biggest MistakeWhere stories live. Discover now