Chapter 3: His Promise

171 7 2
                                    

Chapter 3: His Promise

[FRANCIS WILLIAM’S POV]

Tss parang may mali ah! isang linggo na ang lumipas di pa siya nadating parang may hindi magandang mangyayari. Dati agad agad yun dumadating kahit may mabalitaang maliit na bagay lang.

=FLASHBACK=

“ Dad is Calling”  binasa ko kung sino yung natawag sa phone ko.

 

“Hello dad”

“Francis William, where  is your sister. I can’t contact her.” Shit. LIMO na saan ka lagot tayo kung nagkataon.

 

“ I don’t know dad.  She told me na my pupuntahan lang siya.” Ayun lang paalam niya kanina eh..

“Eh ang pagpasok niya sa public school alam mo ba Francis William?” sa tono ng boses niya mukang may di magandang mangyayari. Ngayon alam niya na ang kalokohan ni LIMO.

“Yes dad pero sinabi niya isang semester lang daw siya doon.”

“Stuborn, why did you tolerate her. Uuwi na ko. A.S.A.P” at pinatay niya na ang tawag.

=END OF FLASHBACK=

Pinagsawalang bahala ko na muna  baka busy lang yun sa business agenda niya dun. Kalahating oras na ko nagbabasa ng mga magazine wala pa rin si LIMO. Sabi niya sabay daw kameng maglunch..tss sang lupalop na naman kaya nagsususuot yun..

*BLAG*

Biglang bumukas ng malakas yung pinto. At nakira kong nakatayo si daddy na tindig na tindig. Pumasok na ito, at ang mas kinagulat ko ay ang mga lalaking na kaitim ang pumasok rin at ang isa ay buhat-buhat S-si…

“LIMO.” Anung nangyari jan bakit walang malay. Anu na naman kaya ginawa nito ni daddy.     “ What did you done to her.?” Tinanong ko si daddy habang papunta sa direksyon nung lalaking may buhat kay LIMO para kunin at ihiga sa couch.

“ Pinatulog ko lang siya. Balak pa atang ubusin ang tauhan ko ng batang yan. Nagulat ako sa laki ng pinabago ng prinsesa ko. Di ako naniniwala sa mga taong binilinan ko magbantay sa kanya. Na malakas na siya at hindi na siya yung batang mahina at iyakin. ” Sinasabi niya  iyon habang pinagmamasdan si LIMO .

“Yes dad that’s true. Sinabi ko na rin sayo dati pero ayaw mo maniwala. Demon Queen ang tawag sa kanya muka lang hindi siya lumalaban pero matindi yan dad. Pero binabantayan ko pa rin siya ayoko siyang mapahamak”

“ Very good son. Nung nakita ko nga siya lumalaban kanina, napakapulido at halatang sanay na siya sa ganong sitwasyon. Hindi ko akalain na ang isang anghel ay magiging nakakatakot na halimaw. Na sa dugo na talaga natin ang pagiging monster.” Bakas sa mukha niya ang pagkamangha.

“Siguro nga dad”

“ Kung buhay pa siguro si Anikka puro sermon abot ng kapatid mo dahil sa mga ginagawa niyang batang yan. Pero wala eh kinuha kagad siya sa atin.” Bigla naming lumungkot ang muka ni daddy halata ang pagkamiss niya kay mommy. “Mukhang hindi tayo mahihirapang ipasok at sanayin siya sa organisasyon natin. Malapit na ang kaarawan ng kapatid mo magiging legal na ma-----“ di ko na pinatapos yung sasabihin ni dad. Di pa to ang tamang panahon.

“ Dad hindi niya pa alam ang tungkol sa DFM. At hindi pa ito ang tamang oras para malaman niya, hindi natin pwedeng biglain siya. Kahit nananalatay na sa kanya ang dugo ng pagiging ----–“ Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko alam kong nagtutulog tulugan na tong babaeng toh. Tss Crazy..

The Notorious SiblingsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang