Chapter 6: Welcome in Del Fierro University Demon Queen

112 6 0
                                    

First day of school ko ito, ang bilis naayos ni Bimo ang mga document ko dito.

Pinark ko na ang Ferrari 250 GTO ko. Maaga pa naman eh may 20 mins pa ko para magikot-ikot dito sa campus. 7:30 am pa naman ang first subject ko eh.

May narinig akong mga nagkukwentuhan mga estudyante  habang naglalakad ako.

“Siya di ba yung kapatid ni King Francis?” tss bobo yaya niya ko.

“ Grabe ang inosente ng mukha niya. Hindi mo mahahalatang malakas at nakakatakot siya.” Pektusan kita ng malaman mo.

“ Mukhang cool siya at ang ganda ganda niya.” Tss hindi ako maganda pogi ako.

“ Ayiii nakita ko na rin siya sa personal *with matching sprikitik pa*.” yikes ao bay an kinilig pa sakin si ate -_-.

Binabara ko ang bawat sinasabi nila sa utak nakakaasar kasi eh bumabalik na naman sa dati pinagkakaguluhan na naman ako. Ganto pa naman ang ayoko ang pinagpepyestahan ako ng tao sa paligid. Lahat ng mata at attention nakatuon sakin.

“ Balita ko galling siya sa isang public school. Iba din trip ng isang yan. Napagkayaman-yaman kung ano-anu ginagawa sa buhay.” Public School. SHIT >-< nagfaflash back na naman sakin lahat ng memories ko sa lugar na yun. Erase erase erase kakalimutan ko na lahat di ba at nandito na ko sa lugar kung saan ako nararapat.

“ Eh bakit nandito na siya ngayon? Siguro ayaw siya maging kaibigan ng mga tao dun sa Pinapasukan niya dati o di kaya takaot sa kanya ang mga prof kaya pinaalis siya doon.” Kaibigan? Punyeta  napintig tenga ko sa babaeng huling nagsalita .

“HOY, BABAENG PASMADO ANG BIBIG.” Sinigawan ko siya at nakuha ko ang attention ng lahat  ng estudyante sa daan.

“ Me?” sabay turo niya sa sarili niya.

“OO, WALA NG IBA, GUSTO MO BASAGIN KO YANG BIBIG MONG PASMADO. KUNG ANO-ANU PINAGSASABI MO WALA KA NAMAN ALAM. ANO NAMAN SAYO KUNG MAY KAIBIGAN AKO O WALA.” At hinawakan ko ng mahigpit  ang braso niya pagkalapit mo sa  kanya, napapangiwi naman ito sa sakit.” Sa susunod na marinig kong magsalita yang bibig  nay an babasagin ko na talaga yan naiintindihan mo?” at tumango na lamang ito.

“  Let her go. Nasasaktan na siya.” Alam ko na kung kaninong boses yan. Tsss nakalimutan  kong dito pala siya napasok. Kaya binitiwan ko na yung babae, nakita kong namumula pa ag braso nito.

“Miss im sorry kung naging rude siya. Pagnakita mo siya ikaw na lang ang umiwas. Pasensya na.” sabi ni bezie dun sa babaeng nasaktan ko. Tumingin muna sakin yung babae bago tumango bilang sagot niya. Tss marunong palang pagsabihan eh.

Si Bezie naman ang kumapit sa braso ko at inaya niya na ko paalis dito sa pwesto namin. “ Sabi na nga ba eh, ikaw ang dahilan ng kumpulan ng mga estudyante dito. Nung nalaman kong dito ka na papasok hinanap kagad kita. At biruin mo yung unang araw mo pa lang may inaway ka na kagad siguro kung hindi pa ko dumating baka hospital na bagsak nung babae. Iba ka talaga kakambal mo ata ang gulo eh kahit saan ka pumunta hindi pwedeng walang eksena di ka naman artista.” -______-

“ Shut up, ang aga mo magmisa huh. Wala akong panahon para makinig” saway ko sa kanya. Pisti minimisahan na naman ako eh -_-.

“ hay buhay, *sigh* pasalamat ka kahit ganyan ka mahali kitang gaga ka.” Sabay ngumiti pa ang loka. “ Tara bili muna tayo foods bago magklase alam kong hindi ka pa nagbreakfast.”

“ Buti nga, ng matuwa naman ako sayo.”  Sabi ko sa kanya.

Binilhan niya ko ng isang malakin Moby Caramel, Nescaffe Latte in can, at isang slice ng triple chocolate cake. Yung cake lang kinaen ko at yung moby nilagay ko  sa bag para may makain ako pagboring mamaya.

The Notorious SiblingsWhere stories live. Discover now