Chapter 5: Sorrowful Revelation

115 6 0
                                    

[Andrew’s POV]

Kinuha ng lalaking may star sa braso ang cellphone ko. Siya siguro ang leader.

Nakatali kami ni Sam sa magkabilang upuan. Tulog pa rin ito dahil sa naamoy naming kaninang pampatulog. Kinidnap kami habang pauwe na kami kanina.

Jusko naman di naman kami mayaman bakit kami pa napaginteresan ng mga ito. Mag-aaral ba kami sa public kung mayaman kami? Anu bang kabobohan ito. Paano naman kami makakatakas ditto eh wala naman kami kapera pera at chaka baka pag nalaman ni nanay ito humatayin yun sa nangyari. “Diyos kop o tulungan niyo po kame” mahina kong dasal.

Nakita kong may tinatawagan siya sa phone ko. Sino kaya yun?

“QUEEN” nakangisi niyang sabi sa kausap niyang queen ang pangalan? Teka wala naman queen na pangalan sa cp ko ah o baka nakitawag lang itong kidnappers na to dahil walang load. Mas pulube pa pala samin ito eh.

Pero teka nung binanggit niya ang salitang “queen” isang tao lang pumasok sa utak ko Hindi kaya si Demon Queen ang tinawagan niya? Pero bakit?

“HAHAHAHAHAHA” tarantado pala ito eh bigla na lang natawa. “Easy queen namiss ka lang namin. Gusto lang naming magexercise kasama ka. Oo nga pala na sa amin ang mga kaibigan mo.” At tumingin siya sa direksyon naming.” If you want to save them, beat us first. Pero di na kami papatalo pa sayo ngayon. Dating gawi sa hide out namin. Pag hindi ka dumating papatayin ko sila lalo pa at alam  kong ngayon ka lang nagkaroon ng tunay na kaibigan.” Paliwanag niya sa kausap niya “ Aantayin kita , ihanda mo na ang buhay mo Demon Queen.” Pagkapatay niya ng tawag ay binato niya ng malakas sa ding ding ang cellphone ko. Gago ito ah pagkatapos makitawag ibato daw cellphone ng may cellphone. Tatlong buwang sweldo ko pa naman pinangbili ko dyan. Kayamot magiipon na naman ako.

“Gago ka ah bakit binato mo cellphone ko? Tang ina naman eh kala mo madali kumita ng pera>_<.”  Sigaw ko sa leader nila.

*BOGSH* 

Ang sakit puta bigla na lang nanununtok. “Sino ba yang kausap mo? Ang lakas ng loob mong magbato ng hindi sayo nakitawag ka na nga lang tarantado ka>_<.”

“ Mukang napapaisip ka kung sino ang kausap ko bata.*smirk* Sa nakikita ko hindi niyo alam ang tunay na pagkatao ng kaibigan niyo.” Sabi ng tarantadong leader tss 

“Sino ba talaga ang tinutukoy mo?” tanong ko sa kanya. Patay malisya muna pero alam kong siya na yung tinutukoy ng lalaking toh.  Iba kasi pakiramdam ko eh parang may kakaibang mangyayari.

“ Malalaman mo pagdumating na siya” tipid niyang sagot.

“ Adik ba kayo? Di nga namin close si Demon queen tapos papupuntahin niyo dito hindi naman yun kasing tanga niyo na mangingidnap na lang sa wala pang pera . Hindi nga kami ang kaibigan niya nagkakamali lang kayo.” 

“Ang daldal mo parang di ka lalaki *BOGSH*” sinuntok niya na naman ako kota na huh.” Kami ang Royal Pentatonix Gang. Wala kaming pakelam sa pera si Queen ang kailangan naming at matalo siya. At wag kayong magalala buhay niya ang kailangan naming para sa kalayaan niyo.” Pagkasabi niya yun ay umalis na siya papunta sa mga kamyembro niya.

“Queen sino ka ba talaga? Parang matagal ka na naming nakakasama at kilala *sigh*” mahina kong tanong sa sarili ko.

[Sophia Monique’s POV] 

Malapit na ko sa Hide out ng Royal Pentatonix Gang. Binilisan ko pa ang andar ng motor ko baka kung anu pa mangyari kila Sammy at Drew. Iba pa naman ang RPG tss.

Kanina ko pa napapansin may sumusunod sakin. Kung hindi ako nagkakamali si Giovanni yon.

“ aish pinasundan na naman niya ko.” Lalo ko pang binilisan. 

The Notorious SiblingsWhere stories live. Discover now