Chapter 8: 10 years ago

83 5 1
                                    

 [ Francis William’s POV]

Inaasahan ko ng ganto ang mangyayari sa paglabas ulit ni LiMo pero ang di ko akalain ay ang paglabas din ng Swarovski. Matagal ng wala kaming balita sa Swarovski pero bakit? Wag mong sabihing itutuloy niya ang banta niya dati?

Bigla ako nakaramdam ng kaba sa unang pagkakataon, hindi pwede maulit ang nakaraan. Hindi pwede, ayokong pati siya mawala samin hindi ko na kakayanin.

= FLASHBACK =

10 YEARS AGO (SUNKEN PLAYGROUD)

“ Princess ayusin natin ipit ng buhok mo magulo na oh.” Nakangiting tinawag ni mommy si Sophia.

“ Im Coming Mommy wiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii” nagpadulas muna si Sophia bago pumunta habang natakbo kay mommy na nakaupo sa bench.

“ Slow down baka madapa ka princess.” Saway ni Mommy.

“ Mommy naiwan ko sa sasakyan yung cellphone ko, kukunin ko lang po.” Humalik ako sa pisngi ni mommy at tumakbo papunta sa parking lot.

“ Liam Be careful, baka mabangga ka ng sasakyan.” Sigae ni mommy ng makalayo na ko.

Binabantayan ni mommy si Sophia habang nagpapadulas. Lagi kaming napunta dito tuwing Linggo para samahan si Sophia maglaro minsan kasama naming yung best friend niya. Si Daddy naman susunod daw siya kasi may dadaanan siya. Pagkatapos naming magsimba humiwalay na siya samin. Kaya iniintay na lang naming siya at uuwe na.

“ awwww”  may nabangga akong isang lalaki patingin ko si Tito Logan bestfriend nila mommy.

“ Mag-iingat kayo ng kapatid mo.” Ngumiti ito at ginulo ang buhok ko at dumerecho pa punta sa playground. Medyo malayo kasi yung parking lot sa playground. Bakit di niya kaya kasama si Jake? At mukang nagmamadali siya.

Siya si tito Flynn Logan Swarovski bestfriend ni mommy at daddy since High school. Ang bait nga niya pati ang anak niyang si Edward Jacob na bestfriend naman namin ni Neil. Si tita Allison ang napangasawa niya, pinagkasundo sila ng mga magulang nila pagkatapos nila sa College.

“ Gotcha.” Sabi ko ng makuha ko ang cellphone ko.

Pagsara ko ng pinto ng sasakyan bigla akong may narining na putok ng baril parang galing sa

.

.

.

.

*BANG.

Sa Playground.

“ Mommmmmmmmmmmmmmmmyyyyyyyyyyyyyy”

Agad akong tumakbo ng marinig ko ang sigaw ni Sophia. “ Shit.” Anong meron? Lalo ko pang binilisan ang takbo ko.

Naabutan kong nakahandusay si mommy sa lupa at kumakalat ang dugo mula sa dibdib. Si Sophia naman nakaupo sa tabi niya at nakatulala habang may tumutulong luha sa magkabilang pisngi niya.

Nakita kong si tito Logan ay may hawak na baril at nakatutok naman kay Sophia.

Pinulot ko yung isang sangga ng puno na nakakalat sa lupa, agad na lumapit kay tito at pinukpok sa ulo niya. Bigla namang tumiklop ito dahil sa lakas ng palo ko at tumalsik ang hawak niyang baril.

Pumunta naman ako sa lugar kung nasan ang kapatid at mommy ko.

“ Mommy wag mo kami iiwan *sniff sniff*. Mommy wag ngayon mommy,*sniff sniff* mommy Please.” Di ko na napigil ang luha ko kaya kusa na itong bumagsak.

The Notorious SiblingsWhere stories live. Discover now