Night Five

746 12 5
                                    

Author’s Note: Yow, Ate Rhissa! Ito na ang update XD Labyu. HAHAHA. Pagpasensyahan na kung #Sabaw ang update. Pinush ko lang ‘yung sarili kong mag-update eh XD May bago tayong cover! HAHAHA. Hala, sige.. basa! :)

 

Night Five

Dalawang araw ang lumipas at parang walang krimen na nangyari. Bumalik sa dati ang lahat. Totoo ang modeling agency nila Ramon at ginamit nila ito para mapatay si Julie dahil ito ang utos sa kanila ni Mara. Nagtrabaho sila na parang walang nangyari. Kulang nga lang ng isa dahil wala na si Billy. Ayaw man nilang patayin ito ay hindi pwede dahil sa utos ni Mara.

Kahapon ay nag-usap ng masinsinan si Mara at Ramon. Gustong malaman ni Ramon ang lahat kung bakit galit na galit ang Mama niya sa mga ito. Pinuntahan niya ito sa sala na nakaupo at may hawak na magazine. Hiniling niya na sana ay maganda ang mood nito. 

“Ma..” Tinignan siya ni Mara at nginitian. Napahinga ng maluwag si Ramon. Good mood ito dahil nginitian siya.

“Ano iyon, Ramon?” Umupo si Ramon sa upuan na katapat nito. Bago magsalita ay lumunok ito.

“Bakit galit na galit ka sa pamilya ni Julie? Ano bang ginawa nila?” Tinignan siya ni Mara na nakataas ang kilay at binaba nito ang magazine na hawak. Nilapag niya ito sa center table at humigop ng kape. Hindi niya inaalis ang tingin sa mata ng anak.

“Bakit gusto mong malaman? Nakokonsensya ka ba?”

“H-hindi naman sa ganon, Ma. Gusto ko lang talaga malaman dahil naguguluhan ako.”

“Pinatay ng tatay ni Julie ang Papa mo, Ramon.” Nagulat si Ramon ngunit nanatili itong tahimik para magpatuloy ang ina niya. “Six years ago. Magkatrabaho sila Raymond at ang tatay ni Julie na si Adrian sa trabaho. Paborito ng boss nila si Raymond na tatay mo dahil bukod sa magaling ito magtrabaho ay talagang nakakatulong ito sa kompanya. Magkaibigan si Raymond at Adrian. Noong na-promote ang tatay mo, nag-celebrate sila. Pero sa kasamaang palad, naaksidente ang sinasakyan nilang sasakyan. Ang sabi ay nawalan daw ito ng preno dahil sa bilis ng pagpapatakbo ng tatay mo pero hindi ako naniniwala. Dahil alam ko na naiingit si Adrian kay Raymon dahil paborito ito ng amo niya. Alam kong galit siya sa tatay mo. Galit na galit ako sa pamilyang Morales. Nabuhay si Adrian pero namatay si Raymond. Kita mo naman kung gaano ako nalungkot noon, diba, anak?” Tumango si Ramon at nanatiling walang imik. Hindi matanggap ng utak niya ang naririnig. Alam niya ay namatay ang tatay niya sa isang car accident pero hindi niya alam na sinadya ito.

“Galit na galit ako sa kanila hanggang sa umabot sa puntong pinasunog ko ang bahay nila. Iniutos ko iyon at sinabi kong wala silang ititirang buhay. Masaya ako noong nalaman kong namatay ang buong pamilyang Morales. Pakiramdam ko naipaghiganti ko na ang ama mo kaya nanahimik ako. Hanggang sa nakita ko ang file ni Julie na naga-apply sa iba’t ibang modeling agency. Pinaimbestigahan ko siya at nalaman kong anak siya ni Adrian na nakaligtas sa sunog. Nagalit ako at pinatawag ang inutusan ko noon na sunugin ang bahay. Ang sabi nila ay hindi raw nila alam kung paano iyon nangyari. At hindi rin nila namalayan na sa isang iglap, namatay sila.” Ngumisi si Mara at nagpatuloy sa pagku-kwento.

“Doon ko plinano ang lahat. Inutusan ko kayo na tanggapin siya pero sa kasamaang palad, tumanggi ito. Nasira ang plano ko. Pero dahil sa ginawa ni Billy ay nagkaroon ako ng ideya. Ang plano ko noon ay pasabugin ang tinirhan niya pero mas maganda pala kung pahihirapan siya. Doon ko na plinano ang lahat. Pinapunta ko sa apartment niya ang labing-dalawang miyembro ng sindikato at pinagahasa si Julie sa kanila. Masama akong tao, alam ko iyon pero dala lang ito ng galit. Hindi ko pa rin matanggap na wala na ang tatay mo.”

Napahilamos na lang ng mukha si Ramon sa mukha habang si Mara ay kinuha ulit ang magazine at binasa ito na parang walang nangyari. “Maari ka nang umalis sa harap ko.” Malamig na sabi ni Mara. Walang nagawa si Ramon kun’di tumayo at umakyat papunta sa kwarto. Hindi niya alam kung tama lang ba o mali ang ginawa ng Mama niya. Masyado siyang naguguluhan at ngayon lang siya natauhan na nakapatay pala siya ng tao. Sa sobrang inis niya ay nabato nito ang vase at nabasag. Dali-dali niyang tinawagan si Max para samahan siyang uminom.

NightmareWhere stories live. Discover now