Epilogue

701 17 2
                                    

Epilogue

Ako si Julia Morales. Twenty year-old. Kapatid ko si Julie Morales, kakambal. Magkamukhang-magkamukha kami. Wala kaming pinagkaiba at talagang malilito ka kapag pinagtabi mo kaming dalawa. Ang pinagkaiba lang naming ay ang ugali. Siya ay masiyahing tao habang ako, tahimik. Hindi kami magkasamang lumaki. Hindi ko kasama ang totoo kong pamilya. Buong buhay ko, gusto kong makasama ko sila pero hindi pwede. Hindi ako pinapayagan ng mga ‘magulang’ ko.

Pinaampon nila ako. Hindi na nila kasi ako kayang pakainin, pag-aralin at bigyan ng magandang kinabukasan. Bata pa ako noon at hndi ko pa naiintindihan. Nagalit din ako kay Julie dahil pwede namang siya nalang ang ipamigay, bakit ako pa?

Mabait ang umampon sa akin. Mayaman. Maalaga. Mapagmahal. Maganda ang pakikitungo nila sa akin. Mahal nila ako. Pero gusto kong maramdaman yung pagmamahal ng totoong magulang. Yung init ng yakap ng Ina. Yung pagtatanggol sa’yo ng tatay mo. Yung pakikipaglaro mo sa kapatid mo.

Makulit akong bata. Gusto kong makasama ang totoo kong pamilya. Madalas akong tumatakas sa bahay para pumunta sa pamilya ko. Nakikita kong nilalaro ni Mama at Papa ang bunso naming kapatid. Habang si Julie ay nakatunganga lang sa bintana. Tinatawag siya nila Papa pero ayaw niya. Gusto niya daw ay ako ang kalaro niya. Unti-unti nawala ang galit ko sa kanya. Parehas lang kami na ayaw mawalay sa isa’t isa.

Pinagbawalan na ako nang tuluyan nila Mom at Dad na pumunta sa amin. Madamot sila. Ayaw nilang makita ko ang pamilya ko. Pero humiling ako. Kahit si Julie na lang ang makita at makausap ko ay ayos na ako. Pumayag sila. Ako lang naman kasi ang anak nila. Hindi sila magka-anak kahit anong gawin nila. Mahal nila ako pero hindi ko sila ganun kamahal. Mas mahal ko kasi ang kapatid ko.

Nagsimula akong makipagkita kay Julie. Naaalala ko pa ang itsura niya nang makita niya ako. Ngiting-ngiti at mahigpit akong niyakap. Ganoon rin ako pero umiyak ako. Namiss ko kasi siya. Sikreto naming dalawa ‘yun. Na walang dapat makaalam na nagkikita kami. Halos araw-araw kaming nagkikita hanggang sa nagalit na sila Mom at Dad. Sabi ko naman sa inyo, madamot sila.

Lumipat kami ng bahay. Sa malayo. Sa ibang bansa. Kung saan hindi ko makikita o makakasama ang kakambal ko. Bago kami umalis ay nagkulong ako sa kwarto at walang ginawa kung hindi ang umiyak. Sinabi ko iyon kay Julie at umiyak rin siya. Kinakatok ako nila Mom pero hindi ko binubuksan ang pinto. Sinabi nila na ibibigay nila ang kahit na anong gusto ko, sumama lang ako.

Sinabi kong ibili nila ako ng bahay at lagyan ng CCTV ang buo naming bahay. Ikonekta sa bahay na bibilhin para sa akin ang mga CCTV at uuwi ako kung kailan ko gusto. Pumayag sila pero uuwi ako kung kailan ko gusto basta taon ang agwat. Kapag hindi pa ako pumayag sa gusto nila, hindi nila ako papayagang umuwi kahit kailan. Pumayag na ako. Maganda na ‘yun at makakauwi ako at makikita ko pa rin sila.

Nag-uusap kami ni Julie sa telepono. Ayos na akong siya ang nakakausap ko at hindi ang pamilya ko. Masarap sa pakiramdam na kausap mo ang kakambal mo. Wala akong kaalam-alam na halos isang kahig isang tuka siya noong namatay ang pamilya naming. Kung alam ko lang, tinulungan ko na siya. Pero alam kong kahit tumulong ako, aayawan niya. Gusto niya kasing nakukuha ang isang bagay sa sariling pagsisikap.

Kada umuuwi ako, nagkikita kami.. iba na nga lang ngayon. Nang umuwi kasi ako.. iba ang lagay niya. Hindi siya maayos. Hindi siya masaya. Naghihingalo siya.

Wala akong ibang hiniling kun’di ang maging ligtas at maayos si Julie. Mahal na mahal ko siya at gusto kong inaalagaan siya. Hiniling niyang ipaghiganti ko siya pati na ang pamilya namin. Ginawa ko. Mahal ko siya eh. At kahit hindi niya hinilingin ‘yun ay gagawin ko. Ayokong nasasaktan si Julie pero anong ginawa nila? Sinaktan, binaboy at pinatay nila ang kakambal ko.

Ang kakambal kong tanging dahilan kung bakit ako masaya ngayon. Sabihin nyo nga, ano pang dahilan ko para mabuhay kung patay na rin lang naman ang kapatid ko? Pakiramdam ko mababaliw na ako. Hindi ko kakayaning mabuhay ng wala ang kapatid ko. Mabigat sa dibdib. Mahirap tanggapin.

Wala na ang kakambal ko.

“MISS!” Napalingon ako sa tumawag sa akin at papunta siya sa akin. Kumunot ang noo ko. Bakit? Hindi ko kilala ang lalaking ‘yun!

*Beep beep*

Napalingon ako sa harapan ko at nakita ko ang isang ten-wheeler-truck na sasalpok sa akin. Hindi ako makagalaw– MALI. Ayokong gumalaw. Tapos na ang gusto kong gawin. Natapos ko na. Ano ng sunod? Wala naman na ang totoo kong pamilya at ngayon.. wala na si Julie. Wala na akong dahilan para mabuhay.

Bago pa ako makapikit ay naramdaman ko na ang pagsalpok sa akin ng malaking sasakyan na naging dahilan para tumilapon ako at masagasaan ng ibang sasakyan. Ramdam ko ang kirot sa buo kong katawan. Unti-unting bumibigat ang talukap ko pati na rin ang paghinga.

Naramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko. Dumilat ako at nakita ko ang lalaking tumatawag sa akin kanina. Hinawakan ko ang kamay niya at mukha siyang nagulat. Tipid akong ngumiti.

“’W-wag mo na akong iligtas.. ha.. hayaan mo n-na ako dito. Mamamatay n-na ako… paki-usap.” Mahina kong sabi.

Sana lang narinig niya. Gusto ko ng mamatay. Makikita ko na ang pamilya ko.. makakasama ko na sila. Higit sa lahat.. makakasama ko na ang kakambal ko. Ang pinakamamahal kong kapatid.

"Hindi kailanman mabubura ang kasamaan ng isa pang kasamaan."

May narinig akong bulong. Mahinang-mahina. Parang hangin lang na dumaan sa tenga ko pero sobrang linaw.

Pumikit ako at ang lahat ay dumilim. Maya-maya ay nasilaw ako sa liwanag at nakita ko ang maamong mukha ng kapatid ko. Nakangiti siya sa akin at kitang-kita ko ang mapuputi at pantay niyang ngipin tulad ng akin. Ito na.. magkakasama na kami.







Salamat sa lalaking tumupad ng huling hiling ko.




[ WAKAS ]

NightmareWhere stories live. Discover now