Night Eight

555 8 4
                                    

Night Eight

Buong araw nagkulong sa kwarto si Mara. Para siyang baliw na nakatalukbong ng kumot at hindi man lang kumikilos. Natatakot siya dahil ang mensaheng iyon ay parang sinasabi na malapit na ang katapusan niya. Nakapikit siya at pinipilit na matulog ngunit nanginginig ito at nakikita sa isip ang kaawa-awang itsura ni Julie na kanyang pinahirapan.

“S-sorry. Sorry, Julie. Sorry.” Bulong ni Mara sa kawalan.

“Takot ka rin pa lang mamatay.” Bigla siyang napabangon nang may marinig na boses. Mabilis ang takbo ng puso niya at luminga-linga at wala namang nakitang tao sa loob ng kwarto. Napahinga siya ng maluwag at umiling.

“Nababaliw na ako,” sabi niya sa sarili. Napagpasyahan niyang tumayo sa kama at bumaba sa kusina para kumain. Hapon na at hindi siya nakatulog dahil sa takot. Isa lang ang ibig sabihin ng mensaheng natanggap niya, patay na si Max.

Umiinom siya ng tubig sa kusina nang biglang may mag-door bell. Luminga-linga siya sa paligid pero wala ang mga katulong niya. “INDAY! MAY TAO SA LABAS!”

Kumunot ang noo niya nang wala man lang sumagot. Huminga siya ng malalim at lumabas sa pintuan para maglakad palapit sa gate. Pero hindi pa man siya nakakaabot sa gate ay may naramdaman siyang tumusok sa braso niya. Tinignan niya ang braso at may injection na nakatusok dito. Luminga-linga siya at may nakitang isang tao sa gate na naka-jacket at may hood. Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil nag-umpisa na siyang mahilo at mawalan ng malay.

-

Nang imulat ni Mara ang mata niya ay tanging liwanag lang ang nakikita nito hanggang sa luminaw ang paningin niya. Nilibot niya ang paningin sa paligid at nanlaki ang mata sa nakita.

“AAAAAAAAAAH!” Pumikit ito ng madiin kasabay ng pagtulo ng luha sa kanyang pisngi. Puro bangkay ang nasa paligid. Bangkay ng mga tagapagsilbi sa bahay niya. Ngayon niya lang nalaman na nasa kwarto niya na siya at wala siyang saplot. Nakatali gaya ng pagkakagapos ni Julie noon sa kama.

“Oh, bakit ka sumisigaw? Takot ka ba sa mga patay?” Hindi maidilat ni Mara ang naginginig niyang mga talukap dahil sa takot. Ayaw niyang makita ang itsura ng taong nagsasalita. Natatakot siya. “EH BAKIT KA PUMATAY?!”

“AAAAAAAAAAAAAH!”

“HAHAHAHA. Bakit ka natatakot sa akin? Takot ka rin ba sa multo?” Nanlalaki ang mata ni Mara nang tanggalin ang dumilat ito. Nanginig siya sa takot at parang nawalan ng boses sa nakita. “BILLY!” Mas lalong lumaki ang mata niya sa sinigaw nito. May pumasok na isang lalaking kulot sa kwarto nila. Nagsalit-salit ang tingin ni Mara sa dalawa. Walang ngiti sa mukha ng dalawa tanging seryoso at nakakamatay na tingin ang nakikita ni Mara sa mata ng dalawa.

“B-billy? Kasab-bwat ka rito?”

“Oo. Trinaydor niyo rin siya hindi ba?”

“Julie, tama na.” Awat ni Billy. Umiling lang si Julie at pumalatak. Tinitigan ni Julie si Mara at maya-maya ay tumaas ang isang sulok ng labi nito.

“Dahil gusto pa kitang pahirapan.. bubuhayin muna kita.” Napanganga si Mara sa sinabi ni Julie. Iyon din kasi ang mga katagang sinabi ni Mara kay Julie bago niya ito ipagahasa sa mga lalaki. Hindi makakibo si Mara at walang ibang nagawa kundi ang titigan ito. “Naiisip mo na ba ang gagawin ko sa’yo, Mara?” Lumapit ang babae kay Billy at may ibinulong rito ngunit umiling si Billy.

“Hindi pwede, Julie. Tita ko siya at hindi ko pwedeng gawin ‘yun.” Tumalim ang tingin ng babae dahil sa sinabi ni Billy.

“Gagawin mo ang gusto ko sa ayaw at sa gusto mo! NAGAWA MO NGA IYON DIBA!? BAKIT NGAYON HINDI MO MAGAWA?!” Napapikit si Mara at Billy sa sigaw nito. Masyadong malakas, masyadong galit. Ramdam mo ang galit sa bawat salitang binibitawan nito. Mabilis ang paghinga ni Julie at pilit pinapakalma ang sarili. “You choose, Billy.” Seryosong sabi nito. Sa tono ng kanyang pananalita ay parang sinasabi niya na bawal tumanggi.  “Fuck her or I’ll kill you?”

NightmareWhere stories live. Discover now