KABANATA 3

20.8K 690 15
                                    

Angelica's P.OV.

Mukhang mga pulis ang kinausap ng estrahero. Ilang segundo lamang kasi'y, nagsipagdatingan na ito; kasama ambulansya at mga paramediko. Wala namang napinsala sa akin bukod sa bukol sa likod ng ulo ko, at kahit na alam kong nagtagumpay ang tatlong lalaki sa panggagahasa kay Melissa'y naging matatag naman ito. Ayaw na nga sana naming sumama sa hospital, pero protocol daw 'yun, at kailangan din daw kaming makausap na mga pulis.

Nagtaka ako nang tinanong nila kami kung nakita raw namin kung sino ang bumaril sa limang lalaki, at kung alam din daw ba namin kung ito rin daw ang tumawag sa kanila. Tumanggi ako; ang sinabi ko'y hindi ko na napansin ito. Sinenyasan ko si Melissa na gano'n na rin ang isagot; hindi naman n'ya ako binigo.

Alas singko na ng umaga bago kami nakauwi. Pero dahil may trabaho pa kami sa department store, simula alas-nuebe, halos hindi na rin ako nakatulog para maghanda. Masakit man ang ulo ko at katawan, pinilit ko itong hindi ipahalata. Ayokong mag-alala si Inay at Itay, lalo pa't, nagsinungaling ako sa kanila, sa tunay kong pinuntahan kagabi.

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang bulong ko kay Melissa, habang pumapasok kami sa employee's entrance ng Mall.

Hinila niya ako, mas malayo sa mga nakapilang empleyado. "S'yempre hindi. Halos bugbugin nila ako, natural, masakit ang katawan ko. Ikaw?"

"Masakit pa rin ang ulo ko." Sagot ko. "Napakatapang mo, Mel. Kung sa akin nangyari ang nangyari sa 'yo, baka hindi pa ako nakaka-recover ngayon."

"Gano'n din ako noong una."

Nanlaki ang aking mga mata, "Anong ibig mong sabihin? Na-rape ka na ba dati?" Bulong ko.

Tumango s'ya, "Mas marami pa ro'n. Ang pagkakaiba lang, binayaran ako dati."

"Anong ibig mong sabihin, Mel."

Napabuntong-hininga s'ya. "Occupational hazard ng mga tulad kong female escort. Naabuso rin kapag siraulo ang customer. Isa lang ang kumontrata sa akin sa isang stag party, pero lahat sila nakialam at bumaboy sa akin. 'Yun nga lang, binayaran naman nila ako nang extra. Kailangang kailangan ko ng pera no'ng mga panahon na 'yun kaya hayun, kinalimutan ko na lang. Kung daramdamin ko 'to, lalo lang walang mangyayari sa buhay ko. Kalimutan mo na rin ang nanyari sa atin kagabi, Anne, tutal, patay na ang mga demon'yong 'yun. Naiganti na tayo no'ng..." Natigilan siya sandali, "Hindi mo ba talaga nakita?"

Kinabahan ako bigla, naalala ko na naman kasi ang mukha ng lalaki. Matalim ang mga mata nito at matangos ang ilong. Maamo ang mukha, bagama't maigting ang kan'yang mga panga, na para bang, may kinikimkim itong matinding galit sa mundo.

"H-hindi eh, ikaw ba?"

"Bahagya lang," An'ya. "Matangkad na lalaki. Malapad ang balikat. Naka-itim na sweater na may hood. Mabuti dumating s'ya, kung hindi, baka lumulutang na ang mga bangkay natin ngayon sa ilog."

***

Tinubuan ako ng matinding takot. Parang ayoko nang bumalik sa kasa nina Madame Melai. Kaya sa halip na kumuha ng medical clearance, naghanap na lang ako ng ibang mapapasukang trabaho.

Inisa-isa ko ang mga newspaper ads. Nakaka-depress. Halos lahat kasi ng job vacancies, hindi naman ako qualified. Totoo pala ang naririnig kong usap-usapan ng iba kong mga katrabaho. 'Yung mga naka-graduate nga ng kulehiyo, halos walang makitang trabaho. 'Yun pa kayang mga tulad ko na hanggang high school lamang ang natapos?

Tenebris AnimaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon