KABANATA 8

17.2K 570 8
                                    

Seth's P.O.V.

"Boss! Boss! Parang awa mo na Boss, 'wag mo akong papatayin!"

Nanginginig, nagsusumamo't nagmamakaawa ang walanghiya, habang iginagapos ko ito sa mataas na poste ng alay-ay (1) sa gitna ng malawak na maisan.

"Hindi ko talaga alam kung saan n'ya dinala ang mga bankay ng iyong pamilya!" Nagpatuloy ang kan'yang paghiyaw at pagpalag.

Ilang beses nakalag ang lubid na pilit kong binubuhol sa kan'yang bandang paanan. Sa sobrang inis, tumigil ako sandali sa paggapos, dinampot ang makapal na tubong ipinanghahataw ko na rin sa kan'ya kanina, at buong p'wersang inihataw 'yun sa kan'yang magkabilang tuhod.

Umalingawngaw sa malawak na taniman ang kan'yang sigaw at pagdaing. Kung may makarinig man sa kan'ya, hindi ko sigurado bagama't nakatitiyak naman akong, masyado silang malayo para sumaklolo kaagad-agad.

"Isang pagkakataon na lang Renato..." Malumanay kong sambit. "Isang beses mo pang sayangin ang oras ko, alam mo na siguro ang kahihinatnan mo." Sinulyapan ko ang isang galong gasolina sa di kalayuan habang dinudukot ko ang lighter sa aking bulsa.

Nahuli kong tinitingnan n'ya ang isang galon ng gasolina. Batid kong nakuha na n'ya ang ibig kong sabihin.

"K-kapag sinabi ko ba sa 'yo, pakakawalan mo na ako?"

"Depende."

Ibinaling n'ya sa akin ang kan'yang paningin, "Bakit pa pala ako magsasalita kung papatayin mo rin naman pala ako?!" Nangingining s'ya; mangiyak-ngiyak.

"Bakit? Sinabi ko bang papatayin kita?"

"Para saan ang gasolina?! 'Di ba't para sunugin ako nang buhay?!"

Nginsian ko s'ya, "Tama, susunugin nga kita. Susunugin kita nang mas malala pa sa pagpaso mo ng iyong sigarilyo sa murang balat ng ate ko..." Hinawakan ko nang mahigpit ang kan'yang nagdurugong tuhod. Humiyaw s'ya sa sakit. Binitiwan ko rin naman ito. "Pero hindi kita papatayin. Mas gugustuhin ko pang makita kang naghihirap sa walang katumbas na hapdi habang naamoy at pinagmamasdan ang natutunaw mong balat."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza) 2016, All rights reserved.

"Seth..." Pag-iyak n'ya nang may pagmamakaawa. "L-lango lang ako sa droga noon. H-hindi ko alam ang aking ginawa. H-hindi ko sinasad--"

"Hindi mo sinasadya?!" Sigaw ko. Ako naman ngayon ang nanginginig sa galit. "H-hindi mo sinasadyang pahirapan ang ate ko? Ang tadtarin ng paso ng sigarilyo ang kan'yang buong katawan, matapos mo s'yang paulit-ulit na ginahasa sa harapan ng aming mga magulang?! Hindi mo sinasadya?!" Sumuntok ako paitaas, diretso sa kan'yang sikmura. Napadaing s'ya sa sakit. Isang bulto ng dugo ang agad na lumabas sa kan'yang bibig. "Hindi mo rin ba sinasadya na matapos mo s'yang babuyin at pahirapa'y paulit-ulit mong itinaktak ang kan'yang ulo sa sahig hanggang sa s'yang iyong mapatay?! Hindi sinasadya?!" Dinukot ko ang laseta sa aking bulsa, at saka ko ito isinaksak sa kanyang hita. Muli s'yang humiyaw. "Hayup ka, Renato. Anong palagay mo sa 'kin, isang bobong katulad mo?!"

"Patayin mo na lang ako." Namamaos na ang kan'yang boses. Nakuha pa nitong ngumisi sa akin. "Nagsasayang ka lang ng oras. Hindi ko talaga alam kung saan ipinadala ni Valeria ang labi ng pamilya mo. Ba't 'di s'ya ang tanungin mo? Matagal na akong tumiwalag sa kan'ya. Hindi ko na rin alam kung nasasa'n s'ya ngayon. Wala naman kaming ginawa sa inyo na hindi n'ya ipinag-utos. Kahit anong gawin mo... wala ka talagang makukuha sa 'kin!"

"Ganun ba?" Pinulot ko ang lubid, at muling ipinulupot 'yun sa kan'yang mga paa. "Wala ka na rin palang silbi sa 'kin kung gano'n." Nasulyapan kong gumuhit ang ngisi sa kan'yang bibig habang ibinubuhol ko ang lubid.

"Bakit mo pa ako iginagapos kung wala na naman pala akong silbi sa 'yo?"

Marahan akong tumayo sa kan'yang harapan at saka ko tiningala ang kan'yang duguang mukha.

"I'm bored." Nakangising wika ko sa kan'ya. Dinukot ang isang pack ng sigarilyo sa aking bulsa, kumuha ng isa, inilagay sa aking bibig, bago ko ito sindindihan ng lighter at hinithit. Pinaglaruan ko ang ibinubuga kong usok. Pinalutang ko ito sa hangin sa pabilog na hugis para lumikha ito ng ilusyong sumusukat sa palibot ng kan'yang mukha. "Kailangan ko ng laruan." Humithit at bumuga muna ako ng isa pa, bago ko pinatay ang upos ng sigarilyo ang sugatang bahagi ng kan'yang tiyan.

Nagsisigaw s'ya, kahit halos wala nang tinig ang nagmumula sa kan'yang lalamunan. Umpisa pa lang 'yun ng isang oras na paglalaro. Ang tadtarin s'ya ng paso tulad ng ginawa n'ya sa aking kapatid, bago ko isagawa ang pinaplano kong sunuguin na ng tuluyan ang balat sa kan'yang buong katawan.

***

"Senyorito." Pagbungad sa akin ng isang tinig habang nakatanaw ako sa malayo. Isa sa mga paborito kong lugar sa mansyon ang verranda sa silid ng aking mga magulang. Dito ko kasi naalala ang masaya naming pamilya noon; ang halakhakan habang naghahabulan kaming magkakapatid, pati na rin ang mga ngiti ng aming mga magulang habang pinagmamasdan ang madalas naming pang-aabala sa kanilang pribadong espasyo. 'Paano namin masusundan si bunso kung parati kayong naririto?' Hindi ko makalimutan ang pabirong katagang 'yun ni Papa. 'Yun din kasi ang mismong araw na nangyari sa amin ang malagim na trahedya.

Nilingon ko ang taong pinanggagalingan ng tinig. Nakatayo ito sa may pintuan ng silid--na sadya ko namang iniwanang nakabukas para sa kan'ya.

"Nabasa ko po ang text n'yo."

Humarap ako sa kan'ya, bagama't nanatili ang aming distans'ya.

"Nariyan na s'ya, Dario." Mahinang wika ko sa kan'ya. Si Dario, ang aking bagong hardinero. Ang hardinerong akala ni auntie Valeria ay hindi ko pa nahaharap at nakikilala. Ang hindi n'ya alam, kilala ko na ito simula pa sa umpisa. "'Yung pinag-usapan natin."

Tumango s'ya. "M-may iba pa po bang nakakaalam?"

"Wala. Tayong dalawa lang. And it has to strictly stay that way."

***

Footnote

(1)  Alay-ay: A Scarecrow in English.

[Itutuloy]



Tenebris AnimaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon