Chapter 1 First Day

20 0 0
                                    


First day ko ngayon bilang isang grade five student at hindi na ako nanibago kasi sanay naman na ako na every year kami pa lipat lipat nang paaralan.

Unang araw ko pa lang at ang dami ko nang kaibigan at mga siga pa. Ako kasi yung tipong hindi pa aapi kaya sinali nila ako sa grupo nila. 

Naalala ko kasi dati na may ka away ako at iyak ako ng iyak eh ang sabi nang papa ko na ayaw nya kaming makitang umuwi na umiiyak dapat daw lumaban kami kasi hindi daw sa lahat ng oras na nandyaan sya na para maipag tanggol kami,kaya nya pala nasabi yun kasi may plano na pala syang iwan kami. Matagal na pala nyang niloloko ang mama ko. Doon ko naisip na kailangan kong ipag tanngol ang sarili ko kasi wala ng ibang gagawa nun kundi ang sarili ko lang. at noong araw na iniwan kami ng papa ko ay doon nagbago ang ugali ko. Naging  matapang na ako,ni wala akong kinakatakotan,basta alam ko sa sarili ko na tama ko.

KRING......KRING.....KRINNGGG......!!!! at tumunog na ang bell na ibig sabihin ay tapos na ang klase.

uwian na! sigaw ng mga kaklase ko.

Kanya kanya nang sakay ang mga estudyante sa tricycle at sa mga sundo nila at tinawag ako ng mamang driver na sumakay ako kasi may isa pang bakante sa likod at ang nakita kong nakaupo sa likod ay walang iba kundi si Adam. Wala akong choice kundi ang umupo sa tabi nya. Sa buong byahe namin eh hindi man lang nya ako tiningnan o kinausap,kinalimutan nya na ang pagkaka ibigan naming dalawa,medyo nasaktan lang ako kasi sila yung isa sa mga dahilan kung bakit excited ako bumalik sa probinsya ng lola ko.

Oh! hanggang dito nalang tayo mga bata sabi nang driver sa amin.

Pagka bayad ko ay nagalit ang driver. oh? bakit lima lang ito ineng ? kulang ng dalawang piso. 

Catherine POV

Limang piso lang naman po talaga kuya ah sa lahat ng mga estudyante sabi ko.

at biglang sumabat si Adam

Sumakay sakay ka eh kulang naman pala ang pamasahe mo. Nakakahiya ka! 

Ano bang problema mong kulot ka ha! Hindi ikaw ang kausap ko.sigaw ko kay Adam

Sige Ineng ganito nalang, bukas bayaran mo ako pag nagkita tayo ha.

Cge po kuya. Hindi nalang ako nakipag talo pa. Kainis to si kuya eh limang piso naman talaga ang pamasahe ah. Hindi ko sya babayaran bukas!. bahala sya sa buhay nya. Hindi na ako sasakay ulit dun.

at doon nagsimula ang bangayan naming dalawa ni Adam

Ang tawag niya sa akin ay panget at ang tawag ko naman sa kanya ay kulot,kasi kulot naman talaga sya... Pag nagkikita kami ay lagi nya akong ina asar kahit hindi ko na sya pinapansin...

Ang ate nya at ang ate ko ay magkaklase at magkasundong magka sundo samantalang kaming dalawa ay para kaming aso't pusa. Sabi nga nang mga ate namin na , sige kayong dalawa baka magka developan kayo. May kasabihan pa naman na the more you hate the more you love.

Bakit naman ako magkaka gusto sa negrang yan eh ang panget panget.-Adam

at bakit naman ako magkaka gusto sa katulad mong kulot. Masyadong feeling gwapo.. Maka alis na nga at ang lakas ng hangin at bagyo,Signal no.4 na ata. Nakaka high blood na kulot. ! Tsk Humanda ka talaga sa akin bukas na kulot ka. Tingnan nga natin bukas kung may tapang ka pa na awayin ako.

                 at kinabukasan.........................

Basta usapan natin huwag lang natin sya saktan o bugbugin. Kausapin mo lang sya at takutin...

Kasama ko lahat nang barkada ko sa harap nang classroom ni Adam...

Sino dito si Adam Paul Montenegro? sigaw nang pinaka lider namin.

AKO! sagot nya...

So..ikaw pala! Sabay tulak nya kay Adam..sa susunod na aawayin mo ang kaibigan namin yung kulot na buhok mo magiging straight yan. Kung ayaw mo nang sakit sa katawan lubayan mo ang kaibigan namin. Naiintindihan mo ba?

Nakipag titigan lang sya sa lider namin at tiningnan nya ako ng masama.


Akala ko tahimik na ang buhay ko pero mas lalo pala naging magulo kasi kinabukasan ay nabalitaan ng mama nya ang ginawa namin sa kanya at nilipat sya sa isang pribado at kilalang skwelahan sa amin. Parehas na sila ni Maxine nang pinapasukang skwelahan at Kahit magkapit bahay kami ay madalang na lang kaming magkita. Pag nagkikita kami ay hindi na nya ako ina asar at doon ko napagtanto na na miss ko na pala sya kahit magka away kami at nagtaka ako kay Maxine kasi pinapansin nya na ko at parang ang saya nya pa. Akala ko magagalit sya kasi bestfriend rin naman sya ni Adam Paul.

Uy baks!(bakla for short) tawag nang pinsan ko na si Dianne  nakakatulala kasi ako ngayon  sa harap ng court kung saan naglalaro ang mga pinsan ko at kasama si Adam.

Baks bakit ganun? Sa lahat nating mag pipinsan ako lang lagi inaasar ni Adam at ngayon hindi nya na ako pinapansin o inaasar.  May galit ba sya sa akin baks? May na kwento ba sya sayo?  di ba nakaka usap mo sya baks?

BAKS! pagkatapos nyong pag bantaan yung tao  sa tingin mo anong mararamdaman nya? Diba galit??-dianne

eh nung dati pa yan galit sa akin eh nung kulang ang pamasahe ko dun sa tricycle driver. Kung maka react yang kulot na yan akala mo sya yung driver. Dinaig nya pa ang driver ha sa reaksyon nya. Wala naman akong kasalanan sa kanya ah.

Pero alam mo baks,sabi ni dianne sa akin...parang may gusto ata yang si Adam sayo kasi sabi nga nila pag inaasar ka daw nang lalaki at laging nagpapa pansin sayo eh may gusto sayo diba?

Hindi naman siguro dianne kasi kung may gusto pa yan sa akin dapat hanggang ngayon hindi nya ako titigilan sa pang aasar or di kaya mag so sorry sya sa akin diba baks?

Alam mo Catherine malakas ang radar ko ha na may gusto sayo yang Adam na yan eh. 

Yucks! ayaw ko dyaan sa kulot na yan baks noh. Ang panget na nga, ang panget din ang ugali. Umuwi na nga lang tayo dianne at wala pa sa isip ko yung crush crush na yan noh. Mag aral na nga lang tayo.






MY FIRST LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon