Chapter 7 Marry me!

19 1 0
                                    

Adam's  POV

Parang bigla akong  biglang kinabahan pero masaya sa pakiramdam na nakita ko na si Catherine,pero hindi ako magpahalata na excited. What a surprise babe?

Pwedi ba Adam huwag mo akong ma tawag tawag na babe dahil matagal na tayong tapos at may boyfriend narin ako. Hindi ka parin ba nakaka move on? kasi ako matagal na !


So,what can i do? medyo nasaktan sya sa sinabi ni Catherine pero di nya pinakita na apektado sya.

My lola,she's not okay. Gusto kong bilhin ulit yung bahay at lupa nya. Sinabi ni dianne sa akin na handa ka daw ibalik yun anytime pero ayaw ko naman kunin yun basta basta nalang so bibilhin ko nalang sayo kahit magkano pa yan.

Well nagbago ang isip ko Catherine. Gusto ko iba ang kapalit ng bahay at lupa ng lola mo.Marry me then I will give you everything.


What?,What did you say?? Nababaliw ka na ba adam? Naririnig mo ba yung sarili mo! Ganyan ka na ba ka despirado? pinipilit mo ang sarili mo sa taong hindi ka na mahal?

Sabihin mo na ang gusto mong sabihin Cath,pero mabilis lang naman akong kausap. Kung ayaw mo sa mga kondisyon ko  then fine. Makaka alis ka na. I think I said it loud and clear but if you have hearing problem, I'll say it again , NO! I won't give you the house and land tittle.

No! napasigaw na siya.

And why not Cath? Ipapa alala ko lang sayo sweetheart na ako na ang nagmamay ari nang bahay at lupa ng lola at lolo mo and will you stop shouting, you are making a scene cath baka nakakalimutan mo andito ka sa pamamahay ko.

Catherine's POV

at dahil sa desido akong makuha ang titulo ng bahay at lupa nila lola at lolo ay pumayag na ako. Gusto mo nang laro ha,pagbibigyan kita.!

Okay okay!pumapayag na ako.malumanay na rin nyang sagot kay Adam,hindi ko maintindihan ang sarili ko kasi parang ang saya ko na inalok nya ako nang kasal.  pero dapat ay ipaparamdam ko muna sa kanya ang lahat nang pinaramdam nya sa akin. Pahihirapan ko mo na sya.at naalala ko ang huling hiling nya na hindi dapat malaman ng pamilya nya ang kundisyon na hinihingi.

Baka iniisip mo na kaya kita inalok nang kasal ay dahil mahal kita, dyan ka nagkakamali cath kasi gusto ko lang tigilan na ako ni mommy kakahanap nang mapapangasawa and since kilala ka na nya hindi na ako mahihirapan at gusto ko na tayong dalawa lang ang nakaka alam sa kundisyon ko Cath,oras na malaman nila Mama at nang pamilya mo ay hindi ko maibibigay sayo ang pinag usapan natin. Dapat ang alam nila ay nagkabalikan tayong dalawa. Nagkakaintindihan ba tayo babe??-Simula ngayon ay babe narin dapat ang tawag mo sa akin. Ako na bahala sa wedding preparation.

Paano na to? Mababaliw na ata ko. Paano ko to ipapaliwanag kina Mama,lalo na si dianne at kyle. Ang alam nila ay kinamumuhian ko si Adam tapos magpapakasal nalang ako bigla.


So what happen?Nagkita na ba kayo? Nag usap na ba kayo? tanong ni kyle at dianne pagdating na pagdatingko.

Sabi ko na nga ba eh..mahihirapan akong magpapaliwanag sa dalawang to eh. dapat kapani paniwala.

Guys huwag kayong mabibigla..Magpapaliwanag ako kaya kumalma muna kayong dalawa ha. Nagkabalikan na kami ni Adam.

Ano? What?! -dianne & kyle Papaanong nangyari yun baks eh parang kani kanina lang ay umuusok yang ilong  mo sa galit. May nangyari ba sa inyo ni Adam? buntis ka na ba?

Hoy dianne ah walang nangyari sa amin ni Adam ha!,at buntis agad agad eh wala pa ngang nangyayari, nagpaliwanag sya sa akin at na kwento nya sa akin na si Maxine ang may pakana ng lahat kung bakit hindi nya ako matawag tawagan. Alam mo naman yung babaeng yun diba.

So gusto mo palang may mangyari ha? and naniwala ka naman baks?

Dianne hindi lang naman sya ang may kasalanan eh,may kasalanan rin ako kasi hindi ko sya inintindi. Dapat ako pa nga ang mas nakaka alam sa sitwasyon nya. Masyado rin akong naging maka sarili kaya nagka ganun.


Kinaumagahan ay maaga akong gumising para magluto.

Baks may naghahanap sayo. Sino ? tanong ko kay diane

Good Morning babe!  Ahh...hindi ko alam kung ano ang isasagot ko,medyo naiilang pa ako kay Adam. Good morning too babe,oh napaaga ka? Kumain ka na ba?

Oo,kumain na ako. Flowers for you babe. Thank you babe.. Andito ako cath kasi itatanong ko lang kung nasabi mo na sa kanila na ikakasal na tayo kasi mamanhikan na kami mamayang gabi.

Ano?gulat na gulat si dianne. Totoo ba catherine? Bakit parang nagmamadali kayo ni Adam? Ang bilis naman ata cath?

Excited kasi sila mama na magka anak kami ni Catherine dianne kaya pinapadali nya ang kasal. Mamanhikan na kami mamayang gabi.

Ahh..dianne pwedi ba na iwanan mo muna kami ni Adam,mag uusap lang kami.Adam naman! bakit parang ang bilis naman ata. Bakit ka ba nagmamadali ni hindi ko pa nga nasasabi kina lola at lolo, lalo na kay Mama. Ayaw ko naman na mabigla sila tsaka may boyfriend ako adam bigyan mo naman ako nang panahon para makapg isip isip ako. 

Kaya nga andito ako Catherine para may kasama kang magpapaliwanag sa mga magulang mo,at ako na ang bahala kina lola at lolo. Alam kong matutuwa yun sa ibabalita ko at yung ex boyfriend mo ay tawagan mo na ngayon.

*********

Вы достигли последнюю опубликованную часть.

⏰ Недавно обновлено: Feb 13, 2017 ⏰

Добавте эту историю в библиотеку и получите уведомление, когда следующия часть будет доступна!

MY FIRST LOVEМесто, где живут истории. Откройте их для себя