Chapter 2 First Love

16 1 0
                                    


Makalipas ang ilang araw ,buwan at taon ...

First year high school  na ako at sya ay second year high school. Sa tuwing nakikita ko si Adam ay kinakabahan na ako na hindi ko mawari. Hindi na kami nagpapansinan at hindi ko na rin sya inaasar at ni hindi ko na sya naiirapan. 

Catherine & Dianne'S POV

Alam mo baks,pag tuwing nagkakasalubong kami ni Adam ,kinakabahan ako at parang ang saya ko pag nakita ko lang sya eh samantalang dati sya ang pinaka ayaw kong makasalubong at makita. 

Naku !baks iisa lang ang ibig sabihin nyan. Ayiee..! May gusto kana kay Adam...Crush mo sya noh.. Sabi na nga ba eh. kakainin mo talaga yung sinabi mo na never kang magaka gusto kay Adam. Maypa yucks yucks ka pang nalalaman eh bet mo naman pala. Paano yan ngayon eh cath eh hindi ka na nya pinapansin.?

Mas okay pala baks noh yung lagi nya akong inaasar, atleast dun napapansin nya ako. Nagsisi tuloy ako dianne kung bakit ko pa kasi sya pinagbantaan. 

Ayan tuloy pati Mama nyang bruha hindi ka na gusto-dianne

EH.dati pa naman talaga ako hindi gusto nun. Sabi nga nya dati sa akin ang mahirap ay para sa mahirap at ang mayaman ay para sa mayaman.

So ibig sabihin nun alam nang magulang nya na  ikaw ang gusto ni Adam baks kasi bakit nya naman nasabi yun sayo diba?

Ewan ko ba dianne,kaya dapat magsikap tayong mag aral para hindi tayo maliitin ng mga mayayaman. Kasi diba kahit hindi tayo mayaman atleast meron tayong maipag mamalaki na nakapag aral tayo at nakapag tapos diba.!


                                        HIGH SCHOOL DAY 

Baks! baks! baks!!!... sigaw ni dianne sa akin

OH! dianne , anong nangyari sayo kung maka sigaw ka akala ko kung ano nangyari sayo. Anong meron?

May Good News ako sayo!,diba nga bukas  na yung high school day natin eh nakipag cooperate nga yung St. Francis College na iisang venue na lang gaganapin ang high school day natin para sa fund raising nila at nang school natin. Parang friends with benefits lang.. HAHAHA 

Tapos? Saan ang good news dun?tanong ko kay dianne

Eh diba nga doon nag aaral si Adam!tili ni dianne. Ito na ang chance mo baks para makausap mo si Adam. Itanong mo sa kanya kung bakit galit sya sayo at kung bakit ka nya laging inaasar at mag confess ka narin baks para alam nya. Unahan mo na kasi,sige ka pag naunahan ka ni Maxine eh di  nganga ka. Tsaka mag sorry ka narin baks  kasi may kasalanan ka rin naman doon sa tao.


Baliw ka talaga dianne,oo kakausapin ko sya pero bakit naman ako mag coconfess ha bruha??sigaw ko sa kanya. Ako ba yung lalaki ha dianne?  Hindi pa naman ako desperadang babae noh! Baka pag nalaman ni lola yung sinabi mo eh makurot ka nun sa singit.

Basta bukas baks ah magpaganda ka at mag ayos ka kasi may surprise ako sayo.-dianne

    Kinabukasan...High School Day na!

Catherine may naghahanap sayo sigaw ng kaklase ko na si Deah.

Sino ?tanong ko.

Mga SSG officials,sagot nya...

Bakit po? tanong ko sa mga SSG students. May nagawa po ba ako?

HAHAHA tumawa yung isa..eh diba nga high school day. Hinuhuli ka namin kasi may nagbayad para may maka date ka ngayong araw nato.

Huh? at bigla nalang nila ako pinosasan..at pagdating namin sa isang private room na parang restaurant at may table na naka set para sa dalawang tao ay nakita kong nka posas din si Adam.

So ikaw pala ang pasimuno nito Catherine Cruz! -Adam

Anong sinasabi mo? Wala akong alam dito kaya pwedi ba huwag mo akong sigaw sigawan! Hindi ko rin to ginusto.

Ma'am/Sir pwedi po ba maupo mo na kayo at mag usap ng maayos.

Saglit lang Miss ah ,may lilinawin lang ako dito sa lalaking to.Ano bang problema mo sa akin Adam? Bakit parang galit na galit ka sa akin ha? Hindi naman kita inaano ha.

Itanong mo kaya sa sarili mo yan Catherine,ikaw tong umaalis na hindi nagpapa alam. Bigla bigla ka nalang umaalis.

Hindi ko rin naman yun gusto Adam eh,ayokong umalis at makitang malungkot kayo ni Maxine eh. Dapat nga ako yung magalit eh kasi kayo yung nang iwan sa akin, isa kayo sa mga naging dahilan ko Adam kung bakit gustong gusto ko bumalik dito sa probinsya na to pero pagbalik ko hindi nyo man lang ako pinapansin o kinakausap. Palibhasa kasi mayaman kayo wala kayong ka problema problema ni Maxine. Hindi ko na napigilan na umiyak. Ang sakit Adam kasi akala ko maiibsan nang pagkakaibigan natin yung lungkot na nandito sa puso ko. Hindi mo alam ang sakit kasi hindi naman kayo iniwan ng papa mo. Kami pinagpalit kami ng papa ko dahil sa kabit nya. Tapos umalis din mama ko para matustusan nya pag aaral namin. Kayo dapat ang unang umintindi sa akin kung tunay ko kayong kaibigan . Palibhasa kasi mayaman ,wala kayong ka problema problema sa pera. Iniisip nyo lang siguro kung papano gagastusin mga pera nyo.

I'm sorry Cath,hindi ko alam na ganyan pala ka bigat ang pinagdadaanan mo. Naging makasarili ako. I'm sorry Cath. Sana mapatawad mo kami ni Maxine. Hindi naman talaga ako galit sayo Cath,nagtatampo lang ako kasi akala ko iniwan mo lang kami sa ire!.. I'm really sorry cath. Please forgive me. Pagmamaka awa nya sa akin. Sana ibalik natin yung pagiging kaibigan natin Cath. Friends??sabay abot nang kamay

Ngumiti na ako,ang saya ko kasi magkaibigan na ulit kami ni Adam. Pagkatanggap ko sa kamay ni Adam para mag shake hands ay bigla nalang nya akong niyakap.

I miss you panget..HEHEHE -adam

Ayan ka na naman Adam ha.kakabati lang natin eh inaasar mo na naman ako.

eh na miss kita Cath eh..Sana mapatawad mo ako cath. Masyado akong naging makasarili. Iniisip ko lang yung nararamdaman ko. Hindi ko man lang naisip na may problema ka.-adam

Ano ka ba! Kalimutan mo na yun...kasalan ko rin kasi hindi ako nagpa alam ng maayos sa inyo ni Maxine. Sa susunod pag aalis ako magpapa alam na ako promise.!

Bakit may plano ka bang aalis? tanong ni Adam sa akin

Wala naman, pero kasi hindi natin alam diba? Alam mo naman Mama ko. Bigla bigla nalang kaming hahatakin kung saan saan. Katulad nung umalis kami dati,madaling araw kami umalis eh tulog pa nga mga kapatid ko nun eh. Hindi rin namin alam na lilipat na pala kami ng tirahan,kaya hindi na ako nakapag pa alam sa inyo ni Maxine ng maayos. Sya nga pala dam,galit parin ba sa akin si Maxine bakit iniiwasan nya parin ako?

Nagtatampo lang din yun cath kasi nga bigla bigla ka nalang umaalis. Bayan mo kakausapin ko yun.-adam

Sorry pala dam ha,kasi pinagbantaan pa kita,nahihiya ako sayo. Sorry talaga dam ha..

Oo nga eh,nagsama ka pa nang isang baranggay.HAHAHA -adam. Kalimutan na natin yun cath..

Nagalit ba mama mo sa akin dam?

Medyo lang naman,na kwento kasi ni Maxine kay mama eh wala naman talaga akong balak sabihin yun kaya lang nasabi na pala ni Maxine. Ok lang yun cath,kalimutan na natin ang lahat. Sasabihin ko rin kay mama na ako naman talaga ang may kasalanan. So bati na tayo ha? 

Oo naman.sabay yakap ko sa kanya kasi na miss ko lang talaga ang kaibigan ko.

Pero lingid sa kaalaman nila ay andun rin si Maxine,galit na galit kasi mahahati na naman ang atensyon ni Adam sa kanya.

Maxine POV

Bwesit ka Catherine! Ang saya ko na nga na  umalis ka kasi ikaw nalang lagi ang  napapansin ni Adam. Kung kailan okay na sana ,bumalik ka pa. Pero namnamin mo lang yang moment na yan kasi sisirain ko ulit yan. Yung tipong hindi na kayo magkaka ayos. Humanda ka Catherine..!sa isip isip ko.

Gagawa ako nang paraan para maghiwalay ulit kayo.

MY FIRST LOVEOnde histórias criam vida. Descubra agora