Chapter 3 Confession

18 0 0
                                    


Adam POV

Kung kailan nagka ayos na kami ni Catherine ay saka naman ako papalipatin ni Mama sa Cebu. Gusto nya na doon ako mag college. Ma,ayaw ko dun sa cebu,wala naman tayong kamag anak dun ah. Tsaka bakit ba gustong gusto mo ako doon sa cebu ma eh ikaw na nga ang nagsabi sa amin na dapat hindi tayo magkaka hiwalay. Dapat lagi tayong magkaka sama eh!.

Adam,pwedi ba makinig ka nalang sa akin. Huwag matigas ang ulo. Para din sa ikaka buti mo tong gagawin ko.

but Ma,

No but's adam! that is my final decision. Sa Cebu ka mag aaral! tapos!!!..

Ma! ano bang problema? Alam ko na may tinatago ka sakin. Kilala kita ma. Please,sabihin mo sa akin.

Adam, anak sorry kasi ikaw ang naiipit dito sa sa sitwasyong to,alam nyo naman diba na ayaw kong mahiwalay sa inyo pero kasi nak,nakiusap ang mga magulang ni Maxine sila Mr& Mrs. Saavedra na kung pwedi samahan mo daw si Maxine na doon rin sa Cebu mag aaral. Alam mo naman diba na malaki ang utang na loob natin sa kanila. Sila ang tumulong sa atin nung malapit na sana bumagsak ang negosyo natin dam.

umiiyak na si mama at ayaw kong nakikitang nahihirapan si mama. Kahit mahirap ay susundin ko siya. Ito lang ang tanging paraan para makatulong ako sa pamilya ko. Pero bago ako aalis dapat makausap ko na si Cartherine. Matagal ko na syang gusto at gusto ko ipaalam sa kanya. Tinawagan ko agad si Cath.

Hi kulot! bungad sa akin ni Catherine... Napatawag ka dam? Na miss mo ko noh??

Saan ka ngayon?tanong ko sa kanya

Na sa school ako,bakit dam?may problema ka ba?-catherine

Pwedi ba tayong magkita sa Park? May sasabihin lang ako cath. 

Ok. See you later kulot. Na miss na  kita kulot... Ang lungkot ng boses mo dam,may sakit ka ba??-catherine

Ah,wala naman. Basta magkikita nalang tayo mamayang 4pm ah.

Ok.bye kulot-catherine

Alas tres palang nang hapon pero andito na ako sa park. Kinakabahan ko baka kasi magalit sa akin si Catherine. Kaya ko lang naman sya inaasar dati kasi gusto ko mapansin nya ako. Dati pa lang sya na ang gusto ko. Si Catherine ang first crush at first love ko. Alas kwatro na siguradong papunta na yun dito. 

Adam!nagulat ako kasi na sa likod ko na pala sya.

Hoy! Anong nangyayari sayo at kanina pa na parang palaka na hindi matae.biro nya sa akin.

Umupo ka muna Cath,may sasaihin lang sana ako sayo.

Ano yun dam?ay teka lang bakit pala may pa table ka dito sa park ha?Anong meron? May dini date ka ba ngayon?tanong nya pa sa akin

AHhh..kasi Cath may gusto sana akong sabihin sayo pero mag promise ka muna na hindi ka magagalit sa akin ah,sana pag sinabi ko to sayo sana hindi ka magbago.

Hmm..depende sabay ngiti nya sa akin..Ano ba kasi yun? Pati tuloy ako kinakabahan dyan sa sasabihin mo.

Kasi Cath matagal na akong may gusto sayo. Kaya ako talaga ang pinaka nasaktan nung umalis ka dito na hindi man lang nagpapa alam. Akala ko binalewala mo lang kami ni Maxine. Kaya kita laging inaasar kasi gusto ko mapansin mo ako. Hindi ka ba galit Cath? kinakabahan ako kasi hindi sya nagsasalita,naka titig lang sya sakin. Cath aaminin ko ikaw ang first love at first crush ko. Hindi ko alam pero doon ko lang naramdaman to nung umalis ka. Kaya galit na galit ako sa sarili ko kasi hindi ko man lang dati nasabi sayo bago ka umalis pero buti bumalik ka. Kaya nag lakas loob na ako ngayon kasi kung sakali man na matutuloy ako sa Cebu atleast nasabi ko na sayo yung nararamdan ko. Mahal na mahal kita Cath. uie magsalita ka naman...

AHHH..sorry dam nagulat lang ako sa sinabi mo. Hindi ako galit dam,sa katunayan nga may sasabihin din sana ako sayo. Doon ko lang din to naramdaman nung hindi mo na ako inaasar o kinukulit. Ewan ko ba asar na asar ako nun pag kinukulit mo ako pero mas na asar ako nung hindi mo na talaga ako pinapansin. Gusto din kita dam.

What? ang saya ko kasi parehas lang pala kami nang nararamdaman. Yes!! Yes! Tayo na ba Cath?

Grabe ka eh hindi mo pa nga ako nililigawan eh..tayo na agad.!

Basta Cath,tayo na ha? liligawan parin naman kita araw araw. Ipapakita ko sayo kung gano kita ka mahal. Hindi ka magsisisi.at niyakap ko sya sa sobrang saya ko

Teka nga pala dam,sinabi mo pala kanina na naglakas loob kang sabihin sa akin kasi baka matuloy ka sa Cebu? Aalis ka ba?

Yun nga ang isa sa mga dahilan ko cath eh kung bakit gusto din talaga kita maka usap ngayon. Nung kamuntikan kasi bumagsak ang negosyo nila papa ,yung mga Saavedra ang tumulong sa amin. Mga magulang ni Maxine ang nagpahiram sa amin na malaking halaga pera para makabangon, eh nakiusap nga sila ngayon na kung pwedi ko ba samahan doon mag aral si Maxine. Ayoko sana umalis cath kasi andito ka pero naawa din ako kay mama kasi sya ang naiipit cath,ayaw nya kami na magkaka hiwalay pero dahil ang laki nang utang na loob namin sa kanila, wala syang magawa kundi doon din ako pag aralin sa cebu. Alam ko masakit sa loob ni mama na magkaka hiwalay kami pero wala syang magawa kundi ang tumanaw ng utang na loob kina Maxine.

ang hindi nila alam eh planodong planado ni Maxine ang mga nangyayari... Tingnan lang natin Catherine..sa akin din babagsak yang si Adam. Kung hindi ka lang dumating sa buhay namin eh masaya na sana kami ngayon.-Maxine

Naiintindihan kita dam,huwag ka mag alala kasi kahit magka layo tayo ikaw parin ang mahal ko. Magiging faithful ako tsaka hindi ako magpapa ligaw sa iba basta promise mo sa akin ha na huwag kang mambabae dun sa Cebu ha,ang dami pa namang magaganda doon..

Okay babe,your wish is my command..

Babe ka dyaan-catherine

Babe dapat ang endearment natin Cath para sweet sabi ko pa sa kanya.

Okay babe your wish is my command-catherine sabay kaming nagtawanan...

Halika na babe ihahatid na kita sa bahay nyo at magpapa alam rin ako sa lola at lolo mo na aakyat ako ng ligaw sayo.

Ang sweet naman nang babe ko.-catherine sabay yakap nya sa akin

Siguradong aasarin tayo ng mga ate natin,kasi para tayong aso at pusa pag nagkasama pero tingnan mo. Patay na patay ka sa kin asar ko pa sa kanya.

Aba!ang yabang ha.. Sino kaya yung nagsabi sa akin na nung umalis daw ako saka nya na realize na gustong gusto nya ako at sino kaya yung nang aasar para lang mapansin huh babe???-catherine

Ito naman..JOKE lang yun babe. Hindi ka na mabiro. Alam mo naman na ako yung patay na patay sayo eh... Te Quiero babe...

Te Quiero too babe...-catherine

MY FIRST LOVEWhere stories live. Discover now