[Jelly/Jenna's POV]
English class na naman. Exciting sana yung class pero kasi hindi exciting yung nagtuturo. Monotone kasi magsalita itong teacher namin. Ang hina hina pa ng boses. Feeling ko naririnig niya lang ang sarili niya eh. Nakakaantok tuloy tsaka nakakawalang gana.
Kaya lang naman ako natututo dito sa class na ito kasi nagpapaturo ako sa tita ko. Nireklamo ko din itong teacher ko sa english. Sabi ko sa kanya kausapin niya yung teacher ko at pakisabi na lakasan ang boses. Wala namang nangyari kasi hindi pa din nagbabago yung way of speaking niya.
I hope someone will call me para makaalis na ako sa class na ito. Gusto ko na talagang matulog. Matagal tagal pa tong class ko na to. May 45 minutes pa bago matapos.
Dumungaw na lang ako sa bintana at pinagmamasdan ang langit at ang mga ibon. Lalong nakakaantok! Goodness! Can someone please shower me with a cold water to wake me up!? Konti na lang talaga pipikit na ang mga mata ko.
Meron ba akong projects ngayon? Wala bang bagong projects ang dadating sa akin? Wala din bang pag-asa na mapansin ako ni Fred? Ano kaya ginagawa niya? Ano kaya klase niya ngayon?
Napailing na lang ako bigla dahil hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isipan ko si Fred. Ano ba yan Jenna or Jelly? Nag fafantasize ka na ngayon sa isang lalaki! Grabe ka! Tumino ka nga! Think about something else!
Nagulat ako ng may biglang tumunog na cellphone. Ano ba naman yan? Hindi man lang marunong mag silent ng phone. Alam na ngang may class eh hindi pa din naka silent kahit turn off man lang! Masakit sa ulo yung tunog! Wala pa naman akong tulog!
"Ms. De Guzman, your phone is ringing. Please turn your phone off or put it in silent mode" nakatingin saken yung teacher ko at mga kaklase ko. Napakunot naman ako ng noo. Bakit sila nakatingin saken? Cellphone ko ba ang tumutunog?
"Ms. Jelly De Guzman! If you're not going to answer your phone, please turn it off and put it on silent mode" sigaw saken nung teacher ko. Wala na ata ako sa sarili ko. Inaantok na kasi ko talaga! Yung isip ko isa lang ang gusto... BED! KAMA! Yun lang!
"Oh! I'm so sorry sir. I will answer my phone, please excuse me" tumayo ako at lumabas ng classroom.
Sino na naman ang tumatawag saken? Pero buti na lang at may tumawag saken sana yung tumatawag saken eh mapapalayas ako sa room na to para makauwi na ako sa bahay namin at makatulog.
Tiningnan ko yung cellphone ko at nakita ko ang April T.M. sa screen ko. Si April tumatawag na naman, bakit kaya? (Note: T.M. means The Manager and not Touch Mobile)
Napakunot ako ng noo at sinagot ang tawag ni April. May halong inis ang tono ng boses ko dahil hindi ko alam kung ano na naman ang i-dedemand ng babaeng 'to sa akin.
"April, what is it now?" inis kong tanong.
"You took so long to answer your phone, what are you doing?!"
Nakasigaw na naman tong si April. Hindi ko maiwasang mapairap habang kausap ko ito sa telepono. Eto kasi yung medyo nakakainis kay April, para kasi siyang nakalunok ng mega phone! Napakalakas aty palagi na lang siya nakasigaw! Kaya kung kakausapin niyo si April, didistansya kayo, yung medyo malayo sa kanya.
ESTÁS LEYENDO
(COMPLETE/EDITING) My Secret Identity: Two Different Worlds
Novela JuvenilJenna Roxas enters a different kind of world at nagpakilala siya bilang Jelly De Guzman, she hates her life, kaya ng decide siya na itry ang buhay ng isang normal girl, pero hindi normal life ung ngyayari sa kanya, kundi DISASTER! ano kaya ang magig...
