Chapter 46: Girls Fight

7.8K 154 12
                                        

A/N: Kawawa naman si Katie, she was rejected by the one she loves! Huhuhu :( I'm so sorry sa mga na reject (tapik tapik sa sarili) aray naman! Hahaha Oh siya tama na ang drama! Oras na para sa bakbakan!


Also Jelly De Guzman/Jenna Roxas already has a fan page on facebook, here's the link http://www.facebook.com/JellyisJenna


I-popost ko po jan ang mga Updates ng MSI :) like the page PLEASE :D I'm also looking for an admin of the page :D


If you like this chapter please COMMENT...VOTE AND LIKE also BE A FAN :D


love lots ♥


-jhoaning



***


[Jelly's POV]




Lumipas ang 3 months na pagshooshoot namen dito sa school, wala ng iba pang nakaalam na si Jenna at Jelly ay iisa, bukod sa tatlo kong kaibigan na sila Rossy, Fred at Bryan.

They always cover me up, kapag magpapalit ako bilang Jenna at Jelly, si Rossy lagi akong sinasamahan. Kumbaga siya yung look-out girl ko hahaha.

Buti naman at wala masyadong nakakahalata, I'm so happy to have my friends there. Tinutulungan nila ko para lang ma maintain ko ang buhay ko.

Ngayon, hindi ko kasama si Rossy dahil may practice sila ng choir, lunch break naman ngayon at break din sa shooting. Hindi ko din kasama si Bryan dahil gusto niya daw matulog at si Fred may inaasikaso.

Papunta akong C.R. dahil sa tinatawag ako ng nature, I want to go wiwi eh. Kaya lang napansin ko na parang may sumusunod saken, pero hindi ko na lang pinansin, nagdirediretso na lang ako.

Papasok na sana ako ng C.R. ng harangin ako ni Katie.

"Ano na naman ba ang  problema mo Katie?" may kailangan ba to saken? Kung meron man, siguro gusto na naman ako nitong saktan.

"Do you really want to know my problem Jelly?" naglakad siya paikot ikot saken at tinitingnan niya ako ng masama.

Pakiramdam ko talaga may gustong gawin tong bruhang to eh.

"YOU! You are my PROBLEM!" lumakas ang boses niya, halatang galit na galit siya saken.

At yung galit niya ngayon, kakaiba. Ibang-iba yung galit niya noon saken. Medyo nakakatakot siya, pero hindi dapat ako matakot sa kanya.

(COMPLETE/EDITING) My Secret Identity: Two Different WorldsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora