[Fred's POV]
I hope na na catch ko ang attention ng lahat sa ginawa ko. And sa nakikita ko naman, kinilig sila sa nangyari. Nahirapan din ako dun ah, tsaka inisip kong mabuti kung gagawin ko yun.
No choice ako eh. Kailangan kong umarte ng ganun at para malaman ng lahat na kame na nga ni Jelly. Kahit hindi naman talaga totoo.
And about the plan, sa tingin ko ay effective, dahil nakita ko ang itsura kanina ni Rossy. Mukhang shock na shock siya sa nalaman niya at nakaramdam siya ng pain.
Alam ko na nasaktan si Rossy halata naman sa mga kilos niya kanina at mukhang paluha siya kanina. Hindi kaya may natitira pa siyang love para saken? Sana nga meron at hindi mag fail tong plano nameng dalawa ni Jelly.
"una na kame Fred at Jelly, enjoy! :)" - Maurice, Jianne and Candy
"sige sige. Ikaw babe, hindi ka pa ba papasok sa klase?" - Fred
Pang inis kong sabi kay Jelly. Sinimangutan niya lang ako, mukhang alam ko na ang sasabihin nito ah, nakakaramdam na ko.
"Babe..." - Jelly with her sweet voice
"yes babe?" - hinawakan ko naman yung buhok niya at mukha niya
Inalis niya bigla ang pagkakahawak ko sa buhok niya. Mukhang galit si Jelly saken ah, dahil sa hindi ko siya nasabihan sa plano ko.
"Babe mo mukha mo! Ikaw Fred bakit hindi mo ko sinabihan about dun sa gagawin mo huh?! Alam mo bang nangangatog na ko kanina dahil hindi ko alam ang gagawin ko kanina, wala naman to sa plano ah!"
"chill ka lang Jellz, tsaka hinaan mo yung boses mo baka mamaya mabuking pa tayo. Look, I'm sorry for not telling you about my plan. Rushed eh, hinahanap kita kanina pero hindi kita makita, kaya etong lunch break ko ginawa."
Totoo naman yun eh, ipapaalam ko dapat to sa kanya eh kaya nga lang hindi ko siya makita tsaka amy klase, kaya binigla ko na lang siya, ok na din yun para magmukhang totoo hahaha.
"RUSHED?! Sana man lang tinext mo ko hindi ba? Anung silbi ng cell phone?"
"wala akong load eh, tsaka busy akong ginagawa at pinag-iisipan yang plano ko na yan."
"nakoo talaga nga naman Fred! Buti na lang at hindi ako naihi sa sobrang takot ko kanina, kundi nako! Nakakahiya!"
YOU ARE READING
(COMPLETE/EDITING) My Secret Identity: Two Different Worlds
Teen FictionJenna Roxas enters a different kind of world at nagpakilala siya bilang Jelly De Guzman, she hates her life, kaya ng decide siya na itry ang buhay ng isang normal girl, pero hindi normal life ung ngyayari sa kanya, kundi DISASTER! ano kaya ang magig...
