Chapter 3- High School Bestfriend

1K 42 3
                                    

Cerisemie © Wattpad 2012

Chapter 3- High School Bestfriend

 

How can I unlove you?

~~~

“Pre, bakit ang hinhin mo tumalon?”

“Oo nga, are you gay?”

“Ugh, pakalalaki ka dude.”

Napa-face palm na ako sa naririnig ko sa mga ugok na ito. Panglabing-isa na ito sa nagta-try-out na ka-College namin pero hindi pa rin nila matanggap-tanggap. They were fine naman, iyong iba, magaling pa nga mag-shoot, but I don’t know why they act like this. Argh, boys are always being boys.

Tumingin ako kay EJ na kasama nilang lahat sa court, ako lang kasi iyong natira sa bleachers. Sila naman iyong nakikipaglaro sa mga nagta-try-out. “Hoy EJ! Wala pa rin ba? Aba kung wala pa rin kayong mahanap, hayaan niyo na! Pakelam ko ba naman kung magpapakapagod kayo ng four quarters na 9 lang kayo! Idagdag pa na laging may second game! Nakakapagod na kayo! Naririndi ako sa kakareklamo niyo!”

“Eh Joana, wala talagang mapili eh.” Sagot naman niya sa akin.

“Walang pumapasa sa panlasa namin.” Sagot naman noong iba.

I hissed. “Wala akong pakielam kung lima pa ang nasa labas, last na iyang papasok. Kapag hindi niyo pa rin magustuhan, bahala na kayo.” Sabi ko naman sa kanila.

Sumaludo naman silang lahat sa akin, “Yes, coach!”

Naramdaman ko namang may pumasok. “Name?” Sigaw ko habang hindi tumitingin. Ililista ko kasi iyong pangalan sa notebook na hawak ko, at saka pagkatapos kong isulat iyon eh saka ako titingin.

“Jaydrick Adriatico.”

I gasped and immediately look to that person, napanganga pa ako ng makilala kung sino ito. “JayAr!” Excited ko pang sabi.

Bigla akong tumakbo papunta sa may gitna at akmang yayakapin ito nang silang siyam ang biglang humarang sa akin.

“Kilala mo coach?”

“Boyfriend mo ba iyan coach?”

“Bakit ‘di namin kilala iyan, coach?”

“Coach, aba, ang bilis mo namang ipagpalit si EJ diyan.”

“At saka, Jaydrick daw ang pangalan, bakit mo tinawag na JayAr, coach?”

“Nickname basis na ngayon si Coach! Ang daya! Samantalang tayo eh hindi naman niya tinatawag sa ganoon.”

“Alam mo naman iyang si Coach, makakita lang ng bago eh kaagad na tayong kinakalimutan.”

“Nakakatampo ka Coach.”

Napataas ang kilay ko sa mga sinabi nila. I look at EJ. “Bakit?” Tanong naman niya sa akin.

“Baka may sasabihin ka pa. Sabihin mo na. Nahiya naman kasi ako sa mga pinagsasasabi nila eh.” Sagot ko naman.

Book 4 - One Sided Love [FIN]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora