Cerisemie © Wattpad 2012
Epilogue- Forevermore
I just wanna love you forevermore.
~~~
After 4 months (Month of May)
Reshan’s POV (Yes, siya po si number 5)
“You’re one hell of an amazing girl, Joana.” Napapailing kong usal habang tinitingnan siyang papalayo. I already told her my reasons why I did that to her but it turns out na alam niyang may iba pa akong rason based on what she said a while ago.
Pneumonia. Hydrothorax. Napailing ako, ibang klase, alam na niya kaagad, samantalang iyong magaling kong kapatid, walang kaalam-alam.
Over 6 years ago, I was confined in a hospital because I was so sick, pneumonia nga ang kinalabasan. Then after some months, I was admitted again at the same hospital but this time it was different, I was diagnosed of having Hydrothorax—o ‘yung pagkakaroon ng tubig sa baga. They suggested that I have to undergo an operation because the fluid in my lungs was too much. Naging successful ang operation ko dahil nagkaroon kaagad kami ng pera na bigay noong Tatay ko. But eversince that day, kinamuhian ko na siya. And the feeling is mutual, he hated me too, a lot. Kasalanan ko ba na naging tanga siya at hindi nanghingi ng panibagong pera sa manugang niya? Yes, illegitimate ako. Anak sa labas. Anak sa pagkakamali. Pero bakit kailangan niyang isisi sakin na dahil sakin kung bakit namatay ang asawa niya? ‘Di ba niya naisip na kung para sa asawa niya binigay iyong pera para sa pang-opera nito, edi ako iyong namatay? Tss, tanga lang talaga siya. He seriously thought na pwede pang maghintay iyong asawa niya hindi katulad ko na naghihingalo na noong mga oras na iyon kaya mas inuna niya ako.
Tss, tanga talaga.
“R-reshan.” Naiinis akong lumingon sa likod ko. Isa pa ‘to eh.
“Jeunesse, ano na naman ba?” Angil ko sa kanya.
“I’m sorry. I’m really really sorry. Sana mapatawad mo pa ako.”
Sandali kong naalala iyong pinag-usapan namin ni Joana. Sinabi ko sa kanya na ang rason ko kung bakit ko ginawa ang mga bagay na iyon ay dahil kay Jeunesse, my ex-girlfriend. Nakipaghiwalay kasi ito sakin dahil may gusto ito kay EJ. Bullshit right? Sa totoo lang, wala naman akong pakielam sa kapatid kong iyon because in the first place, hindi niya alam na kapatid niya ako. Paano ba naman niya malalaman eh iyong walangyang Tatay niya eh tinaboy na ako. Eh ang kaso nga, nangyari iyong tungkol sa ex ko. Doon ako nagsimulang mainis sa kanya.
Hinding-hindi ko makakalimutan noong araw na sinugod ko siya, dahil nga hindi ko matanggap na kahit hindi naman niya kilala iyong ex ko eh mas pinili pa rin ‘nun siya. That was when we were in Second year college. Ayos din eh, ang angas. Ang sabi ba naman sakin, tigilan ko na siya dahil wala raw siyang balak patusin iyong ex ko at may mahal na raw siyang iba. Napangisi pa ako nang makita ko iyong sinundan niya ng tingin, iyong babaeng lagi niyang kasama, si Joana.
“Si Joana ba iyong mahal mo?”
Bigla niyang hinaklit iyong uniform ko. Tumingin din siya sakin ng masama. “Huwag na huwag mong gagalawin si Joana, ako ang makakalaban mo.”
BINABASA MO ANG
Book 4 - One Sided Love [FIN]
RomanceRevised ǁ How far you'll go? Property of: cerisemiestories.weebly.com