Cerisemie © Wattpad 2012
Chapter 5- Why I love her
I really wish, I’m the one you need the most.
~~~
“May problema ka ba?” Tanong sa akin ni JayAr habang naglalakad kami papunta sa may garden.
Napakurap at kaagad akong natigilan sa tanong na iyon. “Wala. Bakit mo naman nasabi?” Nakangiti kong sagot sa kanya nang medyo kumalma ako sa tanong na iyon.
“You sure?” Tumango na lamang ako.
“Sino ba ang partner mo sa project natin kay Sir?” Tanong ko sa kanya, nililihis ang usapan sa kung anong itinanong niya sa akin.
“Her name’s Mavie. You know her?”
Tinapik ko naman siya sa balikat at bahagyang natawa. “Adik ka ba, malamang kilala ko iyon. Kaklase ko iyon eh.”
Ngumisi siya sa akin. “Malay ko ba. Kayo ba ng partner mo eh may nasimulan na?”
Itinaas ko naman iyong video camera na hawak ko. “Magsisimula pa lang.”
“Sino ba kasi ang partner mo? Bakit ayaw mong sabihin sa akin?”
“Wala naman akong sinabing ayaw kong sabihin sa iyo. ‘Di ka naman kasi nagtatanong.” Sagot ko.
Inirapan niya ako, napangiti naman ako sa naging reaction niya. “JM, understood naman na iyon. Pero dahil gusto mo ng tinatanong eh, sino ba ang partner mo?”
Kinalikot ko kunwari iyong video cam bago sumagot sa kanya. “Si EJ.”
Napansin kong biglang napabagal ang paglalakad niya. “So, ikaw pala iyong tinutukoy niya na gusto niyang makapartner ulit?”
Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko at huminto na ako sa paglalakad para masabayan siya. “Uhm, yup.”
“Magkikita ba kayo ngayon?”
“Actually, hindi. Ni hindi niya nga alam na magsisimula na ako ng music video eh. Wala pa kasi kaming napag-uusapan dahil, h-hindi ko siya na-contact noong sabado’t linggo.” I wasn’t able to call him dahil naging busy ako sa kaiiyak.
Tumigil kami sa may benches na nasa loob ng garden at doon naupo. Kaagad kong natanaw si EJ na nakaupo sa may damuhan naman ngunit medyo malayo nga lamang sa amin.
“Siya ang subject mo?” Tanong sa akin ni JayAr.
Marahan akong tumango. “Oo.” At bahagya akong napangiti. “Last year kasi, ako iyong subject niya. Ngayon, gaganti ako.”
Itinutok ko iyong video cam kay EJ at zinoom-in ito para mas makita siya. Napangiti ako upon seeing him sa camera. His face was so perfect to me. There’s a shiver in my spine sa ganoong titig pa lang sa kanya. “Magstart na ako ah? Okay lang na magtanong-tanong ka, mag-ingay or kausapin mo ako, basta eh huwag mo lang akong itutulak. Ie-edit ko naman ito at ino-noise reduction eh.” Hindi naman siya kumibo so I clicked the start button.
BINABASA MO ANG
Book 4 - One Sided Love [FIN]
RomanceRevised ǁ How far you'll go? Property of: cerisemiestories.weebly.com