Cerisemie © Wattpad 2012
Chapter 4- Second option
It’s hard to forget him, but I know, it’s not impossible.
~~~
“Pwede ba akong maupo dito?”
Napatingala naman ako ng marinig ko ang boses na iyon. Kaagad akong napangiti nang makita kung sino ito. “JayAr!”
Ngumisi siya sa akin. “Ano, pwede na bang maupo?”
Kaagad kong inalis ang gamit ko na nakalagay sa kabilang upuan. “Ofcourse!”
Kaya naman umupo na siya sa tabi ko. Naramdaman ko ang biglang pagkalabit sa akin ni Raice na siya namang katabi ko sa kabila. “Hoy coach.”
I glared at him. “Hoy Raice, tigil-tigilan mo ang pagtawag sa akin ng coach. Wala tayo sa court. Kapag ‘di ka tumigil, bibigwasan kita.”
Pinagtawanan niya naman ako dahil sa sinabi ko. Lumapit naman siya sa akin para bumulong. “Easy. Sasabihin ko lang naman na dahil pinaupo mo sa tabi mo iyang si, sino nga ba iyan?”
I hissed, pero nakibulong na rin dahil pinag-uusapan namin iyong katabi ko. “Jaydrick.” Kumunot ang noo ko. “Psh. Napakahirap bang tandaan ang pangalan niya? Dapat niyo na siyang tandaan lalo na ngayon na ka-team niyo na siya.”
Raice just shrugged. “It wasn’t our fault na hindi katanda-tanda ang pangalan niya. And besides, pakielam namin kung kasama na siya sa team.”
Pinalo ko iyong kamay niya. “Umayos ka. Susumbong kita kay EJ.”
Mas lalo siyang ngumisi sa akin. “Sa tingin mo kakampihan ka ni EJ?”
“Naman! Anong akala mo? Wala siyang pakielam sa inyo, lalo na sa iyo. Sa akin lang kaya nakikinig iyon.” Ngumisi naman ako sa kanya.
Tumawa siya. “Tingnan lang natin.” Naasar naman ako kaya hindi na lang ako kumibo.
Bwisit na Raice ‘to.
“As I was saying, dahil pinaupo mo iyang katabi mo, eh saan uupo si EJ?”
Kaagad akong napatakip sa bibig ko nang ma-realize ang sinabi niya at kung anong ginawa ko. “OMG. Oo nga!”
Nakita ko na naman ang pagngisi niya, na sinabayan pa ng pagpito. Argh, nakakaasar. “Lagot ka kay EJ.”
Kaagad ko siyang pinatalikod sa akin at pinagtutulak. Pero dahil mukhang inaasahan niya ang gagawin ko eh biglang lumakas ang kapit niya sa upuan. “Hoy Raice! Umalis ka diyan! Bwisit ka! Alis! Walang uupuan si EJ! Pakyu ka! Alis! Chupi! ‘Di ka nababagay dito!”
Narinig ko ang tawanan ng dalawang katabi niya, which is sila Arc and Billy na kasama sa team na kaklase rin namin. Tiningnan ko rin sila ng masama. Pakiramdam ko talaga, sinasadya nila ito. “Wala coach, lagot ka kay EJ kapag dumating iyon kasi wala siyang mauupuan.”
BINABASA MO ANG
Book 4 - One Sided Love [FIN]
RomanceRevised ǁ How far you'll go? Property of: cerisemiestories.weebly.com