013 - mike's pov

19 0 0
                                    


N a r a t i o n
m i k e


dalawang subject nalang at uwian na namin ng biglang may tumusok sa tagiliran. nilingon ko kung sino may hinayupak yun at..

"william!" anong ginagawa niya sa klase ko?

"wow williamzone. hi ako nga pala yung pare mo" ang oa talaga hinayupak.

"bakit ba?" pasalamat siya at wala pa yung susunod na teacher namin, kundi mapapahamak nanaman ang isang to.

"bat mo kasi ako iniiwasan? ang rami ko pang gustong ikwento sayo."

"ano ba yon?" wag mong sabihin tungkol nanaman to sa bestfriend ko.. na si sue.

"liligawan ko na si sue." huminga ako ng malalim. chill lang mike.

"talaga ba? tapos?"

"magpapatulong sana ako sayo. sige na please pre, natotorpe ako."

binatukan ko siya, kailan pa? "kailan ka pa natorpeng gago ka?"

"ewan ko pre, pero kasi seryoso na talaga ako sakanya. di ko na kaya tong feelings ko. puta lang shit" napailing ako sa kanya.

napabuntong hininga ako.

"promise pre. lilibre kita always ng cheeseburger basta bat tulungan mo lang ako kay sue."

huminga ako ng malalim, "sige. pagiisipan ko muna pre."

"pag iisipan pa?"

"nagrereklamo ka? patulong ka sa iba. sa lahat ng ayaw ko para sa bespren ko yung mareklamo"

"bespren mo rin ako pre." sinapak niya pa ang braso ko.

"ayaw ko rin ng sadista para sa bespren kong si sue." at talagang pinagdiinan ko ang pagbanggit ko ng pangalan ni sue. umayos lang talaga siya.

"hay nako."

"sumusuko ka na?" bat nag eenjoy ako sa pangaasar ko dito kay william?

"hindi. para kay sue." matigas talaga to.

"gusto mo talaga yung bespren ko?"

tumango siya na parang aso, "bespren mo pala yon? pano?"

"kababata ko. iniingatan ko yun" kasi mahal ko e sobra pa sa kaibigan.

"hayaan mo pre. aalagaan ko siya para sayo." dapat lang tangina.

bumalik na si william ng classroom nila pagkatapos. mamaya pupuntahan namin si sue sa school nila, magpapaalam daw siya na manligaw.

ako naman tong walang choice kundi suportahan ang pare ko. tingin ko rin naman may crush si sue kay william.

kaya ko naman siguro mag bigay ng daan, kung saan sila masaya.

basta bat walang nasasaktan na isa sakanila. kaya ko naman to.

babae lang si sue. tulad ng sabi ko, siya yung babaeng pinakaiingatan ko.

Pare?Where stories live. Discover now