020- mike's pov

9 0 1
                                    

N a r r a t i o n
m i k e

habang papalakad pauwi ng school, dumaan ako sa school nina sue. ang aga kasi nawala ni william, baka sakaling sinundo niya si sue.

hay nako. grabe ha? nawawalan na sila ng oras sakin parehos. saklapszxc

"uy diba si mike yon?" rinig kong sabi ng isa sa mga babae. yung classmate ata na ni sue na pinakitaan niya ng pic ko. ewan ko talaga sa babaeng yon, binebenta ata ako sa ibang babae.

"uhm hi" bati ko sakanila, masyado naman silang halata na nagwagwapohan sila sakin tsk. "alam niyo kung nasan si sue?"

"ay umalis na." sagut nung babaeng mahaba ang buhok na may highlights.

"kasama yong boyfriend niyang si william?"

"boyfriend niya ba yon?"

"manliligaw ata."

"pero ang gwapo ni fafa no shet"

uhm hello po, andito pa ako.

"ah sige mauna na ako salamat" pagpapaalam ko sakanila.

"sige byeeee ingat ka" sabi nong babae na nagagwapuhan kay william. nginitian ko lang sila.

× × ×

kinabukasan, pinuntahan ko si wiliam sa classroom nila. tutal recess na rin naman kasi namin. hindi naman yun lumalabas para pumunta ng caf, madalas nasa classroom lang talaga nila.

pumasok ako sa classroom nila at nakita ko siyang nagbabasa ng libro. kinuha ko ang libro sa kanya na kinagulat niya.

"wow may nililigawan lang, hindi na ako naalala" sita ko sa kanya.

nginisian niya ako, "sorry na pre. yaan mo lilibre kita ng cheese burger maya."

"pupuntahan mo si sue mamaya?"

"yup. daily basis na yan pre." oh seryoso ka talaga sa babaeng mahal ko ha? mabuti yan kasi kahit kelan hindi naging madali na ipamigay ng basta basta nalang yung babaeng pinakaiingatan ko.

"kailan ka raw sasagutin?" tanong ko, ewan ko din kung bakit.

"hindi ko alam pre,basta ang alam ko may nararamdaman na rin siya sakin." hala sige mike, hindi pa masakit?

"naks congrats pare ha? wag mong sasaktan si sue. makakatikim ka sakin."

"never akong makakatikim niyan pare."

okay, sabi mo eh.

Pare?Место, где живут истории. Откройте их для себя