023- william's pov

11 0 1
                                    


N a r r a t i o n
w i l l i a m

tangina naman netong si mike! puta talaga. bat di niya man lang kinwento sakin na may gusto rin pala siya kay sue? ayan tuloy, naguiguilty na kami pareho ni sue. tangnang yan. ang sama kong kaibigan, di ko man lang napansin na nasasaktan ko na si mike sa pagdadada ko tungkol kay sue.

papunta ako ngayon sa isang business bar kasama niya kasi sina dexter at harry.

pagkapasok ng pagkapasok ko sa business bar, ayon tanaw tanaw ko sila. umiinom si mike, deputa kelan pa siya natuto?

agad ko silang sinugod at sinunggab ang bote ni mike, "pare."

"yo pare." aniya "ibalik mo sakin yan"

napabuntong hininga ako. parang nakakabatang kapatid ko na to si mike, kahit na may gusto siya sa girlfriend ko hinding hindi ko parin siya kakalimutan.

"dex, ry, kanina pa kayo dito?" tinanguan lang nila ako.

"anong pipiliin mo? si mike o pag-ibig?" madramang kanta ni dexter sa tono ng dota o ako, tangna ang jejemon.

"kalaki laki ng bunganga kaya ang baho e." binatukan siya ni harry. ewan ko nalang talaga sa dalawang to.

"iwan niyo muna kami pwede?" tinanguan nila ako at umalis na. umupo ako sa kinauupuan ni harry kanina na tabi lang nung kay mike.

hindi pa naman talaga lasing si mike, nakainom lang. nakatingin siya sa kawalan.

"mike."

napasinghap siya sa pag tawag ko sakanya.

"bakit hindi mo sinabi sakin?"

nilingon niya ako, "may mangyayari ba kung sasabihin ko sayo? lalayuan mo siya? hindi naman diba? ikaw na kaya tong masyadong mapilit sa lahat. sanay ka kasing nakukuha lahat ng gusto mo."

ang init ng ulo ng lalaking to, di ko maka usap ng matino.

"hindi ko siya lalayuan, pero atleast mas magiging sensitive ako sa nararamdaman mo diba? pare mo ako mike. dapat sinabi mo sakin. hindi ako papayag na masisira ang pagkakaibigan natin dahil kay sue, dahil sa isang babae."

napahilamos siya sa kanyang mukha, "masakit kasi wil. matagal ko na siyang kasama, matagal na rin akong friendzone. ikaw? napulot mo lang panyo niya at tingnan mo kayo na."

"everything happens for a reason mike." kasi totoo naman talaga. malay natin may ibang babae pa pala ang nakalaan para kay mike.

"anong rason, william?"

dahil wala akong matino at maayos na maisasagot sa tanong niya, "pre. mahal ko si sue, mahal din kita--"

"tangna ang bakla mo pre!" tinawanan niya ako dahilan ng pag gaan ng loob ko.

"pero seryoso, pareho ko kayong mahal at pareho rin kayong importante sa akin. pero pre kung gusto mo na hiwalayan ko si sue, hindi ko kayang gawin yon.. pero hindi rin kita kayang iwanan pre, mabuti kang kaibigan sakin. pareho ko kayong itatago."

"wag na wag mo siyang iiwanan pre. wag na wag mo siyang sasaktan." tinanguan ko siya.

"nag aalala si sue sayo." sobrang alala si sue sa kanya, pati ako. kasi all this time hindi kami aware sa nararamdaman ng kaibigan namin.

"sabihin mo wag siyang magaalala sakin. wag ka narin mag alala sakin wil. magiging okay rin ako." nag fist bump kami.

sabay na kaming lumabas ng business bar para umuwi. di bale ng hitting 2 birds with 1 stone pero ayoko talaga kasi mawala ang isa sakanila sakin. mahalaga sila. they're next to my family.

Pare?Where stories live. Discover now