Lakad pa more! ( Part 2)
Jan.,2013
Kasalukuyan akong Naglalakad sa may hallway sa school. Nang tawagin ako ni Harry Na nanggaling sa kung saan. May pagka-kabute din to ea kung saan-saan sumusulpot .
"MARA!"-sigaw niya habang tumatakbo patungo sa akin.
Problema na naman ng lalakeng ito?
"Oh ano? "- ako
" Aga-aga sungit mo! "- Harry
"Ea ano ba kase yun?"- ako at nagpatuloy muli sa paglalakad.
" Napag-isipan mo na ba. ? "- siya
"Ha? Ano namang pag-iisipan ko? -ako
" yung sinabe ko sayo kahapon! "- siya at doon muli akong tumigil sa paglalakad.
"Wala nga akong panahon ea! "-ako
"Ea di hinde ako titigil hanggang sa magkapanahon ka! "- Harry at umarteng nagtatampo.
Parang bata!
"HARRY! "- suway ko sa kanya
"Ah basta!"- siya
Kulet talaga.
" Sige na. Wala na naman akong choice di ba .?di mo din naman ako titigilan! "-ako
"Talaga as in OO!.?Thanks Mara !"- siya at may pagsuntok pa sa hangin na nalalaman
Baliw parang siya yung ilalakad ah!
"Sige una na ako!"- ako at nagpatuloy na sa paglalakad habang kinakawayan siya. Medyo malayo na ako ng sumigaw siya
"MARA MAMAYA SA KIOSK!"-Harry
Hayst! Pursigido ang bata tch!
- - - - - - - -
Mabilis natapos ang morning class kaya nagpunta kami ni Jorie sa tambayan. Ang kiosk.
"Best di ba nakipag-balikan sayo si Kiver? Ba't di ka pumayag? - tanong ni Jorie sakin.
"Ahmmm. .Oo... pero ayoko na ii once is enough Alam mo namang yun ang paniniwala ko di ba? "- ako habang patuloy na nagbabasa ng notes para sa sunod naming subject.
"OK ...pero sayang din ii Alam mo yun?"- Jorie kaya napatingin ako sa kanya
"Panong sayang ? Di din no! Mas masasayang lang kung magkakabalikan kami pero parang wala rin lang!"- ako
"EA pano baliw ka ! Kelan ka ba kase magseseryoso ha !"- Jorie
" hindi ko din Alam Jorie..."- ako
"Haysst... bahala ka !"- Jorie
"Hi girls!"- bati samin ng kararating lang na si Harry .
" OH Harry simulan muna!-ako
"Atat lang?"- Harry
"Hay Harry sabihin muna kagad baka diyan to magseseryoso! "- singit ni Jorie.
" ok ,ok easy lang mahina kalaban ea!"- Harry ..
"Anong grade na nung sinasabi mo Harry? - panimula ni Jorie.
" Grade 6 dito yun mag-aaral sa grade 7 ea.. pero halos ka-edad ninyo din lang yon!"- Harry
" Ano birthday? "- Jorie.
Oh Sige ikaw na!hahaha
"Alam ko July yun ii...Ahmmm. . ano nga ba? Ayun tama July 5 yun!"- Harry
Oh! So July din siya same ha!
"Best napakinig mo yun july 5 pareho kayong July at saka yun yung date nung sinagot mo si Kiver di ba? Uyyy!"- Jorie na may pag kurot pa saking tagiliran .
"Tumigil ka nga Jorie! "- suway ko sa kanya.
" oo nga no? destiny Kayo! Hahaha!"- dagdag pa ni Harry sa asar ni Jorie.
Baka sila ang destiny parehong baliw..
"Ano nga palang full name nun?"- Jorie
"L----" - naputol ang sasabihin ni Harry ng mag bell na , senyales na may klase na .
" BYE HARRY UNA NA KAMI!"-sigaw ni Jorie kay Harry habang tuluyan akong binibira patungong classroom namen!
Pabitin yung bell! Lugawan na naman ng utak!QUIZ? don't like!😢😢
![](https://img.wattpad.com/cover/99577419-288-k706005.jpg)