Day 4

1 0 0
                                    

Lakad Pa More ( Part 3)

Jan.,2013

Kinabukasan habang nakaupo ako sa arm chair ko bigla akong hinila ni Jorie palabas ng room.

"Jorie ano ba?"- suway ko sa kanya basta basta na lang nambibira  , kahapon pa to eh!

Tumigil naman siya sa pagkaladkad sakin. At hinarap ako.

"Di ba di pa nasasabe ni Harry yung pangalan nung sinasabi niyang tropa niya . Ea di puntahan natin!"- Jorie

"Teka anong puntahan... wag mong sabihing pupuntahan natin yung sinasabi ni Harry?"- ako at pilit na kumakawala sa pagkakahawak niya.

"Baliw ,OA ka naman  ea ... Si Harry  yung pupuntahan natin para malaman natin yung pangalan. "- Jorie.

"May klase yun hoy!"- ako

"Wala ,dun ako galing kanina tiningnan ko bago kita binira. Anong tingin mo sa akin, gate crasher? Kaya Tara na! "- paninigurado niya at binira na ulit ako. Hayst! Di na ako magtataka pag nabalian ako ng braso.

At yun nga walang klase si Harry kaya napilit din ni Jorie na magkwentuhan ulit kami sa kiosk.

"Harry di ba tinatanong ko yung pangalan nung kaibigan mo? Sino nga 'yon.?"- tanong ni Jorie kay Harry

"Teka nga lang ,Jorie parang mas Atat ka pang malaman ang tungkol dun ah ,kesa dito kay Mara!"- Harry.

"Pake mo ba ?"- Pagtataray ni Jorie

"Arte mo! meron ka siguro ngayon no?"- pang -aasar naman ni Harry

"He! Bastos mo!"- Jorie

"Bastos agad?"-dipensa ni Harry sa sarili.

"O.O"-Jorie

"Di Ba pwedeng nagwo-worry lang baka  matagusan ka pa diyan. Hahahaha "- Harry

"Arghhhh! HARRY!"-suway ni Jorie dito.

"Sana ininform ninyo na lang agad ako na gusto ninyo lang na mag-lambingan ano? para naman di ako nagmumukhng chaperone dito!"- singit ko sa asaran ng dalawa . Nakakarindi din naman ii! Tch!

"MAGLAMBINGAN?"-sabay nilang sigaw sakin kaya napatakip ako ng tenga! Langya!

"You two shut up!"- ako. Para manahimik naman ,nakakaagaw na ng atensyon ng ibang estudyante ang usapan namin ii.
    
      Tila napansin din naman nila iyon kaya tumahimik sila at nagpatuloy na lang si Harry sa sasabihin  niya.

" So yun nga ang Alam ko Leil Ness ang pangalan  nun ii!"- sambit ni Harry .

Leil Ness ? Parang narinig ko na yung pangalang yun ii ! Di ko lng matandaan.

"Di naman transgender yan ?"-singit ni Jorie.

"Hindi no!"- dipensa ni Harry sa kaibigan niya.

"Ang weird ng pangalan eh! Parang pambabae! "- Jorie

"Kung babae yun mas maganda pa sayo. Panigurado ako." -asar na naman ni Harry  kay Jorie.

  Nag-asaran lang sila ng Nag-asaran pero mas binigyan ko ng Pansin yung sinabing pangalan ni Harry.  Pamilyar talaga eh! San ko nga ba narinig yon? Aysst! That boy ,ginugulo niya ang utak ko ha! Tch!

 

PERFECT Days Where stories live. Discover now