I remember
Jan.,2013
Kinaumagahan.....
Nagising ako ng mataas na ang sikat ng araw. Agad akong bumangon upang maghanda sa pagpasok sa school. Shems! Late na ako !😯 Napuyat ako kakaisip ng pangalan nung lalakeng yun ii!
Flashback
Time check: 12:34
Patuloy Kong inaalala ang pangalan ng lalakeng iyon. Liel! Liel! Liel! San ko nga ba narinig yung pangalan na yon?
Arghhhh! Isip Mara !
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Langya! Di ko talaga maalala .
- -- - - -
Patuloy akong nag-isip ng masagi sa aking isipan ang isang pangalan.
CHAEN
Tama siya nga!...
End of Flashback
- - - - -
Nang makarating ako ng school . Agad Kong hinanap si Harry. Ang salarin kung bakit ako Napuyat. Pumunta muna akong room at naabutan Kong may klase na pala .. Aysst! Buti nalang nagpapakopya lang ang teacher ." HOY babae anong nangyari sa mata mo? Di ka naman na puyat niyan? "-tanong ni Jorie pagkaupo ko.
"Obvious naman di ba?"-ako na nakapikit at nakasandal ang ulo sa arm chair .
"Oh! Wag mong sabihing....OH MY GOD!"- sigaw ni Jorie at may pagtakip pa ng bibig at pagtayo. Alam ko na nasa Isip nito! Tch!
"What's the problem Ms. Oli?"-tanong ng teacher ng sumigaw si Jorie?
" Wala po Ma'am he-he-he !"-hiyang sabi ni Jorie at umupo na. Ingay eh!
"Hoy babae kung ano man yung nasa Isip mo hindi yun ,baliw ka!"- bulong ko sa kanya habang nakatingin sa board.
"Eh ano nga ba kasing dahilan. ?"- bulong na tanong ni Jorie
"Aysst!basta mamaya samahan mo ako kay Harry!"-bulong ko din sa kanya.
"Oo na! Basta sabihin mo mamaya ha!"- Jorie.
Tumango na lang ako.
- - - -
Mabilis natapos ang klase naming iyon kaya agad Kong binira si Jorie para puntahan si Harry.
" HOY Mara ikaw na ngayon ang nambibira ha!"-reklamo ni Jorie sakin.
"Tumahimik ka nalang pwede."-sambit ko dito ,kanina pa reklamo ng reklamo ii!
Maya maya lang nakarating na kami sa room nila Harry. At dahil sa recess nga wala silang klase.
"Harry!"-sigaw ko sa may pintuan nila.
Nakita ko naman ang mokong na nakikipagkwentuhan sa mga kaklase niya."Pre!may naghahanap sayo !"-sabi ng isa sa mga kaklase nito na lalake.
Tumingin naman si Harry sa direksiyon namin. Agad siyang tumayo ng makita kami at nagtungo samin.
"Oh ano yon Mara,Jorie?"-tanong ni Harry Nang makalapit samin.
"Tanong mo diyan! ."- Inis na sambit ni Jorie
"Ano yun Mara? "-tanong naman sakin ni Harry.
"May gusto lang akong malaman!"-sambit ko dito.
"Ano yun?"-Harry
"Yun bang sinasabi mo sakin ano...Ahmmm... .ex ni Chaen?"-ako
"Kilala mo si Chaen ? "-Harry
"Oo!"-ako
"Tama ka ,ex nga niya!"-Harry
Sabe na eh!
"Ayoko na pala!"-ako
"Anong ayaw mo na?"-singit ni Jorie
"Ayoko ng ilakad mo,Harry! "-ako
"Bat naman? "- tanong ni Harry
"Mabait si Chaen ,Harry. At saka sinabe niya sakin dati ang sitwasyon nila ng Leil na yun! "-ako
"Di ka na makakatanggi Mara sa enrolment, pupunta yun dito!"-Harry.
"Aysst. !"-maktol ko.
"Best, ex na naman di ba? Ex!"-sabi ni Jorie.
"Ewan.sige Harry bye !"-paalam ko kay Harry at umuna Nang maglakad kay Jorie.
Eto ang ayaw ko . Ayokong may matapakan na tao.