Day 6

1 0 0
                                    

We met

Jan. 21 ,2013

  Mabilis lumipas  ang panahon at dumating ang sinasabi ni Harry Na di ko na matatanggihan. Pero pipilitin Kong iwasan hanggat maaari.

  Kasama ko ang mga pinsan ko para mag-enroll. Napagdesisyunan naming magpa xerox muna ng requirements ni Ram isa sa mga pinsan Kong mag-aaral sa St. Peter Academy.

     Nang pabalik na kami sa school. Malayo pa lang Nakita ko na si Harry sa may gate na may mga kausap. Tila malakas ang pandama ng loko , napansin din kagad kami.

   Maya maya Nakita Kong lumapit siya sa isang lalake at binira ito patungo samen.

"Mara!"-panimula ni Harry

"Oh Harry bakit?"- pagkukunwari Kong d Alam ang gusto niyang sabihin.

"Ah si Ness nga pala!"-pagpapakilala ni Harry sa isang moreno, matangkad, at naka-cap na lalake.

  Ngumiti nalang ako. Sakto namang tinawag  na kami ng isa sa mga pinsan ko ,si Ate Jas para mag-enroll na. Kaya yon iniwan ko na sila Harry dun. Para ngang ang rude ko ii ! Hay! Kelan ko pa pinakialaman ang pagiging rude ko !tch!

"Hoy sino yun ? ang gwapo ha!"- sabi ng pinsan Kong babae na 2 years ang tanda sakin , si Ate Zie.

"Ah !pinakilala lang sakin ni Harry. Leil  ang pangalan!"- ako.

"Pakilala mo din ako!"-sabi ni ate Zie.

"Hay ate! Magpa-enroll muna tayo pwede? Tch!"-ako.

   Na kahit ang totoo ay wala akong planong ipakilala siya.

"Oo na!sungit! "-sabi ni ate Zie .

   Nagpaalam ako saglit sa kanila upang puntahan ang mga kaklase ko. Saktong napag-utusan ako ng adviser namin na I-check yung mga classmates ko na nakapag-enroll na daw kaya yun halos halughugin ko na ang buong campus mahanap  lang sila. Tch!

     Habang busy ako sa pagche-check ng mga nakapag-enroll na. Nakita ko si Harry kasama yung Leil malapit samin ng mga classmates ko. Binalewala ko nalang.

   Pero maya maya lang may nagsalita sa gilid ko na dahilan ng pagkagulat ko na halos maitapon ko  ung papel na hawak ko. Aysst... ! At doon Nakita ko ang pagmumukha ni Harry Na tawa ng tawa. Baliw!

" HARRY! "-suway ko dito.

"Hahahaha!okay sorry ! Pero yung mukha  mo ang epic talaga eh! Hahahaha!"-Harry

"Bwisit ka nahingi ka ba talaga ng sorry? O aasarin mo lang ako?"- ako.

"Hindi Nandito ako para ipakilala sayo ng maayos itong si leil!  Nilayasan mo kami kanina eh! Nang walang paalam !-Harry Na in- emphasize pa ang mga huling salita . Nakita ko naman si Leil na nandon nga sa tabi nito at tila nagpipigil ng tawa sa reaction ko kanina.tch!

"Sorry okay! Tinawag kami ni ate Jas eh!"- ako

"So kilala ninyo na naman ang isa't isa ano?"-Harry

  Nakita Kong tumango yung Leil .

"Yep!"-ako.

"Eh di okay na pala !"-Harry

Baliw!

  Pinagmasdan  ko naman yung Leil . Seryoso ?siya yun?  Ba't ang layo naman ng pagkaka- describe ni Harry. Eh ang gwapo nito eh!
Moreno! Matangkad! Mahaba ang pilik-mata! Astig pumorma! Ang cool maglakad! Basta ang layo sa description  ni Harry. Okay naman yung description niya kaso ang layo pa din sa nai-imagine ko sa sinabi niya eh!Habang busy naman ako sa pagtingin sa Leil na yun kinalabit ako ng isa sa mga classmate ko.

"HOY matunaw yan!"- sabi ni Dette

"H...H-Ha?"-ako

"Tss.... tinamaan na si Mara hahahaha!"- asar nito sakin at humagalpak ng tawa kaya naagaw namin ang Pansin nina Harry. Shems!

"Hoy wag ka nga! Ingay mo!"-bulong ko dito

"Sus! Kunware ka pa!"-  bulong niya din sakin.

"Aysst!  Dun ka na nga !tsupi! "-taboy ko dito

"Di ako aso para itaboy mo uyyy! "- sambit nito.

"Eh di  tumahimik ka nalang pwede!"- ako

"Oo na! Pero bakit ka nga ba tingin ng tingin diyan!"- sabi nito at nginuso si Leil.

"Ah .. nagtataka lang kase ako kung siya nga ba ang sinasabi ni Harry eh!"- ako.

"Baliw,Malamang yan 'yon ,no! Halata naman sa cap ii! Tingnan mo kaya!"-sabi ni Dette.

Cap? Anong meron sa cap? Ngunit nalaman ko lang iyon ng Tingnan ko ang suot nitong cap. At doon ay may nakaburda na pangalan

Leil Ness

Confirmed! Siya nga!   

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 17, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PERFECT Days Where stories live. Discover now