**Chapter 1**

1.1K 30 2
                                    

*Ethan's POV*

Pinigilan ko mag kanda utal-utal sa harap ni Allysa...Oo tama kayo gusto ko sya...Liligawan ko na sya kaso may nauna sakin...Si Tyler syempre bestfriend ko nagparaya nalang ako...

Kaso sa ginawa nya ngayong pang iiwan kay Allysa at sa oras na mahulog sakin si Allysa hindi ko na sya papakawalan pa.

Teka Ethan wag ka masyadong mag ilusyon dahil hindi mangyayari yun mahal na mahal ni Allysa si Tyler.

*Flashback 2 days ago*

Mabilis akong tumakbo papunta kila Tyler para alamin kung ano nangyayari. Pagbukas ng pinto bumungad kaagad sakin ang naghahalikan na si Lacey at si Tyler

"Tyler!!" sigaw ko.

"Bakit Ethan?" tanong nya na parang wala akong nakita.

"Anong ginagawa nyo ni Lacey??" medyo nanggigigil kong tanong pero kinakalma ko sarili ko.

"Lacey bumalik ka nalang muna dito bukas...May importante lang kaming pag uusapan" sabi nya kay Lacey. Tumango naman si Lacey at biglang humalik kay Tyler. Nakita ko pang ngumiti si Tyler. At umalis na si Lacey

Tsk. Tsk. Tsk. Tyler kelan ka pa natutong lumandi!

"Ano ginagawa mo dito? biglaan ata punta mo?" akmang aakbay sya sakin pero mabilis ko yun hinawi.

Nagulat sya sa ginawa ko pero mabilis din nawala.

"Nakita ko si Allysa kanina umiiyak habang tumatakbo kaya di nya nakita na may paparating na sasakyan kaya nabundol sya. Nasa ospital sya ngayon." dire diretsong sabi ko.

"Ano nangyari sakanya?" tanong nya sakin na may halong pag aalala.

"Hindi. Anong nangyari sainyo?" tanong ko pero di sya nakasagot.

"Tyler ano ginagawa nyo ni Lacey kanina?" hindi parin sya makasagot.
"TYLER SUMAGOT KA!" sigaw ko sakanya at nagitla naman sya.

"Ayoko na kay Allysa,nakakasawa sya" dahil sa sinabi nya na yun sinuntok ko kaagad sya! at napahiga.

"Ano bang problema mo?" tanong nya habang nagpupunas ng dugo sa may bandang labi nya.

"Wala lang. Ganti yan sa ginawa mo kay Allysa." nakangisi kong sabi at umalis na baka masuntok ko pa ulit pag mumuka nya.

*End of flashback*

*Allysa's POV*

"Ethan!" sigaw ko kay Ethan. Pano ba naman kasi nakailang tawag na ko nakatulala lang sya sakin.

"A-ah e-eh bakit?" pilit ngiti nyang tanong.

"Kanina ka pa kasi nakatulala sakin eh."sabi ko "iniisip mo ako noh?" sabay kindat at ngiti ng nakakaloko. Hahahaha. Sarap palang asarin ni Ethan parang ang gaan ng loob ko sakanya.

"Hindi ah" tumawa sya "Allysa may sasabihin ako sayo" bigla syang sumeryoso at bigla naman akong kinabahan.

"A-ano yun?" medyo kinakabahan kong tanong.

"Tutulungan kitang maka move-on kay Tyler... Kung pwe pwede lang ah di kita pinipilit." sabi nya ng nkangiti at nakahinga naman ako ng maluwag.

"A-ayos yan para naman makalimutan ko na din sya." sabi ko sakanya at ngumiti. "Thank you nga pala sa pag dala mo sakin dito" sabi ko sabay akap sakanya.

*Author's POV*

After 5 monts

Tinulungan nga ni Ethan na maka move-on si Allysa. Palagi silang magkasama. Kaya palagi silang masaya at isang araw nung magkasama sila inamin ni Ethan ang nararamdaman nya para kay Allysa pero....

*Allysa's POV*

"S-sorry Ethan p-per---." bigla nya ako inakap.

"Okay lang... Hayaan mo lang ako na mahalin ka." sabi nya.

"Pero ayaw kong umasa ka at ayaw kong ma---" pinutol nya bigla simasabi ko.

"Basta hayaan mo lang ako sa tabi mo at hayaan mo akong iparamdam sayo ah?" tanong nya at tsaka ko naramdaman na may parang tubig sa likod ko.. Umiiyak si Ethan di ko alam kung ano gagawin ko kaya inakap ko din sya pabalik.

"Ethan pasensya na ta---" inakap nya pa ako ng mas mahigpit.

*Ethan's POV*

Umamin ako kay Allysa kahit alam ko na magiging sagot. Alam ko naman si Tyler parin eh. Kahit kelan di ko mapapantayan si Tyler sa puso nya.

"Hayaan mo lang ako na akapin ka kahit sa huling pagkakataon...Alam ko namang si Tyler parin mahal mo eh" bigla syang humiwalay sakin na ikinagulat ko.

Umiiyak din sya tulad ko.

"Ethan anong kahit sa huling pagkakataon? Aalis ka?" tanong nya sakin.

"Oo,Papadala ako ni dad sa America next 2 months at dun na ko titira sorry kung ngayon ko lang nasabi." sabi ko sakanya at naiyak sya hinawakan ko dalawang pisnge nya at pinunasan ko ang luha nya.

"Okay lang." sabi nya sakin

"Idedate kita araw araw ah!" bago pa sya maka angil inunhan ko na sya sa pagsasalita "diba sabi mo hahayaan mo kong iparamdam sayo" natawa sya sa ginawa ko.

Pumunta kami sa mall at nanood ng sine, nag shopping,naglaro at kung ano ano pa. Sobrang naenjoy ko ang araw na to....

To be continued ~~~

Thank you for reading ^_^ !

Saranghaeyo readers!

Please dont forget to Vote,comment and follow...

Heart Surgery (Completed)Where stories live. Discover now