**Chapter 4**

925 26 1
                                    

*Tyler's POV*

Binuklat ko ang papel na may sulat galing kay Allysa. Habang binabasa ko ito hindi ko na mapigilan ang maiyak hanggang sa mapahikbi ako...

Ganito ang naka-sulat...

*Now playing:Kiss the rain*

Play nyo para madama ^_^.

*Insert sad voice*

Dear Tyler,
Tyler sana pagkatapos ng operasyon mo ay mabasa mo itong sulat ko para sa iyo. Tyler sana makahanap ka ng mas deserve na babae para sayo... Ako yung nag donate ng puso sayo. Nung nalaman ko na wala silang nahanap na Heart Donor para sayo at maaaring ikamatay mo... Parang gumuho mundo ko nung oras na yun. Sana maging masaya ka na. Handa akong mamatay basta kapalit ay kasiyahan ng taong mahal ko. Mahal na mahal kita Tyler ikaw lang simula pa nung una. Kaya ko ginawa yun dahil di ko kayang mawala ka. Walang saysay buhay ko kapag wala ka. Maniwala ka man o hindi. Mahal parin kita... Hindi ito magbabago...
Ngayong nasayo na ang puso ko please ingatan mo. Sana makahanap ka ng taong para sayo at mamahalin ka ng totoo at ganun ka din,sana mahalin mo sya ng totoo at ng buong puso na hindi mo sasaktan at papaiyakin gaya ng ginawa mo saakin at sana maging masaya ka na sa bago mong buhay at wag mo na akong iisipin. Basta pag maiisip mo ako isipin mo palagi na kaya ginawa ko yun at binigyan kita ng pagkakataong mabuhay ay dahil yun sa pagmamahal ko sayo. Mahal na mahal kita Tyler... Mamimiss kita. I love you.

Nagmamahal,
Allysa

*****

"S-si A-allysa n-nag d-donate n-nang p-puso s-sakin??" tanong ko sakanila habang humihikbi.

Tumango sila saakin at tumingala si Ethan para pigilan ang mga luha nya na patuloy bumabagsak pababa ng pisnge nya. Si mommy naman ay walang tigil sa pag iyak.

"Bakit di nyo sya pinigilan?!" galit at sigaw na tanong ko sakanila.

"Pinipigilan ko sya pero ayaw nya. Hindi nagbago yung isip nya... Ang swerte mo Tyler dahil may babae palang kayang magligtas ng buhay mo at nagmahal ng tunay." sabi ni Ethan sakin na umiiyak.

"Mommy... Ethan pwede bang maiwan nyo muna akong mag-isa dito?" tanong ko sakanila at sumang ayon naman sila sa desisyon ko.

Nung lumabas na sila tsaka ako humagul gol ng iyak. At sinigaw ko ng sinigaw ang pangalan ni Allysa. Di ko matanggap. Putcha sana pinabayaan nalang nya akong mamatay!

*Ethan's POV*

Iniwan namin si Tyler dun mag isa sa kwarto. Masakit pala... Masakit mawalan ng minamahal. Hindi ko mahinto pag iyak ko. Gayundin si Tita. Yung mga magulang naman ni Allysa nandun sa bahay nila nandun na din kasi katawan ni Allysa. Pinigilan nila si Allysa ngunit hindi sila nagtagumpay. Wala talagang makakapigil kay Allysa.

Masakit man kailangan kong respituhin ang desisyon nya. Masaya ako kung nasaan man sya ngayon.

*Tyler's POV*

Wala akong ibang ginawa dito kung di ang umiyak lang ng umiyak ng parang bata. Mahal ko pa pala si Allysa. Sana hindi nalang nya dinonate puso nya para lang saakin at para mabuhay pa ako. Sana hindi nalang ako nagkasakit ng hindi nya idonte puso nya sakin. Sana hindi ko nalang sya iniwan. Sana minahal ko nalang sya. Sana hindi ko nalang sya niloko. Kaso... Kaso huli na ang lahat eh...




WALA NA SYA...

A few days later...

Nasa harap kami ng puntod ni Allysa at hindi ko nanaman mapigilang umiyak. Inakap ako ni Ethan at hinimas himas likod ko. Umalis na sila at nagpaiwan na ako.

"S-salamat... Salamat sa lahat Allysa d-dahil sayo may panibago akong buhay. Kung alam ko lang na magkakasakit ako at ikaw ang magliligtas sakin sana hindi na kita iniwan." sabi ko habang lumuluhod.

Hinaplos ko ang puntod ni Allysa at biglang lumamig ang buong katawan ko...

Alam ko... Alam kong si Allysa ang nararamdaman ko at may parang bumulong sakin ng 'mahal din kita.' Inakap ko yung sarili ko at hinyaan ko yung sarili ko na umiyak. Maya maya nawala na ang lamig at tumayo na ako.

Naghanap ako ng mauupuan na malapit lapit sa puntod ni Allysa at nakakita ako. Umupo ako dun at naramdaman ko nanaman yung lamig... Inaakap nanaman nya ako.

Nang mawala ulit yun umalis na ako at umuwi na ng bahay... Miss na miss na kita Allysa Chermila....

To be continued ~~~

Thank you for reading ^_^ !❤

Saranghaeyo readers!

Please dont forget to Vote,comment and follow....❤

Heart Surgery (Completed)Where stories live. Discover now