**Epilouge**

909 24 7
                                    

*Tyler's POV*

Tuwang tuwa ako para kay Ethan... Salamat at nakasal na din sya... Buti at nahanap na nya yung tao para sakanya... Buti pa sya... Karma ko siguro to sa ginawa ko kay Allysa...

Naalala ko na birthday nga pala ni Allysa ngayon. Miss na miss ko na sya.

*Sementeryo*

Walang katao tao dito ngayon. Sana multuhin ako at atakihin ako sa puso para mamatay na ako at makasama ko si Allysa sa langit... Pero imposible sa sama ko na to? Ako? Mapupunta sa langit? SANA. Isang malaking sana na mapunta ako sa langit.

Nandito na din ako sa harap ng puntod ni Allysa.

R. I. P

Allysa Chermila Verrija

Born: March 9, 19**
Died:Febuary 13, 20**


'Happy Birthday Allysa!. Allysa alam mo bang miss na miss na kita? Sana kasi di mo na di nonate yung puso mo sakin eh at hinayaan mo na akong mamatay...
Sana magparamdam ka naman kahit saglit... Miss na miss na kasi kita eh...'

Biglang lumamig ulit yung buong katawan ko at napaiyak ako.

May biglang lumapit na bata sakin.
Madumi sya pero hindi naman sya sobrang baho.

"Palimus po..." sabi ng bata sakin at talagang naawa ako sa bata.

Lumuhod ako para mag kasing taas kami ng bata.

"Bata bakit ka nandito? Mag gagabi na ah?" tanong ko sa bata at mag a alas-otso na ng gabi.

"Kailangan ko po kasi eh" sabi ng bata saakin.

"Anong pangalan mo?" tanong ko sa bata.

"A-ako po si Jeryiah Alerqo." sabi nung bata at parang natatakot sakin.

Pronounciation: Jeriyah Alerko. Babae po sya ^_^.

"Huwag kang matakot sakin hindi naman ako na-ngangain ng bata eh." sabi ko at natawa naman sya.

"Bakit ka namamalimus?" tanong ko sa bata.

"M-may sakit po kasi yung nakatatandang kapatid ko at kulang po yung pera namin para ma paopera sya." sabi nya sakin at naawa ako.

Napaisip ako.

"Bata san ba kayo naka tira?" tanong ko sakanya.

"Dun lang po sa kabilang kanto." sabi nya sakin sabay turo dun sa may kanto.

"E yung kapatid mo nasaan?"

"Nandun din po sa bahay ayaw po kaming papasukin sa ospital dahil daw po wala kaming sapat na pera."

"Samahan mo ako sa inyo at tutulungan ko kayo at yung kapatid mo." tumango naman sya bilang sagot

"Kuya sino po ba pinunta mo dito sa simenteryo?" nagulat ako nung biglang nagtanong sakin si Jeryiah.

"Ah. Yung girlfriend ko dati na sobrang bait. Nag kasakit ako noon sa puso at sya yung nagbigay sakin." di ko na mapigilan na umiyak nanaman.

"Kuya..." sabi sakin ni Jeryiah at hinimas likod ko.

"Ahh.. Ahahaha.. Ayos lang ako... Tara na?" sabi ko habang nag pupunas ng luha at tumayo na ako.

"Dito po kuya." tinuro saakin ni Jeryiah ang daan papunta sakanila.

Naglakad ng naglakad lang kami hanggang sa nakarating na kami sa bahay nila.

Katamtaman lang ang laki ng bahay nila at hindi madumi ang paligid. Kaya siguro nililinis to para hindi mapasama sa nakatatanda nyang kapatid.

Heart Surgery (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz