**Chapter 2**

942 27 1
                                    

*Tyler's POV*

Nandito ako sa bar ngayon dahil nakipaghiwalay sakin si Lacey. Mahal na mahal ko yung tao pero putek! Pinaglalaruan lang pala ako. Ang mas matindi pineperahan lang ako ng mukang kalabaw na yun!

Hindi pa naman ako masyadong lasing kaya napag desisyunan ko na pumuntang mall upang magpalamig.

Sa mall...

Sa hindi inaasahan nakita ko si Ethan at si Allysa... Mukang napakasaya nilang dalawa. Masaya din ako kay Allysa dahil nakikita ko sakanya na naka move-on na sya.

Naramdaman ko nalang yung sarili ko na tumalikod sakanila na para bang nasasaktan ako na makita sila. Mahal ko pa pala sya. Naramdaman ko nalang na biglang may sumakit sa puso ko at bigla akong nahilo at natumba nalang.

*Allysa's POV*

May pinag kakaguluhan ang mga tao dito sa mall kaya naki usyoso na din ako. Halos mabali tuhod ko sa nakita ko... Si Tyler nakahiga sa sahig at walang malay. Naiiyak na ko. Nilapitan ko si Tyler at pinipilit na gisingin sya pero wala talaga syang malay.

"Ethan! Ethan! Tulong!" sigaw ko kay Ethan na bumibili ng ice cream para saming dalawa. Agad namang tumakbo si Ethan papalapit samin ni Tyler.

"Ethan dalin natin si Tyler sa ospital please!." sabi ko habang lumuluha na. Tumango si Ethan at binuhat si Tyler. Dinala na namin sya kaagad sa ospital.

Ospital

ROOM 306

Nandito kami nila Ethan at Tyler sa Room 306. Hindi ko parin matigil ang pag iyak ko.

"Allysa stop crying na..." pag papatahan sakin ni Ethan. " Maiwan muna kita dito ah? bibili lang akong makakain." tumango nalang ako kay Ethan at Lumabas na sya.

Maya maya may biglang kunatok sa kwarto namin. Binuksan ko iyon at niluwal ito di Ethan at ang Doctor.

"Allysa kakausapin daw tayo ng doktor..." sabi sakin ni Ethan at tumango nalang ako.

"Iha...Iho... Kaano ano nyo ba yung pasyente?" tanong ng doktor saamin.

"Kaibigan po..." sabay naming sagot ni Ethan.

"Wag sana kayong mabibigla... Mahalaga tong sasabihin ko." sabi ng doktor,bigla akong kinabahan.

Lumapit ako kay Ethan at humawak sa pulso nya. Kinakabahan ako.

"Iho... Iha... May sakit ang kaibigan nyo sa puso... Kailangan nya ng heart donor." dahil sa sinabi ng doktor napaiyak ako. " Pag wala akong nahanap maaaring ikamatay ng kaibigan nyo." pagpapatuloy ng doktor.

Agad naman akong nanlumo at tumabi sa kama na hinihigaan ni Tyler ngayon... Hinawakan ko ang kamay ni Tyler tsaka umiyak.

Hindi ko sya kayang mawala sa buhay ko... Lalo na ngayong may sakit sya... Paano kung walang mahanap yung doktor na donor? Mamamatay sya... Hindi ko kaya...Hindi pwede...

Lumapit sakin si Ethan at hinahaolos ang likod ko. Bigla namang nagsalita ang doktor.

"Huwag kayong mag alala pag nakahanap ako ng heart donor para sa kaibigan nyo bukas na bukas din papa operahan ko na sya." nakangiting sabi ng doktor.

"Maraming salamat po sainyo." sagot ni Ethan sa doktor.

"O sya maiwan ko na muna kayo at sisimulan ko na maghanap." sabi samin ng doktor at umalis na.

Napayakap ako kay Ethan at tsaka napaiyak. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

*Kinabukasan*

Nagising ako ng may narinig akong kumakatok sa pintuan. Binuksan ko iyon at nakita ko ang doktor.

"Dok? Bakit po?" tanong ko. Nakita ko sa muka nya na biglang lumungkot.

"Iha pasensya na pero.... Wala akong nahanap na heart donor para sa kaibigan nyo..." Para akong nabalian ng tuhod pagkarinig ko nun at naiyak na ko.

Pero isa lang ang alam kong kayang magbigay ng puso sakanya.

"Dok. May kilala akong magbibigay ng puso sakanya" sabay tingin kay Ethan na mahimbing na natutulog.

"Sino iha?..." tanong ng doktor sakin...

To be continued ~~~

Thank you for reading ^_^ !❤

Saranghaeyo readers!

Please dont forget to Vote,comment and follow....❤

Heart Surgery (Completed)Where stories live. Discover now