Part Thirty

1.6K 67 8
                                    

Makalipas ang dalawang linggo...

Kasalukuyang nag-iimpake si Karylle ng kanyang gamit. Humigit-kumulang dalawang linggo din syang nanatili sa Ilocos kung saan naroon ang taong gusto nyang makita at makausap. At sa panahon na nanatili sya sa lugar na ito, doon ay nasagot lahat ng katanungan nya. Noong una ay hindi nya talaga lubos akalain na nangyari sa pamilya ang lahat ng bagay na 'yun. Hindi sya makapaniwala na maaari pa lang mangyari sa totoong buhay ang nangyari sa pamilya nya. Ngayon mas naintindihan na nya kung bakit nagawang itago sa kanya ni Vice ang totoo. Hindi naman kasi talaga madaling ipagtapat ang lahat lalo na kung pamilya mismo ni Vice ang dahilan ng lahat.

"Sigurado ka na ba talagang babalik ka na?"

"Ma, napag-usapan na natin 'to diba? Babalikan ko si Vice."

Nakita nyang huminga ng malalim ang nanay nya. Alam nyang hindi nito gusto si Vice para sa kanya dahil na rin sa nakaraan ng mga pamilya nila. Pero mahal nya si Vice. At kahit tutol pa ang nanay nya, naintindihan naman sya nito kahit papaano.

"Okay. Don't hesitate to call me if you need anything." Sagot nito at niyakap sya ng mahigpit. Gumanti naman ng yakap si Karylle. Ang saya nya ngayon dahil halos buo na ang pagkatao nya. "Always take care of yourself. Buntis ka pa naman."

"I will, Ma. Salamat po." Sagot ni Karylle matapos kumalas sa pagkakayakap sa kanyang nanay.

"Ipapahatid na kita kay Dingdong."

Tumango na lang si Karylle. Oo. Nasa Ilocos din si Dingdong at hindi nya akalain na nagtatrabaho pa ito sa kompanya ng Mama nya. Sobrang nailang sya ng malaman nyang nandito rin ito. Marahil ay napansin iyon ni Dingdong kaya kinausap sya nito. Humingi ito ng pasensya sa lahat ng gulo na naibigay nya sa kanila ni Vice at sinabi kung maaari silang maging magkaibigan ulit. Tinanggap naman iyon ni Karylle pero may konting distansya pa rin sa pagitan nilang dalawa. Naiisip ni Karylle, kung makikita siguro ni Vice na kasama nya si Dingdong siguradong iinit na naman ang ulo ni Vice. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman nya na ayaw talaga ni Vice sa presensya nito.

Paglabas nila ng suite kung saan pansamantalang tumuloy si Karylle, naabutan niya at ng Mama nya si Dingdong na nakasandal sa pader. Nagbigay galang ito sa Mama nya at nakangiting bumaling sa kanya. Sinsero ang ngiti nito at hindi tulad noon na nakakaramdam ng pagkailang.

"Let me help you, K." alok nito at kinuha ang bag na dala nya.

Maliit lang ang bag nya dahil wala naman talaga syang balak na magtagal dito. Pero dahil na rin sa pakiusap ng Mama nya kaya halos tumagal sya ng dalawang linggo.

"I'll see you in Manila, anak." Nginitian nya nito at bineso bago sya sumakay sa kotse ni Dingdong. They bid goodbye to each other hanggang sa umalis na sila.

Buong byahe tahimik lang si Karylle. Panaka-nakang tinitignan ang cellphone nya. Nagbabakasakali na may mensahe mula sa isang taong hindi mawala sa isip nya. Pero bigo lang sya dahil kahit blankong mensahe mula dito wala syang natatanggap.

"Baka busy lang 'yon." Napatingin sya kay Dingdong. Direkta lang ang tingin nito sa daan. "Huwag ka ng mag-alala dyan. Marami lang siguro trabaho." Dagdag muli nito.

'Yan din ang pilit nyang itinatanim sa isip nya na sobrang busy lang nito sa kompanya. Pero hindi nya maiwasang hindi mag-alala. Lalo na't simula ng umalis sya hindi pa sila nagkakapag-usap. Ilang beses nyang sinubukang tawagan ito pero laging out of coverage. Nagpadala rin sya ng text messages pero ni kahit isang reply wala syang natanggap mula dito.

Hindi na napansin ni Karylle na nakarating na pala sila sa airport. Kung hindi pa sya sinabihan ni Dingdong hindi nya mapapansin dahil sa dami ng iniisip nya. Hinatid sya nito sa lugar kung saan naroon ang private plane na sasakyan pabalik ng Maynila. Ito rin yung kaparehong private plane na sinakyan nya papunta dito sa Ilocos.

MINE is MINE (ViceRylle)Where stories live. Discover now