Part Seventeen

8.2K 209 11
                                    

Note:

Lahat na nilagay ko dito, ay pawang kathang isip lamang. .

Late and short update. Dumaan kasi si Ruby, nawalan tuloy ng kuryente.

No proof read.

~~

Halos hatinggabi na nang makauwi si Vice. Kailangan nyang tapusin ang mga naiwan nyang trabaho sa opisina, kaya hindi na nya namalayan ang oras. Pagbukas nya ng pinto ay patay na ang lahat ng ilaw sa loob ng bahay. Nagtungo sya sa kusina para kumuha ng tubig na maiinom.

Paakyat na sana sya sa kwarto nang may napansin syang gumalaw mula sa sofa sa sala. Napailing na lang sya nang mapagtanto nya kung sino ito. Agad nya itong nilapitan at hindi nga sya nagkamali. Si Karylle nga ito. Lumuhod sya sa harap ng tulog nyang asawa. Pinagmasdan nyang mabuti ang maamo at inosente nitong mukha. Marahan nyang hinawi ang hibla ng buhok na nagtatakip sa mukha nito at hinaplos ang mukha ng asawa nya.

Paano nya ba sasabihin sa babaeng ito ang lahat? Napabuntong hininga sya. Paano kung magalit ito sa kanya, dahil matagal nyang itinago ang tunay na dahilan kung bakit nya ito pinakasalan? At higit sa lahat ang totoong pagkatao ng asawa nya?

“Vice?” nabalik mula sa malalim na pag-iisip si Vice dahil sa pagtawag sa kanya ni Karylle. Hindi nya napansin na naggising pala ito.

“Did I woke you up?” malumanay na tanong nya kay Karylle. Umiling naman ang huli kahit na naalimpungatan sya sa paghaplos nito sa mukha nya. “Bakit dito ka natutulog?” tanong muli ni Vice.

“Hinihintay kasi kita. Hindi ko naman napansin na nakatulog ako.” paliwanag ni Karylle. “May problema ba Vice?” pansin nya kasing tila malalim ang iniisip ng asawa nya.

Tiningnan sya nitong mabuti. Alam nyang may gusto itong sabihin base sa tingin nito sa kanya. Bumuntong hininga si Vice.

“Let’s go upstairs. Doon ka na matulog.” Sabi nito. Tumango na lang sya.

“Good morning po, Manang.” Bati ni Karylle kay Manang Lydia pagkaggising nya. Kakabalik lang nito mula sa probinsya kahapon.

“Magandang umaga rin, iha. Pinapapunta ka nga pala ni Vice sa library.” Nakangiting tugon ni Manang sa kanya.

Kahit nagtataka ay hindi na lang uli sya nagtanong at pumunta na lang sa library kung saan naroon si Vice. Kumatok sya ng tatlong beses saka pinihit ang seradura. Naabutan nya si Vice na nakaupo sa lamesa sa gitna. Nakasalamin ito habang may binabasa. Siguro ay mga papeles. Isip nya.

MINE is MINE (ViceRylle)Where stories live. Discover now