Part Eight

8.9K 189 0
                                    

Naalimpungatan si Karylle dahil sa tunog na nagmumula sa pintuan, may nagdodoorbell. Kahit mabigat ang kanyang pakiramdam ay pinilit nyang bumangon. At doon ay napagtanto nya na nasa loob sya ng kwarto nilang mag-asawa at iba na rin ang kanyang sout na damit. Mula kasi sa punit nyang sando ay isang oversize shirt na ang suot nya. At sigurado syang kay Vice ang damit na ‘yon. ‘Si Vice.’ Muli nyang naalala ang nangyari kanina lang. Napahinga sya ng malalim at lumabas mula sa kwarto nila dahil mukhang kanina pa naghihintay ang tao sa likod ng pinto.

“Eric?” Si Eric ang bodyguard ni Vice.

“Good evening Miss Karylle. Pinabibigay pala Si—“he paused. “Pinabibigay po ni Miss Anne.” Inabot nya kay Karylle ang paper bag na hawak nya.

“Para saan daw ‘to?” tanong nya haban iniinspesyon ang box.

“Suotin nyo daw po para sa party nya mamaya.” Magalang na sagot nito. “I have to go Miss.” Tumango naman sya at nagpasalamat bago sinara ang pinto at nagtungo sa sala. Lagot, bigla nyang nalimutan na birthday pala ni Anne ngayon. Napatingin naman sya sa orasan na nakasabit sa dingding na sala. ‘7pm.’ Gustuhin man nyang hindi pumunta sa party ni Anne pero hindi pwede. Sigurado kasing magtatampo ito sa kanya at ayaw naman nyang mangyari ‘yon.

Agad naman nyang binuksan ang laman ng paper bag at nakita nya sa loob nito ang itim na two piece bikini. Pero hindi naman sya ‘yong tipong mababastos ka kapag sinuot mo. Kumbaga conservative pa rin naman ito. Huminga sya ng malalim at umakyat sa kwarto para makapag-ayos na.

Pinasadahan nya ng tingin ang sarili sa salamin. Hindi sya kompotableng mag-suot ng two piece sa harap ng maraming tao kaya nag-sout rin sya ng shorts, hinayaan nyang nakabukas ang butones at zipper nito. Nagsuot rin sya ng see-through para kahit papaano ay hindi sya maconcious halata rin kasi ang red marks sa leeg nya dahil sa ginawa ng asawa nya. Biglang bumigat ang dibdib nya ng maalala na naman ang nangyari.

“’Wag mo na syang isipin Karylle, masasaktan ka lang. ‘Wag kang magpapakita ng kahit anong kahinaan sa kanya, maging matatag ka.” Kumbinsi nya sa sarili. Nagpakawala sya ng isang malalim na buntong hininga at pilit na nginitian ang kanyang repleksyon. “Kaya mo yan.”

~~

“Happy birthday Anne.” Bati ni Billy kay Anne sabay halik sa pisngi ng dalaga. “Here’s my gift.”

“Thanks Billy boy.” Inabot ni Anne ang regalo ni Billy at niyakap ito.

Sunod namang bumati sa kanya si Vhong. “Maligayang kaarawan sa’yo Anne. At dahil araw ng kapanganakan mo… ceasefire muna tayo.” Napangiwi naman si Anne dahil sa pagiging makata ni Vhong habang si Billy naman ay natatawa lang.

MINE is MINE (ViceRylle)Where stories live. Discover now