Part Eleven

8.9K 207 9
                                    

Inabot ng halos isang oras bago matapos ang meeting ni Vice. Nagkaroon kasi ng problema ang isa sa mga branch nila kaya agad nyang hinanapan ng paraan kung paano ito masosolusyunan. At tiwala sya na magiging maayos na ito.

Pagkapasok ni Vice sa loob ng opisina nya ay naabutan nya si Karylle na nakahilata sa couch. Nakatulog ito sa kakahintay sa kanya. Nilapitan nya ito para gisingin. Nakaramdam sya ng pagkailang dahil bahagyang nakalantad ang makinis na binti ng kanyang asawa. Tumaas kasi ang suot nitong skirt. Pero kasabay ay nainis din sya. paano na lang kung may ibang pumasok sa loob at naabutan sa ganoong ayos ang asawa nya? Napaka clumsy talaga.

“Wake up…” marahan nyang tinapik ang pisngi nito para magising. “Hey…”

“Hmmm…” halos mapamura si Vice dahil iba ang dating sa kanya ng ungol ni Karylle. The way she moan could turn him on.

Agad napabangon naman si Karylle ng maalimpungatan sya.

“Pasensya na. Nakatulog ako.” Hindi naman nya namalayan na nakatulog sya. Ang sabi kasi ni Vice ay babalik sya agad.

“Sa susunod matuto ka maglock ng pinto. Paano kung may pumasok dito at naabutan ka sa ganoong ayos?” nakunot na naman ang noo nito.

“Sorry…” paumanhin nya. Oo nga naman, dapat ay umayos sya dahil nasa opisina sya ni Vice. Baka mapahiya ito ng dahil sa kanya. Ayaw nya namang mangyari ‘yon.

Hindi naman nagsalita si Vice bagkus ay tumalikod ito at pumunta sa lamesa nya. Ilang minuuto rin silang tahimik. Tanging tunog lang ng keyboard ng laptop ni Vice ang maririnig. Aakalain mong natratrabaho sya pero ang totoo ay kung ano-ano lang naman ang ginagawa nya pampalipas ng oras.

Pasimpleng tiningnan nya si Karylle na nakaupo pa rin ng tahimik. Napahawak sya sa tiyan nya at napakagat labi. Kanina pa kasi kumukulo ang sikmura nya. Ayaw naman nyang istorbohin si Vice dahil ang akala nya ay busy ito sa trabaho. Tutok na tutok kasi ito sa ginagawa nya. Pwede naman syang magpaalam dito para kumain kaya lang ang isa pa nyang problema ay naiwan nya ang wallet nya dahil sa kakamadali kanina.

Napabuntong hininga naman si Vice. Isinama nya si Karylle dahil sinabi sa kanya ni Manang na naiinip daw ito sa bahay nila pero mukhang mas lalo itong nainip dito. Ano ba ang gagawin nya para hindi ito mainip. Hindi naman sya clown para aliwin ito. Tumayo sya mula sa pagkakaupo at lumapit dito.

“Tara na.” napatingala sya ng magsalita si Vice. Hindi nya napansin ang paglapit nito sa kanya.

“Saan tayo pupunta?”

MINE is MINE (ViceRylle)Where stories live. Discover now