CHAPTER 4

43.4K 1.2K 22
                                    


Abby's POV:

Narito ako ngayon sa tapat ng maliit kong bahay. Nagdadalawang isip ako sa gagawin ko. Alam ko namang ginusto ko to dahil ako talaga ang nagpunta mismo sa bahay ni Luke. Hindi ko din alam na yon ang magiging kapalaran ko.




Dala ko ang maleta ko kasabay ng pag busina ng itim na kotse. Hindi si Luke ito. Bumaba ang isang lalaking nakauniporme at naka shades pa alam kong isa ito sa mga tauhan sa loob ng mansion.




"Señorita tara na po at naghihintay ang Señorito sa loob ng sasakyan." Nagulat ako sa nalaman ko. Teka okay ba ang itsura ko? Baka naman ang laki na ng eye bags ko paano naman kasi hindi ako pinatulog ni Luke siya lang kasi ang tumatakbo sa isip ko. Hay Abby ginusto mo to diba? Eto kana pumasok kana sa loob at wag ng mag inarte. Sabi ko sa sarili ko.




Kinuha ng lalaki ang maleta ko at pinagbuksan na ako ng pinto.




Pagbukas ay nakita ko ang naka dekwatro na si Luke at naka black tuxedo ito na naka shades. Muntik nanamang tumulo ang laway ko dahil sa angking kagwapuhan nito.




"Get in." Tipid niyang sabi. God bakit ganon ang hot ng pagkakasabi niya. Ng matauhan ako sa pagkalalandi ko ay pumasok na ako sa loob. Mamaya ko na siya tititigan kapag walang nakakakita nakakahiya naman kasi.






Habang nasa biyahe kami ay tahimik lamang si Luke at seryosong nagbabasa ng magazine.





Hindi ko napigilan kung ano ang binabasa niya dahil nacurious ako ay pasimple akong tumingin sa magazine.





Nakita ko ang isang napakagandang modelo at alam kong tinititigan ni Luke yun. Syempre nakaramdam ako ng selos dahil sa may gusto ako kay Luke.





"She's beautiful isn't it?" Bigla niyang sinabi. Parang may karayum namang isa isang tumusok sa puso ko at gusto ko na talagang sumabog kaya nagsalita ako.






"Sino ba yan? Ang payat payat naman niyan. Tsaka tignan mo oh mukha ng retoke ang mukha." Di ako nagpapahalata pero inis na inis na ako. Dapat ako lang ang babae ni Luke. Ako lang ang maganda sa mga mata niya.






Tumawa ito ng mahina at God ang hot niya tumawa. Sinara na niya ang magazine at tinanggal ang shades niya.





"Yeah I think you're right." Sabi nito at ngumiti sakin.





Ayan nanaman ang mga asul niyang mga mata. Nagkatitigan nanaman kami at natutunaw na ako sa mga titig niya.






Di ko alam pero pinagpapawisan ako kahit na air-con naman sa loob ng kotse.





Para hindi ako ma tense ay ibinaling ko nalang ang tingin ko sa ibang direksyon.





"Bakit sa iba ka nakatingin? Ayaw mo ba akong makita?" Hindi ko siya pinansin sobrang nahihiya nako sa mga titig niya. Ang gwapo talaga niya as in ang yummy.






Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at nagdulot yun sakin ng matinding kuryente sa buong katawan ko. Shit bakit ako nakuryente?





Hinawi ko agad ang kamay ko sakanya. Hindi padin ako tumitingin.





"Hey. Bakit hindi mo suot ang engagement ring?" Oo nga pala hinubad ko to at inilagay sa box na maliit. Nakakatakot naman kasing suotin dahil halatang mamahalin yun.






Tumingin na ako sakanya habang nakakunot noo na siya. Shet lang dahil ang gwapo niyang sumimangot.





"Ah eh nasa box mamaya ko na suotin."






"Suotin mo na." Sabi nito.





Kinuha ko ang box na maliit kung saan nakalagay ang singsing at bigla naman niya itong kinuha.






Hinawakan niya ang kamay ko at nakuryente nanaman ako. Kakaiba talaga ang pakiramdam na yun. Kinuha niya muli ang kamay ko at sinuot ang singsing.





"Gusto ko lagi mong suot to." kasabay non ang paghalik niya sa kamay ko kung nasaan ang singsing.





Nakaramdam ako ng init sa mukha dahil ngayon lang buong buhay ko ay nakaramdam ako ng kakaibang kuryente.






"Abby, you're beautiful." Bigla niyang sinabi.






Hinawi ko ang kamay ko na hawak niya.





"Maliit na bagay haha!" Pabirong sabi ko pa.





"I'm serious." eto nanaman ang seryoso niyang mukha.





"Talaga maganda ako?" tanong ko.






"Yes. Hindi mo lang alam kung gaano ka kaganda."





"Sus. Ang dami mo pang sinasabi e haha eh sino mas maganda samin nong model kanina?" tukoy ko don sa modelo na nasa magazine.





"Model? Sino?"





"Sus nakalimutan mo agad? Yung kanina sa magazine." Nakanguso na ako dahil naiinis nanaman ako hindi ko alam kung pinagtitripan lang ako nito.






"Oh I see."






"Yan lang sasabihin mo?" Inis na sabi ko.





"Mas maganda kapa dun kung sino man yon Abby." Sabi nito.





Tumawa naman ako dahil di ko alam kung pinagtitripan ba ako nito oh ano.






"Bakit ka tumatawa? Hindi kaba naniniwala?"






"Wala haha may naalala lang ako."






"Sino naman ang naalala mo?"






"Wala hindi na mahalaga yun."






"Lahat ng sasabihin mo mahalaga para sakin. So tell me."




Grabe ang seryoso niya talaga. Pagselosin ko kaya siya? Haha baka umepekto Abby.






"Naalala ko lang si Andrew." Gawa gawang pangalan.






Nagbago ang ekspresiyon ng mukha ni Luke at sumimangot.





"Sinong Andrew?"






Hindi na to nakatingin sakin.






"Kaibigan ko."





"Friend huh?"






"Oo bakit?"






"Abby ikakasal ka sakin. Ayokong may ibang lalaking umaaligid sayo. Nagkakaintindihan ba tayo?"






Lumalim at lumamig ang boses nito habang nakatingin padin sa bintana. Hindi ko alam bakit bigla nalang naging paiba iba ng mood si Luke.






"Nagkakaintindihan ba tayo?" Mariin niyang tanong sakin.






"Oo." sabi ko.






"Good." yun nalang ang sinabi niya at isinuot na niya ulit ang shades niya.






Ngayon ay hindi ko maintindihan ang pagiiba ng mood niya. Isa lang ang alam ko yun ay isang bipolar pala si Luke.




Seducing Mr. Esteban ✔Where stories live. Discover now