CHAPTER 10

31.8K 962 19
                                    

Abby's POV:

Nasa classroom na kami ng mga kaibigan ko. Si Mindy naman ay nakasimangot padin dahil sa nangyare kanina.


"Okay class turn your page to 159." Biology class nanaman ang pinaka ayoko sa lahat. Hay kung hindi lang binayaran ng buo ni Luke ang tuition ko titigil na talaga ako tutal naman hindi ako nararapat sa pangmayaman na paaralang to.


"OMG nakita niyo? Si Abby pumasok na ulit ang mahirap." Dinig kong nagbubulungan sina Valerie at ang pinaka famewhore na si Alexis.



"If I know pumapasok lang yan pero wala ng pambayad ng tuition yan." Sabi ni Alexis.



"Pwede ba tigilan niyo ako? Ayoko ng away ngayon." Sabi ko.



Tumayo si Alexis.


"Bakit ano bang pinagmamalaki mo? Best friend ng Daddy ko si Don Agustin ang may ari ng school na to baka gusto mo din mapabilang sa mga pinalayas ko?" Nagtataray nanaman to. Pano ba naman kasi pera lang naman ang dahilan kaya makapangyarihan. Maging si Mrs. Herman ay ayaw makialam dahil takot mawalan ng trabaho kaya ang lakas ng loob ng Alexis na to.




Tumayo nadin ako sa init ng ulo ko. Aba hindi naman ako papayag na apihin nalang noh nawala lang si Tanya dito hari harian na tong Alexandra Domingo na to.




"Ayoko ng away ano naman sayo ngayon kung pumapasok ako? Bakit mayaman lang ba na tulad mo ang may karapatang tumuntong dito? Hoy Alexis tao ka din tulad ko, tao kadin na tumatapak sa lupa."




"Wow wow ayaw ng gulo pero kung makasagot akala mo Santo Santita."




"Miss Salazar mas mabuti pang tumahimik kana." Sabi sakin ni Mrs. Herman. Malamang papanigan niya si Alexis dahil makapangyarihan to.




Hindi na ako nagsalita at aktong uupo na ako ngunit si Alexis na nakaupo mismo sa likuran ko ay inusog palayo ang upuan ko kaya saktong napaupo ako sa baba. Nagtawanan ang lahat maliban sa dalawa kong kaibigan na naiinis na kay Alexis.




"Poor Abby. Kawawa ka naman tignan mo oh manalamin ka nga jan. Suot mo man ang mamahaling uniform na yan basura ka padin. Naiintindihan mo ba ako? Lumayas kana dito kasi ang mga basurang kagaya mo hindi na dapat nagaaral lalo na sa mamahaling paaralan."




"Sumosobra kana Alexis sinabi ko na sayong ayoko ng gulo pero pinipilit mo ako ahh."




Tumayo na ako at hinarap siya. Si Mrs. Herman ay natarantang lumabas ng classroom.




"Bakit anong gagawin mo?" Tumatawang sabi nito. Sa ganong posisyon din nagsitayuan na ang iba pa niyang mga kaibigan. Si Valerie ang best friend niya, si Paula at Regina.



Tumayo din si Mindy ang kaibigan ko.



"Hoy baboy wag kang makikialam kung ayaw mong masaktan." Sabi ni Valerie. Napaka sama talaga ng grupo nila.




"Wag mong inuubos ang pasensiya ko Valerie. Nakakailan na sakin yung kambal mo kanina baka sayo ko mabuhos ang galit ko." Sabi ni Mindy. Kambal si Valerie at Marjorie dela Torre.




"Hahahha ang tapang niyo din ano. Dalawa lang kayo apat kame." Sabi ni Alexis. Magkakabanggaan na sana kami ng dumating si Dean.



Nataranta ang lahat na bumalik sa kanya kanyang mga upuan.



"Okay class narito ako para ianounce sainyo ang bago nating share holder dito sa school na to. Ibig kong sabihin isa rin siya sa may ari ng school na to." Nacurious ang lahat. Walang nagsalita.



Seducing Mr. Esteban ✔Where stories live. Discover now