CHAPTER 29

26.2K 668 19
                                    


Abby's POV:

Naupo na kaming mag-asawa sa upuan samantalahang si Stela naman ay abala na sa pagluluto.





"Ate Abby san niyo po pala nakilala si Kuya Luke? Alam niyo po ba akala ko hindi na siya aalis dito e kasi nagliligawan na sila ni ate Stela. Ayy sorry po biro lang yun." Sabi ng kapatid ni Stela na si Juan.






Napangiti nalang ako ngunit kagad na akong kinutuban. Napatingin ako kay Luke na kanina pa palang nakatingin sakin.






"Bakit?" Tanong ko.





"Huh? Nothing." Huminga ito ng malalim.





"Luke gusto mo ba ng maalat o maasim? Nagluluto kasi ako ng paborito mo yung sinigang na baboy." Sabi ni Stela.






Napatingin ulit ako sa gawi ng asawa ko alam kong mali at masamang magduda lalo na at wala akong proweba at asawa ko siya.






"Luke? Ano?"






"Kahit ano." Tipid na sagot ni Luke.






Nakaramdam ako ng konting selos na hindi naman dapat. Ganito ba ang ginagawa nila araw araw noon? Pinagluluto ba lagi ni Stela si Luke? Hay Abby tama na ang kakaisip.






Nagising ang malalim kong pagmumuni ng maramdaman kong hinawakan ni Luke ang kamay ko at pinisil ito. Napatingin naman ako sakanya.






"Are you okay?"





Tumango nalang ako dito tsaka ko inalis mismo ang pagkakahawak ng kamay niya sakin. Luke hindi ko alam bakit ako nakakaramdam ng inis pero wag mo muna akong lapitan ngayon. Yun nalang ang nasabi ko sa isip ko bago ako tumayo at lumabas saglit ng bahay para magpahangin.







Mabuti na lamang at kahit tanghaling tapat ay mahangin sa labas at malamig.






Sinundan naman ako ni Luke.






"Hey what's the problem?" Maamong tanong nito habang nag aalalang nakatingin sakin. Hindi ko naman ito pinansin at nag tuloy ako sa may malaking duyan at umupo.









"Abby? Bakit ka ganyan?"






"Wag mo muna akong kausapin kahit ngayon lang." Sabi ko.





"Bakit? May nagawa ba ako?"





Yun na nga Luke hindi ko alam? Alam kong maling magduda pero bakit nakakatunog akong meron kayong ugnayan ni Stela? Bakit iba ang pakiramdam ko? Hay Diyos ko sana mali lahat ng nasa gunita ko.






"Abby?"






"Please wag muna Luke. Can't you see I want to be alone." Sabi ko.






Mukhang nakaintindi naman ito at narinig ko pang bumuntong hininga ito bago ko maramdamang wala na siya sa likod ko.






Napapikit ako. Ninanamnam ang halimuyak ng hangin at mabangong amoy ng halaman.





Maya maya pa ay narinig ko nalang na may tumabi sakin.





Nagdilat ako ng mata at nakita ko si Juan.






"Ate Abby galit ka po ba? Sorry po katuwaan lang naman yon wag niyo po seryosohin." Sabi nito.






Hindi ko alam kung bakit pero may bigla nalang akong naisip.






"Ahm Juan hindi galit ang ate sayo. May gusto lang sana akong itanong sana magsabi ka ng totoo ha?"







Nagulat ata si Juan at napatayo.






"Ano po ba yon?"






Tumayo nadin ako at sinundan ko siyang maglakad sa palayan.






"Sabihin mo naman sakin kung anong meron sa kuya Luke at ate Stela mo."







Tumigil ito sa paglalakad at hinarap ako.






"Wala naman talaga akong alam ate Abby."






Lumilihis ang tingin nito at ramdam kong hindi siya nagsasabi ng totoo kaya lumapit ako sakanya.






"Pangako ano mang marinig ko hindi ko sasaktan ang ate mo."






"Wala po talaga akong alam."





"Juan mabait kang bata alam kong ayaw mong magsinungaling. Please sabihin mo sakin."






Tumingin ito sakin.






"Dun tayo sa may puno ate Abby. Baka marinig ako ng ate eh."





Pagkasabi ay tumakbo na to at sinundan ko siya.






Nakarating kami sa malaking puno ng mangga.





Hingal na hingal ako.





"Sa totoo lang ayoko na po talagang makialam."






Paninimula nito.






"Wala talagang maalala si Kuya Luke ng mapadpad siya rito."





"Ang ate ko naman ay talagang napamahal sakanya. Lumipas ang ilang buwan at nakita kong nagkakaigihan na sila. Isang gabi galing akong skwelahan non at ng umuwi ako patay ang ilaw kaya binuksan ko ito at nakita kong nakapatong ang ate kay kuya Luke sa kama."








Tila huminto ang mundo ko sa narinig kong yun. Napadapa ako dahilan ng pagkasugat ng mga tuhod ko.






"Ate Abby okay ka lang? Sorry po wag kayong magagalit ha. Alam ko naman pong kayo ang pinili ni kuya Luke."







Napahawak nalang ako sa bibig ko. Gustuhin ko mang umiyak ay hindi maaari. Hindi ko alam kung ano ngayon ang mararamdaman ko kay Stela lalong lalo na kay Luke.








"Abby?!"





Narinig ko ang pagsigaw ni Luke at karipas ng takbo nito papunta sakin kasama ang magaling na Stela.







"Hey okay ka lang?" Tanong sakin ni Luke at inalalayan akong tumayo.






"May sugat ka! Tara gagamutin ko." Sabi naman ni Stela.





"Abby tell me are you okay? I'm so worried." Sabi ni Luke.






Hindi pa ako nakakapagsalita at tila natulala nalang ako. Ramdam kong kaagad ay binuhat ako ni Luke at dali daling inuwi sa bahay nila Stela.

Seducing Mr. Esteban ✔Where stories live. Discover now