Sa Muling Pagkikita

2.8K 41 5
                                    

Nasa sekondarya pa lamang, noong una kitang nakita.

Ang iyong mga ngiti, mapupulang labi at mapupungay na mata.

Paglapit ay ikinahihiya, sikat ka kasi sa eskwela.

Kahit pangungumusta, ‘di ko magawa.

Noong third year tayo, laking pasasalamat ko,

Nang sa JS ikaw ay nasayaw ko.

Iyong mga munting kamay, na tulad ay ginto.

Sa bawat pag-indayog, ayoko ng huminto.

Noon namang bakasyon, nag-aral ng mga leksyon,

Dahil sa aking huling taon, ako pala’y mapupunta sa star section.

Magandang pagkakataon na makasama ka sa huli at ikaapat na taon.

Sana nga lang hindi mapahiya sa school year na yaon.

Ako’y nasa hulihan, ika’y nasa harapang upuan.

Kaya mata ko’y busog na ika’y silayan.

Ngunit, may masaklap na katotohanan,

Sa iyong mga kaibigan, tila may dapat akong kainggitan.

Isang uwian, gusto ko sanang ika’y ihatid.

Subalit, Puso tila ay napatid.

Gamit mo’y may nagbibitbit, may kasabay sa pag-uwi.

Puso’y tuluyang nasawi.

Ang nakita’y hindi kinaya, kaya’t ako’y lumisan na lamang.

Pumunta kung saan saan. Nagpupumilit kalimutan ang nagdaan.

Magbubulag bulagang tila di nasasaktan.

Dahil sa totoo lang, pagseselos ay wala sa karapatan.

‘’Sabihin mo na ang nararamdaman mo,’’ sabi ng mga kaibigan ko.

‘’Ayoko,’’ yan ang tanging nasagot ko.

Ako’y sukdulang desperado.

Ultimo kukuning kurso sa kolehiyo, hindi ko pa matanto.

Kalimutan na ang kahibangan, harapin ang kinabukasan.

Ang parte sa speech ko noong gumradweyt ako.

Gintong medalya, aking nakamtan.

Ngunit puso’y sugatan at tila may KULANG.

May nagtanong sa akin, ‘‘Mahal mo ba siya?“

“Oo, tunay at totoo. Pero kung sa lalaking iyon, siya ay masaya,

Wala akong magagawa kundi magparaya.

Itatago ko na lang ang nararamdaman ng puso, sa tuwina.‘‘

Lumipas ang maraming taon, sa isang kagulat gulat na Linggo ng hapon.

Galing ako ng simbahan noon, nagliliwaliw sa nayon.

Tayo’y nagkita sa isang mainit na panahon.

Ikaw ay nanduon, tunay pa ding magayon.

Ang nanlamig kong puso, biglang umayon.

Nang iyong kumustahin ang kalagyan ko ngayon.

Hindi ko mapigilan ang matagal ng nag-uumapaw na nararamdaman.

Kailangan ko na itong sabihin, bago bumalik sa simbahan, nang sa gayon ako’y walang pagsisihan.

Sa aking pag-amin, luha niya’y napansin.

Ako’y nagugulumihanan, tila may dapat malaman.

Idagdag pa ang lumakas na hangin, na di karaniwan sa panahong makulimlim.

Nakita kong siya’y lumapit at nagsimulang bumulong sa akin.

‘‘Ganyan din ang nararamdaman ko, subalit itinago ko ring totoo.

Inakala kong tulad ko’y di karapat dapat sa’yo. Ngunit, iyong tandaan,

Kahit kailan, hindi kita malilimutan. Simula pa noong sayawan.

Pag-ibig ko sa’yo, kailanman ay di nagkaroon ng hangganan.’’

Ang sarap sa pakiramdam ng napakinggan.

Noon pa pala kami, nagmamahalan.

Subalit, mapaglaro talaga ang kapalaran. Hangi’y lalo pang nilakasan.

Pinasalubungan pa kami ng madaming ulan. Iyak niya’y aking napakinggan.

Dumating ang lalaking may dalang payong, siya din ang may dala ng bag niya noon.

Ang aking irog, sa kanyang payong ay isinilong.

Hinawakan siya sa bisig. “Aray ko,” sabi ng aking iniibig.

Sabi ng lalaking iyon, “Ikaw pala ang ikinukwento ng mapapangasawa ko,

Hindi ba’t ikaw ang seminaristang nagbigay kanina ng repleksyon?”

Love PoemsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora