Okay lang, kinakaya ko pa.

2.3K 26 3
                                    

Alam mo bang mahal kita? na kahit nasasaktan ako, okay lang,

kahit halos hindi makahinga, okay lang, kinakaya ko pa.

Ayos lang naman maging tanga,

mahal kasi kita kahit parang kahit sobra na talaga.

Oo nga naman pala, hindi naman kasi tayo talaga.

Yun yung katotohanang tinatawanan ko na lang.

Eh mahal kasi kita, handa akong magpakatanga.

Kahit tinatawanan pa ko ng iba at halos mapag-iwanan pa,

okay lang basta't makasama ka.

Alam mo bang mahal kita? Kaya heto ako't lumalaban,

kahit tuwing gabi umiiyak sa unan, okay lang, kinakaya ko pa.

Ayos lang naman maging tanga,

hangga't nandyan ka lang sa aking harapan.

Hindi kasi ako sanay ng wala ka,

kaya sana habang may oras pa,

pwede bang akin ka lang?

Love PoemsWhere stories live. Discover now