Sa Muling Pagkikita 2

2K 25 1
                                    

(It's a man's POV)


Nang Tayo'y Muling Nagkita


Buong araw akong di mapakali. Sa pagkai’y di rin magkaatubili.

Pagtingin sa relo, alas kwatro na pala ng hapon.

Kinuha ko na ang papel sa polong suot kahapon.

Tinawagan ang numerong nakasulat doon.

Iyong matamis na tinig, akin na namang narinig.

Subalit, mahihinhin mong tawa’y tila malalamig.

Tinanong kung anong sanhi ng gayong damdamin.

Baka ako’y makatulong. Problema mo’y aking papawiin.

Nalungkot ako, dahil pagbaba sa kabilang linya ang tinugon mo.

Pero, mas nagulat ako, nang sa bahay, ako’y tinungo mo.

Salamat naman at wala ng tao.

Walang magbibigay ng malisyang di naman totoo.

Pagkakita sayo’y may naramdamang kakaiba.

Subalit nawala ang pagdududa, nang saki’y ngumiti ka.

Umupo ka sa aking harapan. Ako’y nasiyahan.

Di ko na inalala, ito’y hindi talaga dapat pahintulutan.

Kwentuhang di natapos, oras parang di nauubos.

Nagpaalam kinagabihan, sinabing ika’y naligayahan.

Gayon din naman ako, nasaparan na mga alaala’y balikan.

Pero masakit isiping, ang TAYO ay hindi mapapayagan.

Kinabukasan. Sa parke, patagong napagdesisyunan.

Magkita kinagabihan. Oras na iyo’y wala ng alalahanan.

Kahit alam kong maling mali, pumayag ako.

Hawak ko ngayon ang kamay mo, pareho tayong nangangarap na lumayo.

Paano kaya kung noon pa’y sinabi na ang totoo.

E di sana, hindi na tayo naging komplikado.

Sa pananaguta’y di magnanakaw ng sandali.

Sa ating paguusap, di na magmamadali.

Lumingon ako’t tumingin. Baka ka kapaligira’y nagmamanman.

Hating gabi nang nagpaalaman. Sabi mo saki ‘y mag-ingat sa daanan.

Ngunit sa paglalakad, Nasalubong, isang Manang sa simbahan.

Ang reaksyon ko ? Nalunok yaring lalamunan.

Nagmano ako sa kanya. Sana’y wala siyang nakita.

Pero tinanong niya, sino daw aking kasama.

Kasaguta’y, “Kaibigan lang po, ‘La.”

Tugon saki’y, “Sige lang apo. Ako’y mauuna na. Tandaan mo, sa ginagawa mo, baka magsisi ka."

Magdadalawang lingo na tayong ganito. Gabi-gabi’y nagtatagpo.

Sa iyong likuran, mapapangasawa ang pananagutan.

Sa akin naman. Ang bokasyon sa simbahan.

Kasalanan kung tawagin. Duwag ng tuusin. Ika’y mahal ko. Di ko kayang tiisin.

Sa isang tago at madilim na lugar, tayo’y napilitang pumwesto.

Wala na kasi sa kantong espasyo.

Napainom ako, di napigilang, ika’y halikan ko.

Napalakas masyado. Di sinasadya giliw ko.

Saka lang ako nagising. Nang kamay mo’y sumalubong sa akin.

Alam kong nabigla ka sa aking nagawa. Giliw ako’y patawarin.

Damdamin ay di napigilan. Ngunit katahimika’y ang sagot mo.

Saka palayong, ikaw ay tumakbo.

Pilit kang tinawagan, ngunit walang makuhang katugunan.

Ang sagot, isang sulat na pinadala sa manang, nasalubong nakaraan.

Sa iyong sinabing: ‘‘Itigil na ang kalokohan.“

Puso ko’y nahimlay na ng tuluyan.

Love PoemsWhere stories live. Discover now