Chapter 35. Completing the Task

80 4 2
                                    

MICHAEL
Ito na ang pang-huling araw ko sa pagbabantay kay Lianne. Good to say, sa loob ng one week, hindi naman niya ako nahuli. Wala rin naman akong nakitang kakaiba. This is my last day, so wish me luck sana matapos ko ng walang problema.

After her class, she went to library. I find it weird. Well hindi ko lang kasi akalain na 'yong babaeng katulad niya, mataray, maarte maldita pupunta sa library at magbabasa ng libro. Usually kasi nakikita ko siya sa cafeteria or lumalabas kasama ng mga kaibigan niya. I don't know but somehow natutuwa ako malamang 'yong ganito niyang side.

Pumili siya ng libro at tahimik na nagbasa sa isang sulok. Kunwari naman ay tumingin din ako ng libro.

Without reading the title of the book I got it from the selves and sit next to her. I saw at corner of my eye that she stop reading and look at me. Nakahalata ba siya? 'Wag naman sana. Hindi naman siya nagtanong sa'kin kaya nagsimula akong magbasa pero hindi naman talaga ako nagbabasa.

Nagulat ako ng bigla siyang lumapit sakin. Akala ko hindi siya nakahalata, bakit siya lumapit?. Patay...'wag naman sana akong mahuli.

"Are you following me?" she asked one eyebrow raised.

I shrugged my shoulder and looked at her.

"No...why would I?" painosenteng sagot ko, but deep inside kinakabahan na ako. As in ang lakas ng tibok ng puso ko. Para akong nakipaghabulan sa karera na 'di ko maintindihan. Si Andrew kasi kung ano-anong pinapagawa sa'kin, 'yan tuloy.

"Eh bakit andito ka sa library?" natawa ako sa tanong niya pero natuwa ako kasi nakaisip agad ako ng palusot.

"Bakit ikaw lang ba pwedeng pumunta rito?"

"Hindi naman, wala kasi sa itsura mo na pumupunta ka sa library."

Grabe ang hard niya sa'kin best, Sabagay gwapo kasi ako hindi ako bagay sa library. Oh! I got her point.

"Grabe ka naman!" kunwaring reklamo ako. "Nag-aaral ako noh? I'm researching some things na pwede ko pag-aralan."

She looked at the book in my hand and smirked.

Oh don't tell me baliktad 'yong libro ko? I checked it a hundred times. Kasi alam ko na 'yong eksenang ganito. Pag kunwari nagbabasa ka, may magsasabi sa'yo na baliktad 'yong libro mo. Kaya sinuguro kong hindi baliktad 'to.

"So are you researching about parenthood?" she smirked. 'Yong ngising tagumapay alam n'yo yun?

"Oo...para naman handa na ko pag dumating 'yong time na 'yon 'di ba?" sagot ko sabay kindat sa kanya.

Inirapan niya ko, and without a word umalis na siya at bumalik sa upuan niya. Thank God! Nakalusot ako.

Mayamaya lumabas na siya ng library at s'yempre hindi muna ako sumunod, baka mahalata ako. Nagpalipas muna ako ng ilang minuto. Nang matantsa ko na medyo matagal na siyang nakaalis lumabas na rin ako. Nakaka-bored kaya sa library. Kanina ko pa nga gustong lumabas.

Pero naabutan ko pa rin siya. Paano pabebe maglagad. Dumiretso siya liliko na sana ako pero ewan para may sariling utak 'yong paa ko na sumunod sa kanya.

Tumigil siya sa tapat ng ladies room. Patay... napunta pa tuloy ako dito. Tatalikod na sana ko para bumalik pero tinawag niya ako.

"Sabi ko na nga ba at sinusundan mo ko!" sabi niya na parang naiinis na.

"Ah. hindi ah!" s'yempre hindi ako aaminin, magkahulihan pa.

"So, anong ginagawa mo dito sa lady's room, kung hindi mo'ko sinusundan?" nakataas kilay pang tanong niya.

My Prim and Proper Prince (Under Editing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora