Chapter 47. Fight for Love

56 2 1
                                    

Dedicated to: ayielliene

ANDREW
I tried to call her a hundred times pero hindi pa rin siya sumasagot. Well I guess pinagbawalan na rin siya ni Tita na gumamit ng phone. Walang dapat na ibang sisihin sa mga nangyayari na 'to kundi ako. It was all my fault. I can't blame Tita Melinda kung bakit niya nasabi 'yon, kasalanan ko naman talaga. Pero sana mawala agad 'yong galit niya. Hindi ko kayang malayo kay Matina. Hindi ko kakayanin.

"Andrew? Andrew?" I heard a knock on my door and obviously it was my Mom. Kanina pa kasi ako 'di lumalabas siguro nahalata na rin niya.

Hindi ko binuksan 'yong pinto pero syempre may duplicate siya kaya nakapasok siya. Umupo siya sa tabi ko.

"Anak may problema ba?"

"Ma,"

"Tell me, baka makatulong ako?'

Tama si Mommy magkaibigan sila ni Tita Melinda, baka nga makatulong siya. Sana makatulong siya. Ayoko sanang idamay siya sa problema tsaka baka maapektuhan pa 'yong samahan nila. Pero kung 'yon ang makakatulong sa amin susubukan ko na. Isang malalim na buntong hininga bago ko magawang ikwento kay Mommy ang lahat. Sinimulan ko sa umpisa hanggang sa nangyari kanina. Sana makatulong siya. Sana makinig sa kanya si Tita Melinda.

MATINA
"Buksan mo 'tong pinto! Matina, 'Wag mo akong artehan kumain ka buksan mo tong pinto." Ayoko sanang sundin si Mommy pero baka makadagdag pa 'yon sa galit niya kaya binuksan ko na lang.

"Kumain ka na," sabi niya nang pagbuksan ko siya.

"Mom, wala po akong gana."

"Matina sinusubukan mo ba talaga ako?"

"Mom, wala nga pong akong gana. Kakain na lang ako mamaya please iwan niyo na po muna ako," sagot ko at tinalikuran siya. Bumalik ako sa kama ko at nahiga. Mayamaya narinig ko 'yong paglapat ng pinto tanda ng nakaalis na siya. Hanggang kailan kaya mangyayari 'tong mga 'to. Namimiss ko na siya. Gusto ko na siyang makita.

MELINDA
Ramdam ko ang paghihirap ng anak ko pero 'di ako pwedeng magpakita ng awa sa kanya. Masyado na nga yata akong naging abala sa negosyo kaya hindi ko na napagtutuunan ng pansin ang pagpapalaki sa kanya kaya naman lumalaki siyang pasaway. Kaya naman habang maaga pa ay pipigilan ko siya para hindi siya maligaw ng landas.

ANDREW
"Bakit 'di mo subukang ipaliwanag sa kanya," tanong ni Mommy matapos niyang marinig ang lahat.

"Mommy, kasi po galit siya,"

"Well... gan'on talaga, what do you expect matutuwa siya? Harapin mo siya kaya mo 'yan."

"Mommy kasi nahihiya akong humarap kay Tita. Kasi parang kahit ano namang sabihin ko sa huli lalabas pa rin na kasalanan ko talaga."

"Edi aminin mo na lang 'yong kasalanan mo, in that way baka matuwa pa siya. Kilala ko si Melinda hindi naman 'yon nagtatanim ng galit. Kailangan mo lang suyuin. Make an extra effort, hanggang sa makita niya na sincere ka talaga."

"Mom, sa tingin mo po makikinig si Tita?" Tumango si Mommy at nguniti.

"Thanks Mommy. Susundin ko po 'yong sinabi mo."

"Go and fight for love. "

"Thanks Mom."

I answered and hugged her. The best talaga si Mommy. Sa lahat ng oras lagi siyang nand'yan para sa akin.

💞💞💞

My Prim and Proper Prince (Under Editing)Where stories live. Discover now