CHAPTER 4

3.4K 105 2
                                    

**Wolf's Lair**

(Kai's POV)

"may pag-uusapan tayo." I said.

"Kai, ano ba yun atang seryoso mo??" tanong ni Lay.

"Magbalik sila..." sabi ko.

"Sila?? Sinong sila??" - Kris

"Ang gang na kalaban natin. Ang gustong pabaksakin tayo.." - Suho.

Alam ni Suho ang tungkol sa sasabihin ko. Siya nga talaga ang unang nakaalam dahil siya ang nakakuha ng sulat mula sa Blood Empire. Ang kalaban naming grupo.

"Tsk. Hindi ba nadala ang mga yun?! Gusto ata nila talaga nila mamatay noh??!!" galit na sabi ni Chanyeol.

"Channy!! Kalma ka lang.." saway ni Baekhyun sa kanya.

Madaling mainis si Channy kaya kailangan talagang may pumigil sa kanya bago pa lumabas ang totoo niyang pagkatao.

"Sorry..."agad na sabi ni Chanyeol at nagrelax.

"Ano ba sabi nila??" tanong ni Luhan.

Agad na kinuha ni Suho ang card na may sulat sa kanyang bulsa at ibinigay kay Luhan.

" 'babalikan namin kayo at ang lahat ng mahalaga sa inyo. ' ..." binasa ni Luhan ang sulat. Parang nabahala ang mukha ng lahat sa amin..

Hindi lang kami ang maiinvolve kundi ang mga malapit sa amin...

"Kaya Luhan, layuan mo na si Kelsy nang hindi siya madamay sa gulo." sabi ni Suho.

Napasandal ako couch na inuupuan ko saka huminga ng malalim. Layuan namin ang malalapit sa amin... Kaya ko ba siyang layuan??

"D.O, may practice tayo bukas. Pati, nag-aaya si Rochelle na sayaw daw tayo sa event niya sa sabado... Okay lang sa inyo??" sabi ni Chen..

"Chen, may poblema tayo tapos ganyan pa yung isisingit mo?? tss.." - Baekhyun.

"Ang seryoso niyo masyado. Parang kaya naman natin sila ah.. Kalma lang tayo..." sagot ni Chen.

Kahit kelan talaga ang lalaking ito... Sabagay may point siya...

"sasayaw tayo." sabi ko sabay tayo. Lalabas na muna ako. Gusto kong magpahangin para mabawasan ang tensyon na nararamdaman ko...

(D.O's POV)

Papunta kami ngayon ng music room... Wala kaming pasok sa umaga kapag Thursday pero practice daw kami eh..

"Suho, alam mo ba kung ano ang fishtea????" alam ko na yan.. Ayan nanaman si Chen.

"ha?? " Suho wag kang magpapajongdae.

"Diba yun tawag sa taong epal?? Fishtea...hahaha.. Aray!! Bakit ba??!" Ayun nabatukan ni Suho. Kasi naman.. -_-||

"Tama na nga yan Chen.. Para kang sira.." hay... Sira na talaga yan Suho..

"Tama na nga kayo jan.. Bilisan na natin.." saway ko sa kanila.. Late na kami sa practice eh..

Naglakad kami papunta sa may music room. .

Pagkarating namin sa music room, ...

"SA WAKAS!!! Dumating na rin ang mga aso!!!!!" sabi ni Queency Romero.

Ayan na naman siya. Ang sungit talaga nila kahit kailan. Buti pa si Stephanie, chill lang.

"Queency... parang 5 minutes lang sila eh." sabi ni Steph.

"5 MINUTES?! LANG?! TIME IS GILD STEPH!!!" sigaw ni Queency.

" Hoy, ang ingay mo!! Tumahimik ka nga palaka!! Hindi pa umuulan oh!!" pagpatol ni Chen.

The Wolf Princes (EXO fanfic) Book 1Where stories live. Discover now