CHAPTER 42

491 20 0
                                    

(Sehun's POV)

Kung wala silang gagawin para iligtas si Mimi, pwes ako ang gagawa mag-isa. Hindi ko hahayaan na gamitin nila si Mimi!! All my life sinubukan ko na huwag siyang idamay sa gulong ito. But now, wala na.. damay na siya..

Pupuntahan ko sila ngayon.. Alam ko naman kung saan siya eh. I keep everything a secret.. Tinawagan ako dati ni Elisha.

***********

"Sehun..."

"Sino to??" tanong ko. Unregistered number ang tumawag.

"Hmm.. Kilala mo na ako.. " she said.. Her voice sound someone at kung hindi ako nagkakamali she is...

"Elisha?? Anong kailangan mo?? Nasaam si Mimi??!!" mabangis kong tanong sa kanya.

"Chill.. If you want to save her pumunta ka sa address na isesend ko sayo.. nang mag-isa.. " she told me. Hindi ko alam kung ano ang plano niya.. Magtatanobg pa sana ako kaso pinatay niya agad ang call..

Hindi nagtagal ay tumunog ang phone ko. Unregistered number pa din nanggaling but I know na si Elisha ito. Nakalagay sa message kung nasaan sila.

************

Agad na akong kumuha ng taxi para pumunta sa lugar na tinutukoy ni Elisha. Hindi na ako mapakali..

I want to see her ao badly!! Bahala na pero ililigtas ko siya. Kahit wala na ang mga wolf princes.

kringgggg... kringgggg...

Nagring ang cellphone ko. Nakita kong tumatawag sakin sina Tao. Pinatay ko lang ito pero nagriring pa rin ulit. Hindi ko na lang pinansin ang phone ko.

Lang minuto pa ay nakarating kami sa isang lumang gusali..

"Sir, sigurado po ba kayo na dito talaga kayo bababa??" tanonv nung driver. Tumango lang ako bilang sagot. Nagbayad na ako sa kanya. Ayokong mahuli ako sa kung ano man ang mangyayari kaya haharapin ko ito ng mag-isa. Ayokong may mangyari kay Mimi na masama.

Pumasok na ako sa lumang gusali. Madilim na ang paligid at walang katao-tao sa lugar.

"Sehun..." someone called me.

Nang humarap ako kung saan nanggaling ang boses, I saw Mimi.She looks so wasted. Cold and Lifeless.. Lalapitan ko na sana siya pero may bigla akong naramdamang tumusok sa bandang leeg ko. That was the last thing I know before everything fades into black.

(Tao's POV)

Ilang tawag na ang nagawa namin pero wala pa ring sumasagot. Takte talaga si Sehun!! Bakit ba umalis agad yun?! Hay ako tuloy namomroblema kakatawag sa kanya.

"Wala pa rin ba??" tanong ni Lay. Umiling lang ako.

Naghintay pa kami ng ilang sandalu bago tumawag ulit. And sa wakas nag pick-up na rin!!

"Sehun?! Nasaan ka?? Bakit di ka sumasagot ha??" hapos pasigaw kong tanong sa kanya..

"Ahhh.. Ser, hindi po ako yung Sehun.. Pasahero ko ata yung tunutukoy niyo.. Naowan niya ton selpon sa taxi ko eh.. " eh?? Naiwan ni Sehun ang cellphone niya.

"Ahh.. kuya, pwede ka bang pumunta dito sa *******. Babayaran ka namin. Kailangan lang namin pumunta sa pinuntahan nung pasaherong nakaiwan niyan.." sabi ko.

"Ahh.. Sige po.. Malapit lang po kayo kung saan ako ngayon.. Sosoli ko na den po itong selpon.." yun na lang ang sinabi niya at pinatay ang call.

Agad kong binalita sa lahat ang tungkol sa driver. Hindi namin pwedeng hayaan na harapin ni Sehun mag-isa ang lahat ng ito.

The Wolf Princes (EXO fanfic) Book 1Where stories live. Discover now